CHAPTER 34

1.5K 61 5
                                    

MAHABA-HABANG kumustahan pa ang naganap sa loob ng bahay-ampunan bago nag paalam sa mga Madre ang mag-asawang Hector at Pipay. Kung hindi nga lang din nasasabik ang matandang PenaVega na muling makita si Pipay ay wala pa silang balak na umalis ng bahay-ampunan. Natutuwa pa kasi si Pipay na tingnan ang kaniyang asawa na aliw na aliw makipaglaro sa mga bata.

Nakasandal si Pipay sa dibdib ni Hector habang lulan na sila ng kotse pauwi sa bahay ng mga PenaVega. Napagod talaga siya sa mahabang biyahe galing Amsterdam at idagdag pa ang pakikipag-laro niya sa mga bata kanina.

"Are you tired, baby?" bulong na tanong ni Hector sa asawa. Isang malalim na paghinga muna ang hinugot ni Pipay bago iyon pinakawalan sa ere at tumango bilang sagot sa kaniyang asawa. "You should sleep. Medyo malayo pa tayo sa bahay. Pagod na rin siguro ang baby natin." anito at masuyo pang hinimas nito ang maliit na umbok ng tiyan ni Pipay. Mas lalong nag sumiksik si Pipay sa dibdib niya nang yakapin niya ito at ikinulong sa dalawang bisig niya. "Are you okay with your position? Hindi ka ba nahihirapan baby?" mayamaya ay tanong niya sa asawa.

"I'm okay, mahal ko! Gusto ko lang matulog, pagod na talaga ako." anang Pipay sa namamaos na boses.

Mas lalong sumandal si Hector sa gilid ng pinto ng kaniyang sasakyan upang maihiga ni Pipay ang kalahating katawan nito. "Sleep tight, baby." anito at ginawaran pa ng halik ang tuktok ng buhok nito.

NAGISING si Pipay dahil sa masuyong haplos sa kaniyang pisngi. Kumilos siya ng bahagya 'tsaka nag mulat ng kaniyang mga mata. Nabungaran niya ang guwapo at nakangiting mukha nang kaniyang asawa.

"Good evening sleepyhead!" nakangiting bati ni Hector sa asawa at agad na hinalikan ang noo nito.

"Evening mahal ko! Ano'ng oras na? Nasaan na tayo?" tanong ni Pipay dito at agad na iginala ang paningin sa buong paligid.

"It's already eight in the evening, wife. Nasa bahay na tayo ni Dad." anito. "Are you hungry? Mag aakyat ako ng pagkain natin dito." dagdag pa nito habang inaayos ang hibla ng buhok ni Pipay na nagkalat sa tapat ng mukha nito. Inipit iyon ni Hector sa likod ng tainga nito.

Nakarating na pala sila, hindi niya manlang namalayan. Dahil sa sobrang pagod kanina ay nakatulog na siya ng mahimbing sa kotse nang kaniyang asawa. Hindi rin siya nagising nang buhatin siya ni Hector papanhik sa silid nila.

"Nasaan si Papa mo?" imbes ay tanong niya rito.

"He's already asleep. Bukas na lang daw kayo mag-usap. And you really need to take a rest too baby. Kasi mahaba ang naging biyahe natin kanina." aniya sa asawa. Napatango na lang sa kaniya si Pipay habang hindi pa rin nito inaalis ang mga titig sa kaniya. Nangunot ang noo ni Hector. "What, wife?" takang tanong niya.

"W-wala!" umiiling pang sagot nito. "Ahh... mahal ko!"

"Yeah? Do you want to eat? What do you want?"

"Nagugutom na nga ako, mahal. Puwede mo ba akong bilhan ng... Pakwan?" aniya sa asawa.

"Sure! How much do you want? 'Yon lang ba ang gusto mo? Or anything you want?" sunod-sunod na tanong ni Hector.

Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ni Pipay sa asawa bago tumango rito. "Iyon lang, mahal. Salamat."

"Okay! I'll call Manang Lita para siya ang utusan kong bumi—"

"No! Gusto ko ikaw ang bumili, para sa 'kin." putol niya sa asawa nang tumayo ito sa tabi niya para sana lumabas ng kuwarto.

"But, wala kang kasama rito, wife." anito.

"Okay lang ako dito, mahal. Wala naman masamang mangyayari sa 'kin dito. Gusto ko ikaw ang bumili para sa 'kin. Please!" aniya at lumabi pa sa asawa. Nagpapa-cute. Ipinagsalikop pa ang mga palad nito pagkuwa'y.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें