CHAPTER 22

1.2K 49 5
                                    

"WIFE, are you okay?" tanong ni Hector sa asawa habang akay-akay niya itong naglalakad sa pasilyo ng kaniyang building. Muli niya itong isinama sa kaniyang opisina para may inspirasyon ulit siya habang nagtatrabaho.

Nakatungo si Pipay nang balingan niya ito ng tingin. Simula kanina, pagkababa palang nila ng asawa sa sasakyan niya ay pansin niya na ang pananahimik nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. Just like the other day nang isama niya rin ito sa kaniyang trabaho, bigla na lamang nanahimik.

Isang tango naman ang naging sagot ni Pipay habang hindi pa rin ito nag aangat ng mukha upang tingnan ang asawa. Hindi na sana siya sasama kay Hector sa pagpasok nito sa trabaho dahil ayaw niya nang maulit uli ang nangyari sa kaniya noong nakaraan, sa loob ng banyo at sa dalawang tauhan nito. Ngunit hindi naman siya makatanggi sa asawa.

"Francis!" anang Hector nang makalapit na ito sa lamesa ng kaniyang sekretarya.

"Yes sir? Goodmorning!" saad nito. "Good morning ma'am Peppa." nginitian din nito ang babae.

"Is everything ready?" tanong nito sa lalakeng nakatayo sa harapan niya.

"Yes sir! Kayo nalang po ang hinihintay sa conference room." sagot naman nito sa amo.

Isang tango ang ibinigay ni Hector sa secretary niya bago muling hinila ang kamay ng kaniyang asawa at iginiya ito papunta sa conference room. Pagkabukas ng pintuan ay agad na sumalubong sa paningin ni Hector ang sandamakmak na empleydo niya.

"Good morning!" paunang bati niya sa mga empleyado niya. Tahimik lamang na nakatayo sa tabi niya ang kaniyang asawa. Nakatungo ito at tila nahihiyang mag angat ng mukha para tingnan ang mga taong naroon. "Ipinatawag ko kayong lahat dito because I have something important to tell you." dagdag pa ni Hector 'tsaka pinasadahan ng tingin ang mga empleyado niya.

Mayamaya ay naramdaman ni Pipay ang masuyong pagpisil ng kaniyang asawa sa palad niya na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin nito.

"You are all here today because I want to let you know... that this woman beside me right now; Peppa Santiago PenaVega. My wife." pag aanunsyo ni Hector.

Mabilis pa sa alas kuwatrong umugong ang bulong-bulongan sa loob ng malawak at apat na sulok na conference room na iyon.

"Wife?"

"May asawa na si sir?"

"Pero wala naman tayo nabalitaan na ikinasal na siya 'di ba?"

"Paanong nangyari?"

"May asawa na pala si sir Hector?"

Kaniya-kaniyang tanong ang mga empleyado ni Hector. Mga nagtataka at hindi makapaniwala sa nalaman nang mga ito.

"And the other day, I found out that two women had insulted my wife inside the comfort room." dugtong pa ni Hector na siyang naging dahilan ng pananahimik nang mga ito. Mayamaya pa'y dumako ang paningin ni Hector sa dalawang babae na prenteng nakaupo sa dalawang swivel chair na naroon lamang malapit sa kinatatayuan nilang mag-asawa.

Gulat namang napatingin ng diretso si Pipay kay Hector. Paanong nalaman ng kaniyang asawa ang tungkol doon? Wala naman siyang nababanggit dito, sa pagkakaalala niya.

Muling umugong ang bulong-bulungan sa loob ng malawak na kuwartong iyon. Nagtatanong kung sino ba ang sinasaring ng kanilang big boss. Bigla namang kinabahan ang dalawang babae. Hindi makatingin sa kanilang big boss dahil sa takot nang mga ito. Tila ba'y pinagpapawisan ng malamig ang noo at mga palad nang dalawang babae dahil sa klase ng titig sa kanila ng hari ng kumpanya. Hindi na magtataka ang dalawang babae kung paanong nalaman ng big boss nila ang tungkol doon. Malamang na nag sumbong dito ang feeling at pathetic na babaeng sinasabi nitong asawa niya. Masyadong nagmamataas e, hindi naman sila bagay ng kanilang big boss.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now