CHAPTER 20

1.4K 68 7
                                    

"FRANCIS!"

Tawag ni Hector sa kaniyang secretary habang naglalakad ito sa pasilyo kasama ang kaniyang asawa.

Agad namang tumalima ang binata at lumapit ito sa kaniyang amo. "Yes sir? Good morning." bati nito.

"Where's my schedule for today?"

"I already put it on your table sir." anang Francis at nakangiti pa itong nag baling ng tingin kay Pipay. "Good morning Mrs. PenaVega."

"K-kilala mo ako?" nanlalaki ang mga mata at takang tanong ni Pipay sa lalake. Tiningnan din niya ang asawa.

"Francis is my secretary, kaya alam niya ang mga bagay-bagay tungkol sa 'kin baby." saad ni Hector na sinamahan pa ng isang matamis na ngiti at masuyong pag pisil sa kamay ng asawa na hawak-hawak niya. "Let's go." muli nitong iginiya si Peppa para tuluyan ng marating ang kaniyang opisina.

"Nice to meet you Francis." nakangiti pang pahabol na saad ni Pipay sa sekretarya ni Hector.

Mga nagtataka naman at hindi makapaniwala ang hitsura nang mga empleyado ni Hector habang sinusundan ng tanaw ang dalawang bagong dating. Ngayon lamang kasi pumasok sa trabaho ang big boss nila na may kasamang babae, kumpara sa inaakala nilang girlfriend nito na si Erneth na siyang laging pumupunta sa office para puntahan ang amo nila.

"Sino na naman kaya 'yang kasama ni big boss?" nagtatakang tanong ng isang babae.

"Baka bagong babae niya na naman! Alam n'yo naman na babaero 'yang si sir." saad pa nang medyo may kabataang babae.

"E, 'di ba sila pa ni ma'am Erneth?"

"Oo nga! Pero bakit may kasamang ibang babae si sir?" tanong ng isang babae.

Iyon ang bulong-bulongan nang mga tauhan ni Hector nang tuluyan ng makapasok sa malaki at malawak na opisina ang mag-asawa.

"Nagtataka pa kayo! Once a playboy, always a playboy." saad pa ng isang babae na nakihalubilo na rin sa mga nag uumpukan habang nakatanaw sa labas ng pintuan ng opisina ni Hector.

"Ehemm!" isang malakas na pag tikhim naman ang pinakawalan ni Francis upang maagaw ang atensyon nang mga nakikiusyoso sa amo nila. "Kung ayaw ninyong masisante at mawalan ng trabaho... huwag n'yo nang pakialaman ang buhay ni sir Hector, because you guys doesn't know anything about him." saad nito at isa-isa pang tinapunan ng tingin ang kapwa empleyado na napapahiyang tumungo dahil sa mga sinabi nito. "Go back to your places kung ayaw n'yong makarating ito kay big boss."

Agad namang tumalima ang mga kababaehan at kaniya-kaniyang nag patiunang naglakad para tunguhin ang mga trabaho nila.

"MAHAL!" tawag ni Pipay sa kaniyang asawa. "Hindi mo naman sinabi sa 'kin na dadalhin mo pala ako rito sa trabaho mo." anito na hindi pa rin makapaniwala at manghang-mangha pa rin sa mga nakikita niya.

Mula kasi kanina nang makapasok sila sa building na pagmamay-ari ng kaniyang asawa'y hindi na nawala ang kinang sa mga mata ni Pipay; bilang paghanga sa mga nakikita nito sa paligid. Alam niyang mayaman si Hector, ngunit hindi niya lamang lubos maisip na ganito pala talaga ito kayaman para makapagpundar ng ganitong kaganda at prestiheyusong gusali. Kilala sa buong bansa ang negosyo nito. At maging ito man ay kilala rin bilang isang magaling at matagumpay na businessman.

"Ang ganda mahal... parang pakiramdam ko nasa isang mamahalin na hotel na naman ako." hindi mapigilan ni Pipay ang sarili. "Look oh!" aniya at patakbo pang lumapit sa bubog na dingding. Mula sa loob ng opisina ni Hector ay malinaw na matatanaw ang buong kapaligiran sa labas ng gusali. Ang magaganda at matatayog na mga building ng call center, condominiums, at hotel. Ang pag paroo't parito ng mga sasakyan sa malawak na kalsada.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang