CHAPTER 3

6K 157 17
                                    

TAHIMIK lang si Peppa na nakaupo sa isang bench sa lobby ng hotel habang nakatanaw sa labas ng entrance. Kanina pa siya roon at naghihintay sa kaniyang asawa, pero mula nang iwan siya nito at sumama sa isang babae ay mukhang nakalimutan na ata siya nito at ni hindi man lang siya binalikan o hinanap. Sabagay... he is Hector PenaVega at kailanman ay hindi siya magkakaroon ng puwang sa puso nito.

“Pipay?”

Agad siyang napalingon sa gawing kanan niya nang marinig niya ang isang boses na tumawag sa pangalan niya.

“Pipay! Ikaw nga!” Malapad ang ngiti sa mga labing saad ng lalaki at pagkuwa’y nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan niya.

“Hunter?” kunot ang noo na sambit niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ngayon ang lalaki.

Oh, God! It’s been years simula no’ng huli nilang pagkikita. Pero, aminado siyang hindi niya nakalimutan ang hitsura nito kaya agad niya itong nakilala.

“Hey! Long time no see!” Mahahalata ang labis na tuwa sa boses nito hindi lamang sa hitsura nito ngayon. “Wow! Grabe, I can’t believe na magkikita tayo ulit after so many years,” sabi nito sa kaniya nang tuluyang makalapit sa kaniyang puwesto. “Oh, my God!” Ani nito at pinakatitigan siya nang mataman pagkatapos ay napailing habang hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi nito. Nagpakawala rin ito nang malalim na paghinga.

Hindi na rin niya napigilan ang mapangiti rito pagkuwa’y tumayo sa kaniyang puwesto. Tinitigan niya rin ang guwapong mukha ng dati niyang matalik na kaibigan. Yeah, right! Matalik niyang kaibigan at kababata si Hunter nang nasa bahay-ampunan pa sila.

“K-Kumusta, Hunter?” nakangiting tanong niya rin dito. “Oo nga! Long time no see,” sabi niya pa.

“I’m fine. I mean... I’m happy to see you again,” wika nito at inilahad ang kamay sa kaniya.

Napatingin naman siya roon pagkuwa’y... nakangiting tinanggap niya ang palad nito.

“What are you doing here? May kasama ka ba? Sino’ng kasama mo?” mayamaya ay hindi mapigilan at sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

“Um, oo may kasama ako, kaso...” Huminto siya sa pagsasalita at saglit na iginala ang paningin sa paligid ng lobby, pero kagaya kanina ay wala siyang makita ni anino ng kaniyang asawa.

“Pero wala siya.” Dugtong ng lalaki sa sinabi niya.

Tila nahihiya siyang ngumiti rito at bahagyang nag-iwas ng tingin.

“Obviously.” Ani nito. “Tamang-tama, sumama ka na muna sa ’kin sa loob at nagkakasiyahan kami roon. I mean, I’m so happy that I see you again. Kaya gusto pa kitang makausap.” Dagdag pa nito kaya muli siyang napasulyap dito. “Gusto kitang makausap nang matagal and gusto ko ring kumustahin sila Sister Venice.”

Tatanggi na sana si Pipay sa alok ng lalaki, dahil panigurado siyang kapag nalaman iyon ng kaniyang asawa, malamang na mananagot siya rito, bugbog at puro pasakit na naman ang aabutin niya. Ngunit hindi niya na rin nagawang tumanggi nang bigla siyang hawakan sa palapulsuhan ni Hunter.

Jusko! Tama ba na sumama siya rito ngayon? Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya! Kaibigan niya naman si Hunter, pero ilang taon na rin ang lumipas na hindi sila magkasama.

Kahit sinasalakay na naman siya nang matinding kaba sa dibdib at labis na pag-aalala, binale-wala niya na lamang iyon. Bahala na!

Matagal na panahon din ang lumipas na hindi sila nagkita ng kababatang si Hunter. Bata pa lang ay kakilala na niya ito. Sabay at pareho silang lumaki sa bahay-ampunan noon. Matalik na magkaibigan at magkaklase rin sila simula elementarya hanggang high school. Sinuwerte nga lang ito at may mabait at mayamang mag-asawa na umampon dito. Kahit masakit man sa loob niya noon na magkakahiwalay silang magkababata ay wala rin siyang nagawa. Lumipas ang mga taon na hindi sila nagkikita sa kadahilanang dinala na pala ito sa aboard para doon manirahan. At hindi niya naman lubos na inaasahan na muli pa pala silang magkikita nito. Matagal man ang lumipas na taon, pero parang hindi ganoong nagbago ang hitsura nito kaya kaagad niya itong nakilala kanina.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now