Chapter 16: Embraced

76.1K 1.8K 99
                                    

Embraced is to hug, eagerly accept, or to be serious about starting something new.

*****

Chapter 16

Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy na kaming bumyahe. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya isinandal ko na lang ulo ko sa bintana at umidlip sandali.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nang magising ako ay ramdam ko na hindi na ako sa bintana nakasandal kundi sa isang matikas na katawan. Ang ulo ko ay nasa balikat nito habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa baywang ko. Iniangat ko ang ulo ko na nagpabaling rito. "Your awake," saad nito.

"Ahmm... yeah." Namumulang saad ko. "P-pasensya na po, napasandig yata ang ulo ko sa balikat niyo," saad ko habang unti-unting kumakawala rito. Pero hinigpitan lang lalo nito ang hawak sa akin. "Y-yung braso niyo po." Naku-conscious na kasi ako dahil sa kakagalaw ko kanina ay medyo lumilis ang damit ko. Mas ramdam ko tuloy ang mainit na palad nito sa balat ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng magsimulang humamplos ang kamay nito pataas at pababa sa baywang ko. Nanindig ang mga balahibong pusa ko dahil sa kuryenteng nanulay mula sa haplos nito. "May sinasabi ka?" painosenting tanong nito. Mas inilapit pa nito ang mukha nito sa akin.

Napakagat-labi ako sa tensyon. "Y-yung b-braso niyo po, p-pakitanggal," mahinang ulit ko. Napaigtad pa ako ng hawakan nito ang mga labi ko at tinanggal mula sa pagkakakagat ko.

"Stop biting your lips. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong may gawin sayo." Mas lalo tuloy akong namula.

"Ehem!" tikhim ni Nate bigla. Nakalimutan kong hindi lang pala kami ang tao rito sa kotse. Nakakahiya, narinig kaya nito ang sinabi ng Primo. "Malapit na po tayo." Mabuti na lang at umayos na itong umupo pero nasa baywang ko parin ang mga braso nito.

Huminto ang sasakyan pagkatapat nito sa isang malaking at nakasiradong gate. Nagsalubong pa ang kilay ko ng makita ang simbulong katulad na katulad na nakita ko sa opisina ng Primo. Nakaukit ito sa gitna ng gate. May nakaabang tao sa gate, isang malaking lalake na naka-suit and tie, may sunglasses pa sa mga mata nito at may bluetooth headset sa tenga. Nagmumukha tuloy itong men in black.

Lumapit ito sa kotse at ibinaba naman ni Nate ang bintana. May ipinakita itong id sa lalake at pagkatapos ay may kinausap ito sa headset nito. Sa pagkamangha ko ay bigla na lang bumukas ng kusa ang gate. Ipinasok agad ni Nate ang kotse sa loob. Ang nakita ko agad ay ang fountain na may ribolto ng isang dragon sa gitna kung saan ang tubig ay lumalabas sa nakabukas na bunganga nito.

Tumambad rin sa akin ang napakalaking mansyon. Kung ang mansyon ng Primo ay classic, ito naman ay modernong-moderno ang pagkakagawa. Hininto ni Nate ang kotse sa mismong harapa ng mansyon. May nakaabang rin na dalawang lalake roon na katulad ang suot doon sa lalaking nasa labas. Malalaki rin ang mga katawan nito. Isa sa kanila ang nagbukas ng pinto ng kotse.

Unang lumabas ang Primo na agad namang binati ng yuko ng dalawa. At ng ako na ang lumabas ay nagulat pa ako ng may naglahad sa akin ng kamay. Pag-angat ko ng tingin ay ang maiitim na mga mata nito ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa dalawang bodyguard na naghihintay sa paglabas ko. Napabuga muna ako ng hangin bago tinanggap angg kamay nito. At ng magdaop ang mga kamay namin ay bumilis na naman ang pintig ng puso ko.

Nakalabas narin si Nate na nakatingin sa magkahawak na kamay namin kaya naman ay agad ko itong binawi. Baka kasi ano na lang isipin ni Nate sa amin. "Maligayang pagbisita muli sa Yamazaki mansion, Primo," saad ng kakarating lang na lalake. Matanda na ito at kung pagbabasihan ang suot nito ay nakakasigurado akong ito ang butler ng mansyon. Yumuko rin ito para pagbibigay galang. "Nasa bulwagan po sila at ang Terzo. Ihahatid ko na po kayo."

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now