CHAPTER 14

4.9K 122 6
                                    

"BREAKFAST in bed baby!" bati ni Hector sa kaniyang asawa nang makapasok siya sa kaniyang silid.

Abala naman si Pipay na pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto ng kaniyang asawa kung kaya't hindi niya napansin ang pagdating nito. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon lamang siya nakapasok doon. Malaki iyon kumpara sa kuwartong ginagamit niya. May sariling mini sala. Flat screen tv na nakasabit sa pader at sa ilalim niyon ay ang mga nakahilirang sandamakmak na mga CD players. Sa bandang kaliwa naman ng kuwarto ay nakapuwesto ang desk top at laptop nito na panigurado niyang pinaglalagian ng kaniyang asawa kapag abala ito sa trabaho. Maging ang may karamihang papel at mga libro na nakahilira din sa medyo may kalakihang bookshelf ay nakaagaw sa pansin ni Pipay. Hindi niya alam na mahilig din pala mag basa ng libro ang kaniyang asawa. Isa sa mga ugaling pagkakapareho nila. May glass sliding door din sa isang sulok na siyang nagsisilbing daanan papunta sa veranda nito. Ngunit ang tanging nakakuha talaga sa kaniyang buong pansin ay ang malaking picture frame na nakasabit sa uluhan ng king size bed ni Hector.

Sa larawang iyon, mababakas ang pinaghalong lungkot at galit sa mukha ng lalakeng nakatayo sa likuran ng babae habang nakapulupot ang mga braso nito sa baywang ng babae. Kay sarap sanang pagmasdan ang magaganda nitong mga mata kung hindi lamang iyon puno ng pagkamuhi at galit. Maging ang babae man ay ganoon din. Walang makikitang emosyon sa mukha at mga mata nito. Mistulang naging isang burol o pagluluksa ang naganap sa pagitan nang dalawa habang parehong nakasuot pangkasal ang mga ito.

Hindi maiwasan ni Pipay ang makaramdam ng lungkot at kirot sa puso niya habang matamang pinagmamasdam ang sarili sa malaking picture frame kasama ang kaniyang asawa. Napangiti siya ng mapait. It's been two years, simula nang maikasal sila ni Hector. Kasal na hindi pabor para sa kaniya ngunit hindi niya rin naman nagawang tumutol noon alang-alang sa mga taong napamahal na sa kaniyang buhay na kasalukuyang nakatira sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki at nagka-isip. Kung hindi nga lang malaki ang naitulong ng ama ni Hector sa kaniya at sa iba pang nakatira sa ampunan na iyon ay hinding-hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari na pakasalan niya ang nag iisang anak nito.

Hindi niya lubos maisip ang lahat ng pasakit at pagdurusang natamo sa kamay ng kaniyang asawa sa loob ng dalawang taon. Sobra siyang nagtiis! Sobra siyang nagpakatatag at kumapit sa pag-asang balang araw ay magiging mabuti rin sa kaniya si Hector. Ngunit sadyang kay buti nga talaga ng Diyos at dininig nito ang kaniyang panalangin. Ngayon, masaya siya at handang kalimutan lahat ng masasamang alaala sa nakaraan at handa ring harapin ang lahat ng pagsubok maging ang kaligayahang malalasap niya sa piling ng kaniyang mahal na asawa.

"Hey!"

Biglang napapitlag si Pipay nang maramdaman niyang may mga brasong masuyong pumulupot sa baywang niya habang nakatingala pa rin sa lamaking picture frame nila ni Hector. Mabilis niyang pinunasan ang mga butil ng kaniyang luha na hindi niya namalayang pumatak na pala at naglandas sa kaniyang pisngi.

"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag mukhang natulala ka na diyan!" anang Hector at biglang inilusot ang mukha sa leeg ni Pipay habang malayang humahaplos ang isang palad nito sa tiyan ng kaniyang asawa.

"Okay lang ako! S-sorry hindi kita narinig." aniya.

Mayamaya pa ay kumalas agad sa pagkakayakap sa kaniya ang asawa at marahang tumayo upang lumipat sa harapan niya. Matamang pinakatitigan sa mga mata si Pipay pagkuwa'y umangat ang dalawang kamay sa tapat ng mukha nito at masuyong tinuyo ang mga luhang natira doon. "What is it baby?" tanong nito. Inayos din nito ang hibla ng buhok nitong nahulog sa tapat ng mukha nito. Inipit niya iyon sa likod ng tainga nito.

"W-wala! Naalala ko lang 'yan." anang Pipay at muling tinapunan ng tingin ang picture nila ni Hector.

Saglit na lumingon si Hector sa picture frame 'tsaka nagpakawala ng tipid na ngiti sa asawa. Mayamaya ay walang paalam na sinilyuhan niya ng halik ang nakaawang nitong mga labi. "That?" anito. "I'm sorry again, Peppa!" biglang naging malungkot ang boses at hitsura nito.

HUSBAND SERIES 1: My Sweet Sadist Husband ✓Where stories live. Discover now