CHAPTER 17

1.5K 62 6
                                    

"MAHAL!" tawag ni Pipay sa asawa habang mahimbing pa itong natutulog sa tabi niya. Bahagya niya pa itong niyugyog sa braso. "Mahal gising ka."

"Mmm!" mahinang ungol ni Hector.

"Nagugutom na ako! Tara na sa baba." anang Pipay at pilit na tinatanggal ang braso ng asawa na nakapulupot sa hubad niyang katawan.

"You want to eat again baby?" inaatok ang boses na tanong nito sa asawa.

Awtomatiko namang nag init ang mukha ni Pipay dahil sa sinabi sa kaniya ni Hector. Alam na kasi niya kung ano ang ibig sabihin nito. Nagpakawala siya ng nalalim na buntong-hininga. "Gusto ko ng totoong pagkain." aniya at talagang pinilit niya pang patigasin ang boses at gumamit ng seryosong tono.

"Then let's eat again." anang Hector na biglang nagising ang diwa at mabilis na kinabig ang baywang ni Pipay at walang kahirap-hirap na iniangat ito papunta sa ibabaw ng malapad na katawan niya.

Kagaya kanina ay nakitang muli ni Pipay ang nakakalokong ngiti ng asawa sa kaniya. "Mahal naman e!" kunwari ay naiinis na saad niya.

Tumawa naman ng pagak si Hector. "Okay! I'm just kidding baby." saad nito. "Then, let's go down stairs para kumain. Nagugutom na rin ako." aniya at mabilis na hinalikan ang nakaawang mga labi ni Pipay bago pinakawalan ang baywang nito.

Pagkaalis ni Pipay sa ibabaw ng kaniyang asawa ay siya ring pag tayo ni Hector mula sa higaan kung kaya't tumambad sa paningin niya ang kahubdan ng kaniyang asawa. Dahil sa gulat niya ay mabilis pa sa alas kuwatrong napapikit ang kaniyang mga mata habang hawak-hawak ng mahigpit ang dulo ng kumot sa tapat ng kaniyang dibdib.

"What are you doing baby?" natatawang tanong ni Hector nang makita niya ang reaksyon ni Pipay.

"Ang bastos mo!" aniya na kunwari ay naiinis dahil sa ginawa ng asawa.

"Why? Come on baby! You already saw me naked, twice. You even touched it, so, don't act like you're still an innocent." hindi na napigilan ni Hector ang asarin ang kaniyang asawa habang nakapikit pa rin ito at parang wala pa atang balak na mag mulat ng kaniyang mga mata para tingnan siya.

"Eh! Ayoko! Mag bihis ka dali." utos ni Pipay sa asawa at mabilis na nag talokbong ng kumot na siyang naging dahilan ng paghagalpak ng tawa ni Hector.

He can't help himself but to laugh out loud. Ang cute kasi ng hitsura ng kaniyang asawa. Napapailing na lamang itong yumuko upang damputin ang mga nagkalat niyang damit. "I'm already dressed baby! Come on at nagugutom na rin ako." nakangiting saad nito mayamaya at muling lumapit sa gilid ng kama para alisin ang kumot na nakatalokbong sa asawa.

"Labas ka na! Mag bibihis lang ako." anang Pipay nang dumungaw na ang ulo niya sa kumot. "Teka... p-puwede mo bang kunin ang damit ko. Please!" utos ulit niya sa asawa na medyo nahihiya pa.

Isa-isa namang pinulot ni Hector sa sahig ang nag kalat na damit niya. "Opps! Size small. Cup B 32." anang Hector nang madampot na nito ang underwear at bra ni Pipay.

Ramdam ni Pipay ang pag akyatan ng dugo niya sa katawan papunta sa mukha niya. Unti-unti na kasi iyong nag-iinit dahil sa hiya niya sa asawa. Malamang nangangamatis na naman iyon ngayon. How did Hector knows her size? E, ngayon lang naman nito pinakialaman ang kaniyang undergarments. "Bastos!" salubong ang mga kilay na saad niya sa asawa at mabilis na ibinato rito ang unan na nadampot niya sa kaniyang tabi.

"I love you too, asawa ko!" ngumisi pa ito ng matamis. "Bihis ka na at hihintayin kita sa labas. Nahiya ka pa, e, nakita ko naman na 'yan lahat." dagdag pa nito bago tumalikod at naglakad palabas ng kanilang kuwarto.

"NANAY Ester?" gulat na sambit ni Pipay nang makita ang panauhin nila na naghihintay sa sala ng kanilang bahay. Mula sa puno ng hagdan ay nagmamadali namang nanaog si Pipay upang lapitan ang matandang babae na nakangiti rin sa kaniya. "Kumusta po? Ano po ang ginagawa ninyo rito?" tanong niya at hindi magkandamayaw na niyakap at hinalikan sa pisngi ang babaeng tinawag niyang Nanay Ester. Nanlalaki pa ang mga mata ni Pipay nang mapasulyap niya ang malaking bag na nasa gilid ng sofa nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa matanda.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon