Chapter 24: Fast

72.2K 1.6K 90
                                    

Fast is someone or something that moves quickly, is not easily moved or is firmly shut.

*****

Chapter 24

"Master nasa baba na sila," saad ni Nate sa akin.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at tinungo ang elevator habang kasunod si Nate sa likod ko. "Ilan ang nahuli?" tanong ko.

"Tatlo po. Napatay na nila ang dalawa dahil nagtangkang tumakas," sagot niya.

Pagpasok namin sa elevator ay agad kong binuksan sa pamamagitan ng thumb scanner ang isang nakatagong buton. Ito ang magdadala sa amin patungo sa isang sikretong lugar na nasa ilalim nitong building.

Tanging ako, si Nate at ang mga loyal na tauhan na nasa ilalim ko ang nakaka-alam tungkol sa underground sa Silvestri Empire. Kahit ang lolo ko ay hindi alam ang tungkol dito. Hindi ko ito sinabi sa kanya dahil tanging dito lang ako nakakapagpahinga mula sa mga mapagmatyag niyang mga mata niya.

Aksidente ko itong natuklasan ng pakialaman ko ang blueprint nitong building. From then on ay dito ko na ginagawa ang mga bagay na walang kinalaman sa La Vigore. Pati na rin ang ibang mga illegal transaction ko na hindi pinakiki-alaman o nalalaman ng Primo.

Napupuno na kasi ako sa tuwing pinakikialaman niya kung paano ako makikipag-deal sa mga ka-bussiness namin na mga mafia group rin. Minsan kasi sa pangingialam niya ay nahahantong sa barilan ang transaction at dahil doon ay marami na rin akong nagiging kaaway.

Kung maaari kasi ay ayaw ko ng pumatay ng tao. It still sick me kahit na sabihin na mga kriminal rin naman ang mga napatay ko, but still ay hindi parin ako sanay pumatay kahit na marami na akong binawian ng buhay.

Yeah, I'm a sinner and I will never be fit to her world.

Naikuyom ko ang mga kamao ko ng maisip ko na naman ang kanyang magandang mukha.

Fuck! I should stop thinking about her and I should stay the hell away from her.

"Are you okay, Master?" Nate asked.

"Yeah," tipid kong sagot.

Pagkarating namin ay agad kaming sinalubong ng dalawa kong magaling na tauhan na nagbabantay sa lugar na ito. "Nasaan sila?" tanong ko agad.

"Nasa dungeon po," sagot nung isa.

Agad akong pumunta doon. Naabutan kong nilalatigo ng isa ko pang tauhan ang tatlo. "Stop that," pagpapatigil ko sa kanya.

Hinarap ko ang tatlong lalake na ngayon ay puno ng mga pasa ang mga pagmumukha.

"B-boss, m-maawa po kayo sa amin. Hindi na po namin uulitin," pagmamaka-awa ng isa.

"Naawa rin ba kayo sa pagpatay niyo sa dalawa kong security guard at paglapastangan niyo sa isa kong empleyadong babae?" tanong ko sa kanila.

Kahapon kasi ay nabalitaan kong pinasok ng limang armadong lalake ang isa sa mga bodega ng kompanya. Binaril ng mga ito ang dalawang guard na nagbabantay roon at nirape ang isang nag-overnight na babaeng empleyado.

Mabuti na lang at may CCTV camera kaya nakuha namin ang pagmumukha ng lima. Alam kong hindi dapat ako makialam sa mga ganitong aksidente dahil hindi ito saklaw sa gawain ng La Vigore. Hindi dapat kami makialam sa mga taong walang alam sa aming mundo.

Pero hindi ko kayang palampasin ito. Tatlong inosenting tao ang idinamay nila. So, I decided to bring the justice into my hands. Naalala ko kasi ang mga ginawa sa mga magulang ko.

The Mafia Lord's PossessionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt