Chapter 9: Serve

72.5K 1.7K 113
                                    

Serve is to give someone service or present someone with something.

*****

Chapter 9

Unti-unti siyang kumakalma sa bawat paghaplos ko. Ang mabalagsik na mga mata niya ay napalitan ng pagkahapo. Sa pagkabigla ko ay napasubsob siya sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit at pantay na hininga niya na nagsasaad na bumalik na siya sa pagkakatulog.

Napabuntong-hininga ako, mabuti na lang at nakatulog na ulit siya dahil siguradong mas lalo pa siyang magagalit sa akin dahil hinawakan ko siya. Dahan-dahan ko siyang pinatihaya para maka-alis ako mula sa pagkakadagan sa kanya.

Hindi parin ako makarecover sa nangyari. I never thought I will saw him like that. The mighty Primo who doesn't have an emotion looks so scared while having a nightmare. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga at kinumutan. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mukha. Mukhang maamo pala siya pag tulog, malayo sa hitsura niya pag gising. Bumaba ang ang mga mata ko sa kanyang mga labi. Mapula-pula ito at kay sarap...

Stop what your thinking Krish!

Ipinilig ko ang aking ulo sa nagiging takbo ng isip ko. Nakababa na ako ng kama ng marinig ko siyang magsalita. "D-don't leave me," mahinang ungol niya. Nilingon ko siya ulit sa pag-aakalang gising siya pero nakapikit parin ang mga mata niya at pabaling-baling ang ulo.

Nagsisimula na naman ba siyang bangungutin?

"Please, d-dont!" takot na takot niyang sambit ulit. Dali-dali akong sumampa sa kama at hinawakan ulit ang kanyang pisngi kung nasaan ang mahabang niyang piklat. Hinahaplos ko ulit siya ng marahan.

"Shhh... I'm here," pagpapakalma ko sa kanya. Bahala na kung mapagalitan ako basta hindi ko lang siya nakikitang takot na takot. Para kasing tinutusok ang dibdib ko pag-nakikita ko siyang ganun. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at mas lalo pang idiniin ito sa kanyang mukha.

"A-angel, you're here," bulong niya habang nakapikit parin.

Angel? Sino naman yun?

Bagabag parin ang mukha niya na parang nahihirapan. Mas lumapit pa ako ng husto sa kanya at humiga patagilid. Hawak-hawak parin niya ng mahigpit ang kamay ko na ngayon ay nasa tapat na ng kanyang dibdib na parang takot na takot na mawala ako.

I don't know what gotten in my mind for doing this. Typically, he is a total stranger and my employer but it confused me really for having this raging emotion that I don't recognize everytime I saw him. Nagsimula akong kumanta baka mapawi nito kung ano mang pinapanaginipan niya. Ito kasi ang kinakanta ng mama ko sa tuwing may masama akong panaginip.

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away."

Naging relax ang mukha niya at lumuwag narin ang kanyang pagkakahawak sa kamay ko. At sa pagkakataong ito ay nakakasigurado akong nawala na ang kanyang masamang bangungot.

Hindi ko namalayan na nasa kama na ng Primo ako nakatulog. Nakalimutan ko ba naman kasing lumipat pabalik sa sofa sa sobrang pagkaantok ko. Mabuti na lang at hindi pa ito gising. Tiningnan ko ang nag-iisang nakabukas na bintana roon, nakalimutan siguro niyang isara kagabi. Ang ibang mga bintana naman ay natatakpan ng makakapal na kurtina. Kaka-sisingaw pa lang ng araw dahil hindi pa masyadong maliwanag. Dahan-dahan akong bumangon, baka masinghalan pa ako na nakikitulog sa kama niya na walang permiso.

Iniligpit ko muna ang hinihigaan ko sa sofa bago walang inggay na lumabas. Mabuti na lang walang nakakita sa akin na lumabas sa kwarto ng Primo. Pagbalik ko sa kwarto ay agad na akong naligo at nagbihis para sa trabaho. Hinatiran na rin ako ng almusal. Kapag umaga at gabi kasi ay hinahatiran lang kami ng pagkain sa kwarto, kapag tanghali naman ay sa kumedor kami lahat kumakain.

Pagbaba ay agad kami pumwesto sa may hagdan. Rinig ko ang mga yapak ng Primo. Sinilip ko ang mukha niya. Ganun parin, walang mababakas na emosyon. Parang hindi man lang siya binangungot kagabi at mukhang wala rin siyang kaalam-alam sa ginawa ko sa kanya.

Pagkatapos niyang mag-almusal ay agad siyang umalis ng mansyon. Pinagpatuloy ko naman ang pagtatrabaho sa hardin. "Mukhang puyat ka yata," tanong bigla ng isang tinig na ikinagulat ko. Paglingon ko ay si Keila pala, kasama si Aiko. Nakita siguro niya ang ginawang paghikab ko.

"Nakakagulat naman kayo."

"Patawad sa panggugulat namin," hinging paumanhin niya. Simula kahapon ng magpakilala ako sa kanila ay nagsimula narin kaming mag-usap tatlo. Kahit medyo naiilang parin ang dalawa sa pagpapakita ng emosyon ay okey na yun. It's a start.

"Ano ba. Okey lang yun," saad ko naman.

"Parang hindi ka yata nakatulog maayos kagabi ha?" tanong naman ni Aiko.

Tumikhim naman ako. "Namamahay lang parin siguro." Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako masyado nakatulog dahil binangungot ang Primo. Baka magtanong pa sila kung anong ginagawa sa kwarto niya.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong pumasok rito bilang katulong?" tanong bigla ni Aiko.

"Oo. Bakit?"

Nagtinginan ang dalawa at bakas sa mga mukha niya ang pag-aalangang sumagot. "Hindi namin alam kung paano namin ito sasabihin sayo. Pero first time kasi tumanggap ng Primo ng katulong. Ang mayordoma kasi ang nakatoka para doon at hindi basta-basta ang kinukuha niya. Dapat ay galing ka kung saan kami galing," paliwanag ni Keila.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"May malalim at maraming sekreto ang mansyon na ito at ang Primo na hindi namin pwede sabihin sayo. Mas makakabuti ng hindi mo alam. Kaya payong kabigan lang,  umalis ka na dito hanga't maaga pa at hindi pa dumarating ang matandang Silvestri."

Bigla tuloy ako kinabahan. Mali ba ang pagpasok ko rito bilang katulong? Baka mas mabuti pa kaya kung nanghingi na lang ako ng mas mahaba-haba pang panahon para makabayad kaysa magpa-alipin rito. Pero huli na ang lahat, kahit gusto ko nang umalis ngayon ay hindi pwede dahil nakapirma na ako ng kontrata at nakasaad roon na sa oras na umalis ako na hindi pa sa itinakdang panahon ay makukulong ako ng limang taon at pagmumultahin ng napakalaking halaga.

"Hindi na pwede. Nakapirma na ako ng kontrata," saad ko sa kanila.

"Kontrata?" nagtataka namang saad ng dalawa.

"Oo, kontrata. Yung pinipirmahan para masiguradong hindi ka tatakas o anu pa man. Hindi ba kayo pinapirma?" tanong ko.

Umiling sila. "Wala kaming natatandaan na may pinirmahan o ipinakita sa aming kontrata. Ang ibinigay lang naman sa amin ay yung mga rules and regulation dito sa mansyon. At isa pa, hindi na namin kailangan yun dahil nasa kapalaran na naming magsilbi rito habang-buhay," makahulugang saad ni Aiko.

So, ano yung kontratang pinirmahan ko? At anong pinagsasabi nitong habang-buhay na pagsisilbi? Meron bang ganun?

Maraming mga katanungan ang nabuo sa isip ko sa aming pag-uusap. Ang naintindihan ko lang ay hindi simpleng pamilya ang aking pinaglilingkuran.

*****

-LG-

03-06-15

The Mafia Lord's PossessionDär berättelser lever. Upptäck nu