CHAPTER 16

1.5K 53 6
                                    

"SO, you dumped Erneth? Wala na kayo? Ganoon-ganoon lang 'yon after two years na naging kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Azmon. Isa sa mga kaibigan ni Hector.

"Ano'ng ganoon-ganoon lang 'yon? Correction Az, hindi naging sila ni Erneth ever since. And we all know that Hector has been married for two years with Peppa." mabilis na sagot ni Amadeus, kakambal nitong si Az. "And, I'm so proud of you bro." dagdag pa nito nang balingan ng tingin si Hector na nakaupo sa swivel chair niya. "Because finally... you did the right decision. Tama lang na tigilan mo na ang pakikipagkita kay Erneth. Mag focus ka na lang sa asawa mo. Dalawang taon na rin na pareho kayong nahirapan because of your wrong accusation. I mean—"

"Yeah you're right!" pag sang-ayon naman ni Hector sa mga sinabi ng kaniyang kaibigan. "Tama ka Amma. Masiyado lang akong nilamon ng galit ko kay Peppa dahil sa mga maling akala ko dati pa. I thought na may relasyon sila ni dad na naging dahilan kung bakit mas lalong lumala ang sakit ni mommy noon. I was being a jerk, I admit it. Peppa is beautiful inside and out. I can't imagine na dadating ako sa puntong ito. But I'm happy because I love her, and she loves me too." saad niya sa dalawa. Hindi pa napigilan ni Hector ang mapangiti bigla nang pumasok bigla sa isipan niya ang hitsura ng kaniyang asawa.

"Okay! You're in love, really. Akala ko kasi habang buhay ka nang magtatanim ng galit kay Pipay e!" anang Az.

"Ngayon naniniwala ka na sa kapangyarihan ng pag-ibig?" natatawang tanong ni Amma sa kaniyang kakambal na ikinangiwi naman nito.

"Yuck! Bro, the power of love? Tss!" umiling-iling pa ito. "Si Hector lang ang tinablan no'n pero hindi ako." natatawang saad nito.

"Ganiyan din ang sinabi ni Hector two years ago! But look at him now, in love na in love sa asawa niya." pagak itong tumawang muli.

"Not me bro. Not me! You know me."

"Mag bago ka na, kaya kinakarma ka dahil sa mga babae mo e!" hindi na rin napigilan ni Hector ang mapasali sa pang aalaska sa isang kambal. Amma is right! Iyon din ang sinabi niya noon sa kaniyang sarili... na kahit kailanman ay hindi siya maniniwala sa totoong pag-ibig. Lalo na't nilamon siya ng maling akala noon; akala niya ay totoong may relasyon si Pipay at ang kaniyang ama na siyang naging dahilan upang mawala sa kanila ang mommy niya. But look at him now, he's deeply in love with Peppa. With his wife.

"Maiba ako... you and Peppa are okay now! Did you do the thing? You know honeymoon? Make love?" may nakakalokong ngiti pa rin sa mga labi ni Az habang nakatingin ito kay Hector.

"Of course mag-asawa 'yan. And you know Hector PenaVega, manyak 'yan kaya malamang na hindi 'yan palalampasin unang gabi pa lang na nagkaayos sila ng asawa niya." si Amma ulit ang mabilis na sumagot sa kaniyang kakambal.

"Tss!" tanging nanulas sa mga labi ni Hector dahil sa mga sinabi ng kaniyang kaibigan. Kilalang-kilala na talaga siya ng kambal na ito. Kahit hindi pa man din siya nakakapagsalita ay alam na nang mga ito ang na sa isipan niya.

"All right! He's smiling so that means Yes. Galingan mo at nang magkaroon na agad kami ng pamangkin sa 'yo." saad pa ni Az.

"Well, let's see." saad na lamang niya 'tsaka dinampot ang baso na nakapatong sa kaniyang lamesa at tinungga iyon.

Matapos ang mahaba-habang usapan nang tatlo ay nagpaalam na rin kay Hector ang dalawa. Pagkaalis ng mga ito'y muli niyang inabala ang sarili sa trabaho niya. Kung hindi pa man din pumasok sa opisina niya ang kaniyang sekratarya na si Francis ay hindi pa niya mamamalayan ang oras.

"Sir, line two." bungad nito sa amo.

Isang tango naman ang ibinigay ni Hector dito bago dinampot ang telepono na nasa kaniyang harapan.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon