CHAPTER 6

5.7K 138 2
                                    

ISANG malakas na dighay ang pinakawalan ni Pipay matapos kainin ang huling slice ng pancake na inihain sa kaniya ng asawa.

“Sorry! Excuse me.” Nahihiyang saad niya kay Hector saka nagbaba ng tingin dito.

“You want more?” tanong nito.

“Huh? A, busog na ako. Salamat!” aniya.

“Um!” bigla itong naputol sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw ng lamesa.

Dahil nasa tapat niya lang ang asawa ay nakita niya agad kung sino ang tumatawag dito.

Erneth? Babae ba ’yon? Tanong niya sa isipan nang mapasilip siya sa asawa na abala naman sa pagnguya sa kinakain nito.

Mabilis na kumilos ang kamay ni Hector at pinatay ang tawag. Pero mayamaya ay tumunog na naman iyon.

“B-Baka importante ’yang tawag sa ’yo.” Lakas loob na saad niya nang makailang ring na ang cellphone nito pero pinapatay lamang iyon ni Hector. Ang pagkakaalam niya kasi ay walang tawag ang asawa na hindi nito sinasagot. Even if he is in front of the dining table, when his phone rings, he answers it immediately, whether it’s a text or a call.

But instead of speaking, he just continued eating.

Later, the device rang again. He sighed in disgust.

“Sagutin mo na,” aniya at tipid na ngumiti.

Kahit pa sabihing kinikilig ang puso niya sa isiping kaya siguro ayaw sagutin ni Hector ang tawag dahil ayaw nitong masira ang moment nila. Oo na! Alam naman niyang siya lang at ang malikot na kaniyang isipan ang nag-iisip ng ganoon. Kahit alam naman niyang malayong-malayo iyon sa katotohanan.

Inis namang dinampot ni Hector ang telepono saka walang anu-ano’y sinagot ang tawag.

“Hello?” inis na bungad nito sa kabilang linya. “I told you I’m busy right now. Do not call me.” Ani nito at mabilis na pinatay muli ang tawag sa kabilang linya.

Napatanga naman si Pipay habang nanlalaki ang mga mata dahil sa mga tinuran ng kaniyang asawa. Busy? Si Hector ay busy daw kaya ayaw nitong magpaisturbo! Saan naman ito busy? E, kumakain lang naman sila.

Her heart almost fell again because of the thrilled she felt at that moment. Thinking that Hector is busy because of her.

“Are you okay?” untag na tanong ni Hector na siyang naging dahilan upang mapatingin siya rito.

“Huh?”

“I said if you’re okay? You’re blushing.”

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman niya ang pag-iinit niyon. Oo nga! Parang namumula ngayon ang mukha niya dahil sobrang init niyon. She didn’t know where to turn her face to hide it from him.

Ano ba ang pakay ni Hector sa kaniya para maging ganoon ito sa kaniya? Kung bakit ito umaasta ngayon na mabait at maalaga sa kaniya? Kung bakit pakiramdam niya ay bigla itong nagbago sa kaniya?

Wala siyang ideya kung bakit. Basta ang alam niya lang, naguguluhan siya sa mabilis na mga pangyayari sa kanila, lalo na sa puso niya. Parang ang bilis naman ata niyang magkagusto sa kaniyang asawa? Gayon’g dapat ay hindi niya nararamdaman iyon kay Hector dahil masama itong asawa sa kaniya. Marami na itong naging atraso sa kaniya.

Ano ba ang ginagawa mo sa ’kin Hector? Totoo ba talaga itong ginagawa at ipinapakita mo sa ’kin ngayon? Kasi parang imposible na ganoon lang kadali at magbabago na ang pakikitungo mo sa ’kin. Mahirap paniwalaan. Sa isip-isip niya habang nakatitig siya nang mataman sa mga mata nito.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon