CHAPTER 29

1.4K 73 21
                                    

DALAWANG ARAW na siyang hindi iniimik nang kaniyang asawa. At kagaya ng sabi nito ay hindi siya nagsasalita para kausapin ito. Basta lamang siyang kumikilos kapag uutusan siya nito. Mga utos na wala ng katapusan.
Kung anu-ano lang ang ipinapagawa nito sa kaniya. Maging ang mga bagay at trabaho na dapat ay hindi niya ginagawa at maaaring makasama sa kaniya at sa anak niya... ngunit hindi naman siya makareklamo rito dahil baka pagbuhatan na naman siya ng mga kamay nito. Sapat na siguro iyong mga pasang natamo niya sa nag daang dalawang araw. Mula kasi nang araw na iyon ay hindi na umalis ng bahay nila si Hector. Lagi itong naroon at binabantayan ang bawat kilos niya.

Hindi na rin siya natutulog sa kuwarto nito. Kagaya noong una ay sa lumang silid niya siya natutulog. Maging ang mga gamit niya ay inilipat niyang muli roon. Kung ano ang pakikitungo sa kaniya dati ni Hector ay mas lumala naman ngayon. Wala itong pakialam sa kaniya. Kahit nakikita nitong nahihirapan na siya ay mas lalo lamang nitong dinadagdagan ang pagpapahirap sa kaniya. Maging ang pag susuka niya sa umaga, ang madalas na pagkahilo niya. Wala man lang itong ginawa kundi ang tingnan siya at madalas ay pinapagalitan pa siya. Minsan napapaisip na lamang si Pipay; siguro sobrang sama niyang tao noong past life niya kaya ganoon na lamang siyang parusahan ng tadhana. Ganoon na lamang ang pagpaparusa sa kaniya ni Hector.

"Hurry up at nagugutom na ako."

Dinig niya ang boses nang kaniyang asawa mula sa labas ng malaking pinto ng banyo nito. Alas sinco pa lamang ng umaga ay ginising na siya nito upang pag labahin ng sandamakmak na labahin. Kahit masama ang pakiramdam dahil dalawang araw na siyang hindi makakain ng maayos dahil naghahanap ng ibang pagkain ang kaniyang anak sa loob ng kaniyang tiyan, ngunit wala naman siyang magawa. Hindi siya puwedeng mag reklamo.

Nanginginig ang kaniyang mga tuhod, nanghihina ang mga kalamnan at umiikot ang kaniyang paningin pero pinilit niya pa rin ang mag lakad at lumabas ng banyo para bumaba sa kusina at ipagluto ng pagkain ang kaniyang asawa.

Isang matalim na tingin pa mula kay Hector ang sumalubong kay Pipay nang makalabas na siya sa pintuan ng banyo. Wala sa sariling napapikit na lamang siya ng mariin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang naglakad at nilagpasan ang kaniyang asawa.

Pagkarating niya sa puno ng hagdan ay agad siyang napahawak sa gilid niyon nang makaramdam siya ng labis na pagkahilo. Pakiwari ni Pipay ay bumabaligtad ang kaniyang paningin. Natatakot siyang bumaba sa mataas na hagdan baka mahulog siya at siyang ikapahamak nilang mag-ina.

"What are you waiting for?" galit na tanong ni Hector nang pagkasunod nito sa asawa'y nadatnan niya itong nakatayo lamang sa may hagdan.

"H-hector! T-tulungan mo a-ko... P-lease!" paghingi niya ng tulong sa asawa. Mayamaya ay bigla na lamang siyang napabitaw mula sa pagkakahawak sa hagdan at tuluyang nawalan ng malay.

"Peppa!"

NAGISING si Pipay dahil sa dalawang boses na nauulinagan niyang nag-uusap sa kaniyang harapan. Dahan-dahan siyang nag mulat ng mga mata at tumambad sa kaniyang paningin ang nakatalikod na bulto nang kaniyang asawa habang may kausap itong isang lalake.

"Are you really sure na hindi mo anak ang dinadala ni Peppa?"

Dinig niyang tanong ng lalake sa kaniyang asawa. Kagaya no'ng unang beses na itinanggi ni Hector ang sarili niyang anak ay wala pa ring kasing sakit ang nararamdaman ni Pipay sa kaniyang puso nang mga sandaling iyon.

"How can I accept that child, kung dinig na dinig ko ang usapan nila ng gagong lalakeng iyon?" anang Hector na umigting pa ang panga. "I'm sure na hindi ako ang nakabuntis sa kaniya." dagdag pa nito.

Hindi mapigilan ni Pipay ang impit at tahimik na muling pag luha kasabay ang pag inda ng sobrang sakit sa kaniyang puso dahil sa mga itinuran ni Hector na wala namang katuturan. Pakiramdam niya ay may milyon-milyong patalim ang tumatarak sa kaniyang puso sa mga oras na iyon. How dare him to deny his own child? Gusto itong sumbatan ni Pipay dahil hindi niya na kaya ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso dahil sa paulit-ulit na pag tanggi nito sa sariling anak niya. Makakaya niyang tanggapin na muli siya nitong sasaktan, pero ang itanggi nito ang sarili niyang anak; parang pakiramdam ni Pipay ay unti-unting pinapatay ni Hector ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now