CHAPTER 21

1.2K 52 3
                                    

"MAHAL!" tawag ni Pipay sa asawa habang nakaupo siya sa gilid ng kama at nagbibihis naman si Hector.

"Mmm!" sagot nito na hindi manlang nag abalang tingnan ang babae.

"A, a-ano... p-puwede ba akong mag paalam sa 'yo?" kinakabahang saad ni Pipay.

Agad naman natigil sa ginagawa niya si Hector at kunot ang noo na tinapunan ng tingin ang asawa.

"K-kung okay lang naman! P-pero k-kung hindi... okay lang din." mabilis na dagdag niya sa sinabi niya nang makita niya ang pagsasalubong at paglalim ng guhit sa pagitan ng mga kilay ni Hector. Agad siyang nag baba ng mukha para iiwas ang tingin sa asawa.

"Where are you going?" tanong nito mayamaya.

"A, d-dadalawin ko lang sana si H-helga sa shop niya! Hindi na kasi kami nakakapag-usap e!" aniya.

"Sure." sagot naman agad ni Hector.

Muling napaangat ang mukha ni Pipay at napatingin sa asawa. "P-payag ka? Papayagan mo akong umalis?" nauutal pang tanong nito.

"Why not? I trusted you na hindi ka gagawa ng bagay na ikagagalit ko." saad nito at nagpakawala ng matamis na ngiti kay Pipay bago muling inabala ang sarili sa pagbibihis.

Agad namang napatayo mula sa pagkakaupo niya si Pipay at nilapitan ang asawa. Kinuha niya ang necktie na hawak ni Hector at siya na ang nag suot niyon dito. "Salamat mahal." malapad ang ngiting turan niya.

"Mag bihis ka na at ihahatid kita." saad nito.

"Okay mahal. Salamat ulit."

"Just hurry up! I have meeting baka ma-late ako." sa halip ay turan nito sa asawa.

Nagmamadali namang tumalima si Pipay para mag bihis. Ilang minuto lang ay kaagad din siyang lumabas ng kanilang silid. Nasa sala na si Hector at naghihintay sa kaniya.

"Let's go." anang Hector at kinuha ang kamay ng asawa. Magkahawak kamay silang lumabas ng kabahayan.

"Salamat talaga mahal." muling saad ni Pipay sa asawa nang pareho na silang lulan ng sasakyan. Hindi niya lamang mapigilan ang saya at sa wakas ay pumayag ang asawa niya na lumabas siya ng bahay nila na hindi ito kasama.

Mabilis namang dumapo ang palad ni Hector sa kamay ni Pipay na nakapatong sa kandungan nito. Kinuha iyon ni Hector at ipinagsalikop sa kaniyang palad pagkatapos ay dinala sa tapat ng kaniyang bibig upang gawaran ng masuyong halik. "Stop saying thank you baby, may kapalit kasi 'yan mamaya." aniya na sinabayan pa ng pilyong ngiti at kumindat pa.

Ang matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Pipay ay agad na nag laho nang makuha niya ang ibig sabihin ng kaniyang asawa sa kaniya. Marahan niyang hinablot ang kamay mula rito at kinurot ito sa tagiliran na ikinakislot naman ng lalake.

"Ang bastos mo!" kunwari ay naiinis na saad niya sa asawa.

"Baby, the right term is IN LOVE not bastos! We're making love, because we're in love." natatawa pang anito.

"Ewan ko sa 'yo! Pinaganda mo lang mahal e!" aniya at pinagkrus pa ang mga braso nito at inirapan ang asawa. Pero sa loob-loob ni Pipay ay nagdidiwang siya at kinikilig. The right term is in love. We're making love because we're in love. Kay sarap sa pandinig ni Pipay ang mga katagang iyon. Parang malamyos na musikang paulit-ulit na nag p-play sa utak niya. Lihim na napangiti na lamang si Pipay habang nasa labas ng bintana ang paningin niya.

"KUMUSTA ka naman bess?" tanong ni Helga sa kaibigan matapos ang mahigpit na yakap nila sa isa't isa.

"Okay naman ako! Ang totoo niyan, sobrang saya ko ngayon." hindi mapigilang sambit ni Pipay sa kaniyang matalik na kaibigan.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя