Chapter: 4

156 19 0
                                    

Nagkaroon kami ng deal kahapon ni Bansot! Gosh! Never kong naisip na magkakasundo kaming tulungan ang isa't isa! Pero kailangan eh! Kailangan kong mapalapit kay Kin! Hindi naman sa iniisip kong gusto ko sya maging boyfie ko, pero! Duh? Sino bang hindi matutuwa na crush ka rin ng crush mo diba? Hahahah! Nababaliw na ko!

" Tch" rinig kong sabi nung nasa harap ko. Oo recess na at tapos na sya sa announcement nya. Magkakaroon pala kami ng tour, pero wala akong pake, di ako sasama! Wala akong pera eh! Buti pa si bansot! Libre ni Sir Tyson! Paano ba naman, kung sino daw maging highest sa subject nya, ililibre daw nya ng tour fee! Aba,ano namang laban naming mga gakamoteng utak don?! Kaya bahala na! Kahit anong mga projects na ibibigay, haharapin ko nalang! (Huhuhu)

" Hindi bagay sayo pangiti-ngiti mo! Nakakatakooot" nandidiring sabi nya. Wow! Taliwas pa yung facial expression nya sa sinabi nya ha!

" Tse! Alam mo kanina, ansaya pa nung iniisip ko e! Pero nong dumating ka, tour fee agad naisip ko! Nakakabadtrip ka talaga kahit kailan!" inis kong sabi sa kanya at inirapan. Maya- maya may binato sya sa mukha ko!

"Aray!" sigaw ko! Sinong brutal!? Sinong brutal?! Ako ba ha? Ako ba?! Sya talaga yon! Buset!

" Ano to?!" sigaw ko nang makita ko ang binigay nya. Kunot- nuo ko syang tiningnan. Humila sya ng bangko saka umupo sa harap ko.

" Mamon. Bulag ka ba?" sarkastikong sabi nya pa! Aba! Alam ko namang mamon to no!

" Alam ko tangek! Eh bat mo ko binigyan neto?!" inis ko paring sabi sa kanya! Masakit parin kasi pagkakabato nya men! Bigla naman syang napangisi.

" Para magkalaman ka naman, Poste" ani nya saka tatawa tawang binuksan din ang mamon nya!

" Siraulo kang bansot ka!" sigaw ko saka hinampas ang mamon ko sa kanya! Leche!

Akala nya sya lang ang handa! Girl scout din akooo! Hehehe!

Binuksan ko ang bag ko at may hinanap don. May nakita kasi ako sa bahay na Cherifer, sya agad naisip ko. O diba? Mabait talaga ako e! Hehehe!

" Oh!" sabay hagis ko rin sa kanya! Kumunot ang nuo nya pero nawala rin dahil deretsong tumama sa mukha nya ang box ng cherifer! Hahaha!Peace!

" What the hell Poste! Masakit yun!" sigaw nya habang hawak ang ilong nya! Ngingiti-ngiti naman akong tumingin sa kanya.

" Wag ka nang magalit bansot! Ayan nga oh! May regalo ako sayo" ngiting dagdag ko pa. Nangunot naman ang nuo nya at tiningnan ang box ng cherifer na nahulog sa hita nya kanina.

" What the---" hindi nya na natapos ang sinasabi nya dahil sinaksak ko na sa bunganga nya ang mamon na binigay nya sakin! Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa harap at liningon sya.

" Para tumangkad ka naman! Blehhh!" pang-aasar ko sa kanya saka tumakbo papalabas ng room hahaha! Isa ka pang siraulo Mayumi!

Naglalakad na ako papuntang canteen ng may kumalabit sakin.
Napalingon naman ako.

" Hey"ani nito. Bigla nalang akong kinabahan! Shete! Otso! Nuwebe! Yung crush ko!!!

" Hi-h-h---how you like that!"bigla kong kanta ng How you like that ng BP! Wut!? Mayumi! Bat mo pinapahiya sarili mo!

" Ha?" halatang nagtataka nyang tanong sakin! Lupa! Kainin mo na ko ngayon na!

" Okay ka lang ba? Bat parang namumula ka?" takang tanong nya ulit saka nilagay ang palad nya sa nuo ko! Feeling ko mas lalong nag-init ang mukha ko!

" Ah? ha-ha-ha-ha..." awkward na tawa ko. My gosh! Yung puso ko! Di na maawat sa pagtibok!

" Kin!" sigaw nung nasa likuran! Napatingin naman ako sa likod ni Kin at nakita ko ang minion na mabilis pa sa kidlat ang takbo! Liningon naman sya Kin. Napatingin ulit ako kay Bansot pero laking gulat ko ng nakatingin na to sakin habang nakangisi at mabilis na tumatakbo pabulusok kay Kin! Wait! Parang may masama akong pakiramdam!

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now