CHAPTER 28

1.4K 57 25
                                    

ISANG LINGGO na rin ang nakalilipas mula nang maging okay na ang lahat sa pagitan nilang mag-asawa. At least for now, they're both okay. At gaya rin ng napag-usapan nila ni Hector ay nagagawa na nga ni Pipay ang lumabas ng kanilang bahay ng hindi na nagpapaalam pa sa asawa.

Madalas sa umaga tuwing aalis na ang kaniyang asawa papasok sa trabaho nito ay lagi siyang nagtutungo sa park na nasa loob mismo ng village na tinitirhan nila. Doon ay masaganang lumalanghap ng sariwang hangin. Isang linggo na rin kasi siyang nananamlay na hindi niya malaman ang dahilan. Though, hindi naman na siya gano'ng nahihilo, pero mas lumala pa ang pananamlay niya sa umaga kapag gigising siya. Napadalas na rin ang pag susuka niya. Nag-aalala na nga rin sa kaniya ang asawa at gusto na nitong ipa-ospital uli siya pero ayaw naman niyang pumayag. Ang dahilan niya sa kaniyang asawa ay siguro animec na naman siya kung kaya't ganoon na naman ang nararamdaman niya. Hindi kasi ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganoon. Pero bakit magiging animec na naman siya gayo'ng kompleto naman siya sa vitamins niya? Lahat kasi ng iniresita ng doktor sa kaniya noong nakaraan ay binili ni Hector para sa kaniya. Kung sabagay... baka nga, dahil ilang gabi na rin siyang walang maayos na tulog. Maaga siyang humihiga sa higaan nila, pero inaabot naman siya ng halos bukangliwayway na kung dalawin ng antok. Humihilik na si Hector, samantalang siya dilat na dilat pa rin at gising pa ang diwa. Wala rin naman siya insomnia. Siguro hindi lang siya makatulog dahil sa ayaw niya rin ang amoy nang asawa. Nababahuhan siya sa pabango nito na dati naman ay paborito niyang inaamoy sa asawa. Maging ang sabon at shampoo nito na ginagamit sa pagligo ay ayaw niya na rin ang amoy. Hindi lang siya makareklamo kung minsan sa asawa dahil baka isipin nito na masiyado na siyang nag iinarte.

"Hay nako! Kahit ako rin mare. Ang akala ko nga last month ay buntis na ako e! Paano, delay na ako ng isang linggo." anang babae.

"Ganoon din ako sa panganay ko no'ng una mare." sagot din nang isang babae. "No'ng gumamit ako ng PT para makasiguro kung buntis na ba talaga ako... negative ang result ko. I even had a test from my doctor, pero ang sabi niya hindi pa ako buntis. Kung hindi pa kami bumalik ng asawa ko sa ospital the other week, hindi namin malalaman na may laman na pala talaga ang tiyan ko." dagdag pang saad nito.

Wala sa sariling napalingon si Pipay sa direksyon nang dalawang babae na nag-uusap. Kunot noo at halos humaba pa ang leeg niya para lang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Bigla namang kinabahan si Pipay nang pumasok sa isipan niya ang isang bagay... wala sa sariling dumapo ang kaniyang palad sa maliit niyang tiyan. Kailan ba ako huling dinatnan? Tanong niya sa sarili. Mayamaya ay bigla na lamang siyang napamulagat at wala sa sariling napatutop ang dalawang palad sa kaniyang bibig. "Two weeks na akong delay." aniya at bigla na naman siyang sinalakay ng matinding kaba sa dibdib. "Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Baka siguro... kaya lagi akong nahihilo at nagsusuka kasi... Oh my god! Buntis na ako! Magkakaanak na kami ni Hector." bulalas niya at hindi pa rin makapaniwala na baka posibleng totoo ngang buntis na siya. Mula sa morning sickness niya. Ang pag babago lagi ng mood swing niya sa asawa. Ang pag ayaw niya sa amoy ng pabango nito na dati namang gustong-gusto niya. Maging ang paborito niyang oatmeal sa umagahan ay hindi niya na rin gusto.

Imbes na manghula pa si Pipay sa posiblidad na buntis na nga siya ay agad siyang tumayo sa kinauupuan at nilisan ang parke. Pumunta siya sa pinakamalapit na drug store para bumili ng Pregnacy Test. Nang makauwi na sa bahay nila ay nagmamadali pa siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para tunguhin ang kanilang kuwarto. Labis-labis ang kabang nararamdaman ni Pipay habang nakapikit ang mga mata at nag-aalinlangan na tingnan ang resulta ng PT niya pagkatapos.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago nag lakas loob na mag mulat ng mga mata at tiningnan ang naging resulta niya.

Hindi alam ni Pipay kung ano ang dapat na maramdaman niya habang mataman na nakatitig sa PT na hawak ng nanginginig niyang kamay. Gusto niyang mag tatalon... mag sisigaw ng malakas upang ilabas ang kasiyahan sa puso niya habang pinagmamasdan niya ang dalawang pulang linya na naroon. Hindi niya namalayan ang sunod-sunod na pag patak ng mga butil ng kaniyang luha. Masuyo niyang hinaplos ang kaniyang maliit na tiyan na sa tantiya ni Pipay at kung tama ang pagkakabilang niya ay nasa mahigit dalawang linggo na ang munting anghel nila ni Hector sa loob ng kaniyang tiyan.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now