CHAPTER 32

1.5K 68 4
                                    

"WHAT are you doing son?" bungad na tanong ng matandang PenaVega sa kaniyang anak. "Are you drinking again? Nakakatulong ba 'yan sa 'yo para bumalik sa 'yo ang asawa mo?" kunot ang noo na tanong pa nito pagkuwa'y pumuwesto sa single couch hbaang hindi pa rin inaalis ang paningin sa anak.

Inisang lagok ni Hector ang laman ng kaniyang baso 'tsaka muling sinalinan iyon. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga. "Sa kirot at sa sakit sa puso ko... I assure you that this alcoholic drink helped me a lot para kahit saglit lang ay makalimot ako." aniya.

"I see! Pero hindi ba't mas mainam kung mag iisip ka na lang ng ibang paraan para mapadali ang pagbabalik ni Pipay dito sa bahay ninyo?" saad nito. "Hector anak, mabilis na lumilipas ang mga araw. Hindi ka ba natatakot na baka habang tumatagal na hindi kayo nagkakaayos ni Pipay ay baka bigla na lamang siyang mawala ng tuluyan sa 'yo? Hindi ka ba natatakot na baka habang nasa malayo si Pipay ay makahanap siyang iba?"

Dahil sa sinabi ng kaniyang ama ay biglang natigilan si Hector. Binalingan niya ng seryosong tingin ang kaniyang ama.

"Masakit para sa 'kin na makitang nagkakaganito ang anak ko. Ayoko rin na nakikitang ganiyan kayo ni Pipay. Ayoko na lumaki ang apo ko na sira ang pamilyang kakagisnan niya. Do something son, para bumalik kayo ni Pipay sa dati. Two months, three months or even a year... hindi sapat 'yon para mag hilom agad-agad ang sugat sa mga puso ninyo."

"But she needs space dad and—"

"Hihintayin mo pa ba na mas lalong humaba at lumaki ang space sa pagitan ninyong dalawa?" pinutol nito ang iba pang nais sabihin sa kaniya ni Hector.

Mas lalong napaisip si Hector dahil sa mga katagang sinabi ng kaniyang ama. Maybe his father is right! Bakit hindi niya naisip 'yon dati pa? Bakit hinayaan niyang umalis si Pipay?  Bakit kinailangan niya pang paabutin ng dalawang buwan para lang maisip niya na sana ay hindi niya ibinigay ang space na 'yon sa kaniyang asawa. Puwede naman nilang ma-solve ang lahat ng problema ng hindi na nila kinakailangang lumayo sa isa't isa. Sana pala ginawa niya ang lahat dati para hindi ito umalis at iwan siya. Kahit makiusap pa ito sa kaniya na hayaan niya itong lumayo, dapat hindi niya hinayaan na mangyari iyon.

"You're right dad." aniya na mas biglang nabuhayan ng loob at pag-asa. "Sana hindi ko siya hinayaan na umalis kahit pa magalit siya sa 'kin." saad nito sa ama. "But, where can I find her? Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon."

"I can't help you with that. Dahil hindi ko rin alam kung nasaan ngayon ang mag ina mo." anito.

Biglang bumagsak ang mga balikat ni Hector dahil sa mga tinuran ng kaniyang ama. Wala rin siyang alam kung nasaan ngayon si Pipay. Saan niya hahanapin ngayon ang kaniyang mag ina? Napakalawak ng mundo para mahanap niya agad ito.

"But, I know someone who can help you."

Kunot noo siyang napalingon muli sa gawi ng kaniyang ama nang tumayo na ito mula sa kinauupuan nito at naglakad na palabas ng kaniyang bahay. Mayamaya lamang ay narinig niya ang pag tunog ng doorbell mula sa labas ng malaking gate. Nagtataka pa siyang lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang nasa labas ng kaniyang gate.

Ang pagtatakang ni Hector ay agad na napalitan ng galit nang makita kung sino ang panauhing nasa labas ng kaniyang bahay.

"What are you doing here?" tiim bagang na tanong niya rito.

"Relax! I didn't come here para makipag-away sa 'yo." anang Hunter at bahagya pang napaatras nang akma na sanang susugod sa kaniya si Hector. "I just wanted to say sorry for everything. Sorry kung nasira kayo ni Pipay nang dahil sa 'kin." saad nito pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "I came here because I wanted to help you. I know where you can find her. Kung nasaan ngayon ang mag ina mo." anang Hunter.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon