Chapter 2: Scared

96.1K 2K 46
                                    

Scared is thrown into or being in a state of fear, fright, or panic

*****

Chapter 2

Isang masukal na daan ang aming tinahak. Mabuti na lang at may dala siyang sulo na naging ilaw namin sa aming dinadaanan dahil baka kanina pa ako nadapa dahil hindi ko nakikita ang aming nilalakaran.

Nagulat pa ako nang may umalulong ng malakas kaya lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol sa matanda. Ang bilis naman kasi niyang maglakad. Sa tantiya ko ay kahalating oras na kami naglalakad pero wala parin akong nakikitang mansyon. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting takot dahil baka sa ibang lugar niya ako dadalhin. Naalala ko tuloy yung sabi ni Manong drayber sa akin kanina na may mga kababalaghan daw nangyayari sa lugar na ito. 

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating na kami sa isang malawak na bakuran at bumungad sa akin ang napakalaking mansyon, kung mansyon man itong maituturing. Dahil para sa akin ay mas mukha itong palasyo. Napakalaking palasyo. Katulad ito sa mga medieval palace na makikita mo sa ibang bansa. 

May ganito pala sa Pilipinas, akala ko sa Europe lang ito nakikita.

Nagpatuloy kaming maglakad sa bermudang damong nakalatag sa malawak na bakuran. Napagtanto ko na sa parteng gilid ng mansyon kami dumaan dahil nakikita ko ang isang rough road na patungo sa harap mismo ng mansyon. Kung dumeretso siguro ako sa alin man sa dalawang daan kanina ay sa harap ng mansyon ang labas ko.

May isang man made pond sa gilid ng daan. Kumikinang ang tubig nito dahil natatamaan ng ilaw na galing sa buwan. Kahit humupa na ang ulan ay may panaka-naka paring kulog at kidlat.

Malapit na kami sa mansyon nang makaramdam ako ng kakaiba. Kahit napakalaki nito ay pawang walang buhay. Nakakatakot itong pagmasdan lalo na at madilim. Parang walang nakatira dahil wala namang ilaw na maaaninag mo sa loob at napakatahimik ng buong paligid.

"Mukha po yatang walang tao," kausap ko sa matanda. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglakad.

Sa likuran kami dumaan. Kinatok niya ang isa sa mga pintuan roon. Tatlong katok at bumukas ito. Isang babaeng naka-unipormeng pangkatulong ang nagbukas sa amin. Katulad ng matanda ay hindi mo rin siya mababakasan na anumang emosyon.

"Ka Esther. Siya na ba yun?" tanong niya sa matandang tumulong sa akin.

Esther pala ang pangalan ng matandang ito.

Tumango lang si Ka Esther. "Akala ko ba lalaki?" nakakunot ang noo na tanong ulit ng babae. Ang akala siguro ng kaharap ko na ang Papa ko ang pupunta rito para magbayad at maka-usap ng personal si Mr. Silvestri dahil naitawag na namin ito sa sekretarya niya. Pero inako ko iyon dahil sa karamdaman ng Papa ko ngayon at pinagbawalan siya ng doktor na magbiyahe ng malayo. Nasa isang liblib ng Monte Verde pa naman matatagpuan itong mansyon kung saan nakatira si Mr. Silvestri at may mga sampung oras ang byahe mula Maynila. 

Nagkibit balikat lang ang matanda at tumalikod na para umalis. Pero bago pa siya makalayo ay hinabol ko siya. Nagulat pa siya nang hawakan ko ang kanyang balikat. "Maraming salamat po ulit," saad ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa paglakad. Sinundan ko siya ng tingin hanggang siya ay naglaho sa kadiliman. 

Pagkatapos ay bumalik agad ako kung saan naghihintay ang babaeng nagbukas sa amin kanina. Wala paring nababakas na emosyon sa mukha niya habang ang mga mata ay nakatingin nang matiim sa akin na parang sinusuri ang pagkatao ko. Nakaramdam tuloy ako ng paka-ilang sa lalim ng kanyang tingin.

Hindi ko alam kung ano ang kakaharapin ko dito ngayon. Ayon sa Papa ko ay napaka-misteryoso daw ng pamilyang Silvestri dahil kahit isa sa mga miyembro nito ay hindi pa nakikita sa publiko kahit na sikat naman ang pangalan ng mga ito sa larangan ng negosyo.

Pawang mga representative lang daw ang ipinapadala kapag may mga meeting at convention ng mga businessmen. At kahit sa mga party ng mga kapareho nito ng estado nang buhay ay hindi daw kailanman nagpapakita ang alin man sa miyembro ng pamilyang ito.

Ewan ko nga kung paano naka-usap ng papa ko ang isang Silvestri sa party ng kumpadre nito dahil ayon sa matalik na kaibigan ni papa ay hindi naman daw niya inembita ang mga Silvestri dahil sigurado na walang pupunta. Ang mas ikinalito ko pa ay ang pag-aalok ni Mr. Silvestri ng pera sa papa.

"Sumunod ka. Kanina ka pa hinihintay ng Primo," baling ng babae sa akin. Napakunot noo ako sa binanggit niyang pangalan.

Sino naman itong Primo? Ito na kaya si Mr. Silvestri?

Paglabas namin sa isang madilim na silid ay ang malaking bulwagan ng mansyon ang bumungad sa akin. Ang buong desinyo nito ay katulad sa mga lumang kastilyo na napapanood ko sa telebisyon. Ang malaking chandelier lang na nakasabit sa mataas nitong ceiling ang nakapagpa-moderno sa bulwagan ng mansyon.

May malawak na hagdan rin na nakaharap sa mismong front door at nalalatagan pa ito ng pulang carpet mula sa taas hanggang pababa sa pintuan. Ang front door naman ay tila gawa sa isang matibay na kahoy. It was a wooden carved double door in a mahogany color. May mga malalaking painting rin na nakasabit sa mga dingding pero wala ni isang picture ng may-ari ang nandoon.

Ginala ko pa ang aking paningin kahit medyo may kadiliman sa loob dahil sa malamlam na ilaw. Napansin ko ang mga antique na vase na nakadisplay at mga lumang baril na nasa ding-ding. Mabuti na lang at may fascination ako sa mga antique at lumang mga bagay dahil kung hindi ay nakakasigurado akong makakaramdam ako ng takot sa aura nitong mansyon na mas dumomble pa yata kaysa sa labas. All I know and feel is that this mansion, no, this entire location, is not safe.

Napatigil ako sa pagtitingin-tingin nang huminto kami sa isang nakasarang pinto. Kumatok ang naka-unipormeng babae ng tatlong beses. Pinagtatakhan ko ang bilang nang pagkatok niya dahil ganun din ang bilang ng katok na ginawa ni Ka Esther kanina. Baka isa ito sa mga polisiya rito sa mansyon. Kailangan ko iyon tandaan.

"Pumasok ka na," untag sa akin ng babae. Tumango lang ako at lumunok ng dalawang beses. Hindi ko alam ang mabubungaran ko sa loob at kung anong mangyayari sa akin. Lakas loob kong pinihit ang seradura ng pinto para mabuksan. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba habang papasok sa loob.

Madilim ang buong silid at ang tanging ilaw lang ay ang sinag ng buwan na nanggagaling sa nakabukas na kurtina ng bintana. Naniningkit ang mga mata ko para makakita ako ng maayos. Doon ko napagmasdan nang tuluyan ang isang bulto na nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana.

"M-mr. Silvestri?" nanginginig na tawag ko. Bigla ang pagpihit niya sa akin pero dahil sa kadiliman ay hindi ko maaninag ang pagmumukha niya. Sa pagkagulat ko ay bigla na lang kumidlat ng malakas at tumama ang liwanag nito sa bintana. Bigla akong napa-awang, nanginig at nakaramdam ng takot.

*****

-LG-

02-24-15

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now