CHAPTER 30

1.5K 62 8
                                    

NANLALABO ang mga mata ni Pipay nang muli siyang mag mulat ng mga mata at maulinagan ang nag kakagulong tao sa paligid niya. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata ang kaniyang asawa.

"Please... please wife hold on! Huwag kang bibitaw. Malapit na tayo." anang Hector na puno ng pag-aalala para sa asawa. Hilam ng mga luha ang mukha nito habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Pipay na animo'y doon nakasalalay ang buhay nito upang hindi ito bumitaw. "Please! Huwag mo akong iiwan Peppa. I-I'm sorry! I'm really sorry!" patuloy na paghingi nito ng patawad habang nag uunahan pa rin sa pag patak ang kaniyang mga luha. Pakiramdam niya ay wala na atang katapusan na aagos iyon habang nakikita niya sa ganoong sitwasyon ang babaeng pinakamamahal niya.

"A-a-anak k-ko?" nahihirapang tanong ni Pipay.

"I'm sorry po sir, pero bawal po kayo sa loob." saad ng isang nurse nang harangin nito si Hector sa pag pasok nito sa loob ng Emergency Room.

Balot ng takot at kaba ang puso ni Hector habang hindi mapakali at paroo't parito ang lakad sa labas ng ER. Tahimik na nananalangin na sana ay makaligtas ang kaniyang asawa maging ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Hinding-hindi niya talaga mapapatawad ang kaniyang sarili kapag may mangyaring masama sa mag ina niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Ngayon siya lubos naniniwala sa kasabihang Nasa huli ang pag sisisi. Dahil sa aminin niya man o hindi, halos patayin niya na ang kaniyang sarili sa mga oras na iyon dahil sa sobrang pagsisisi. Kung sana hinayaan niya na lamang na umalis si Pipay, hindi na sana aabot ang lahat sa ganito. Hindi na malalagay sa panganib ang buhay ng kaniyang mag ina. He's such an idiot. Napakawalang kuwenta niyang asawa... at tatay sa magiging anak nila ni Pipay. Funny though, ngayon niya pa natanggap na magiging tatay na siya kung kailan nailagay na niya sa panganib ang buhay ng mga ito.

Ayaw niyang mawala sa kaniya ang kaniyang asawa. Ayaw niyang mapunta ito sa iba, kaya ipinagdadamot niya ito. Ngunit sa mga nangyari ngayon, panigurado siyang kamumuhian na siya ni Pipay at mas lalo itong lalayo sa kaniya. Kung bakit kasi napakadali niyang magalit at mag selos sa mga bagay na wala namang katuturan? Kung bakit ni hindi niya man lang magawang maniwala at pagkatiwalaan ang kaniyang asawa? Kung anu-anong masasakit na salita pa ang ibinigay niya rito. Ngayon ay mas lalo niya lamang pinatunayan kay Pipay na karapatdapat nga talaga siya nitong iwanan. Na hindi siya nararapat na maging asawa nito.

"Hector!"

Natigil sa paglalakad si Hector nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama. Nagmamadali itong naglalakad sa hallway palapit sa kaniya habang kaagapay nito ang isang Madre na nakilala na niya mahigit dalawang taon na ang nakakaran. Noong kasal nila ni Pipay.

"Where is Pipay? What happened son? Bakit may mga dugo ka sa damit mo?" sunod-sunod at nag-aalalang tanong pa ng matandang PenaVega.

"S-she's inside! Ginagamot pa po." malungkot na sagot nito pagkuwa'y agad na nag baba ng tingin nang mag tama ang paningin nila ng Madreng kinikilalang ina ng kaniyang asawa.

"Bakit, ano'ng nangyari?" nanginginig pa ang boses na tanong ni Sister Venice.

"A-aksedente po siyang nahulog sa hagdan."

"What?"

"Diyos kong mahabagin! Bakit nangyari 'yon kay Pipay?"

Magkasabay na sambit nang dalawang matanda.

"It's all my fault." aniya na halata ang sobrang pagsisisi sa sarili dahil sa mga nangyari. Hindi niya na rin napigilan ang muling pag patak ng kaniyang mga luha. "I was trying to stop her from leaving earlier. Gusto niyang umalis kanina pero hindi ako pumayag. P-pinipigilan ko siya, pero—hindi ko sinasadyang mabitawan siya. Ayoko lang naman na iwan niya ako that's why nagalit ako sa kaniya." lumuluhang pagpapaliwanag niya sa dalawa. "Dad, dad I can't bare to loss my wife." aniya sa ama pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga upang tanggalin ang paninikip ng kaniyang dibdib.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now