CHAPTER 5

5.9K 140 8
                                    

HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon.

Mayamaya ay bigla siyang napailing kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Peppa, wake up!” Muli niya itong sinubukan na gisingin.

Bahagya namang nagulat si Pipay nang pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hawak-hawak ni Hector ang kaniyang kamay. Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na binawi ang kamay mula rito at umupo sa gilid ng kama. “Um, s-sorry,” aniya. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at kinakabahang tanong niya.

Bumuntong-hininga ulit si Hector, “we need to clean your wound. Come here at ako na ang maggagamot sa ’yo,” wika nito saka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila. Wala namang nagawa si Pipay kun’di ang lumapit sa kinauupuan nito. “Turn around at itaas mo ang damit mo.” Utos nito sa kaniya.

“H-Huh? B-Bakit?” kunot ang noo at nauutal na tanong niya ulit.

“Don’t ask too much, Peppa. Tumalikod ka na lang at itaas mo ang damit mo.” Naiinis na saad nito at umigting pa ang panga.

Dahil sa takot na baka biglang magalit na naman sa kaniya ang asawa ay nagmamadali nga siyang tumalikod at wala sa sariling itinaas ang kaniyang damit gaya ng utos nito sa kaniya. Kahit naiilang at nahihiya dahil ito ang unang beses na gagawin iyon sa kaniya ni Hector; iyon ang unang beses na makikita ng kaniyang asawa ang katawan niya. Katawan na minsan ay hindi naman nito pinagkainteresan; katawan na puro sugat at pasa lamang ang natatamo mula rito, wala na siyang ibang nagawa kun’di pabayaan ito na gamutin ang kaniyang sugat. Hindi niya rin naman iyon magagawa sa kaniyang sarili.

“A-Aray!” daing niya nang makaramdam ng hapdi nang umpisahang linisin ni Hector ang kaniyang sugat. “P-Puwedeng dahan-dahan lang? Masakit kasi, e! Ang hapdi,” aniya.

Mayamaya ay naramdaman niyang hinipan nito ang kaniyang sugat. Kahit papaano ay nawala ang hapdi niyon.

Ano nga kaya ang nangyari dito at ganoon na lamang kung alagaan siya ngayon? Nakapagtataka lang kasi. Naninibago siya sa mga ikinikilos nito ngayon. Samantalang kagabi lang ay halos parusahan siya nito.

“Are you hungry?” tanong ni Hector mayamaya. “Gusto mo ba magmeryenda?” dagdag pa nito.

Bahagya siyang lumingon dito para tingnan ito. Nang makita niyang nakatingin din ito sa kaniya’y siya na ang biglang nag-iwas ng paningin dito.

“Uh, m-medyo,” sagot niya. “Pero kaya ko naman na ang sarili ko. Ako na ang bahala sa pagkain ko. Salamat!”

Hindi na sumagot si Hector, sa halip ay muling itinuloy nito ang ginagawa. Habang siya naman ay hindi pa rin mapakali ang kaniyang nararamdaman. Naiilang at nagtataka pa rin siya sa isiping ang asawa niya ngayon ang naggagamot sa sugat niya at nag-aalaga sa kaniya.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Mayamaya ay tumayo na si Hector sa puwesto nito.

“Okay na ’yan. Huwag ka lang gumalaw-galaw masiyado para hindi na dumugo ’yan.” Ani nito.

“S-Salamat.” Medyo nahihiya pang saad niya rito.

“What do you want to eat?” tanong nito ulit.

Nagtaas siya ng mukha para tingnan ang asawa. Saglit siyang tumitig dito. Ngunit nang makadama ng pagkailang, mabilis din siyang nag-iwas ng tingin. “H-Huwag na! Kaya ko naman ang—”

“I insist.” Ani nito. “Just tell me what you want.”

“Hindi na.” Giit niya. Pero nang muli siyang tumingin dito, isang matalim na tingin naman ang ibinigay nito sa kaniya. Wala siyang ibang nagawa kun’di ang mapatango na lamang. “I-Ikaw na ang bahala,” aniya.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now