Chapter 10: Mortgage

75.2K 1.9K 147
                                    

Mortgage is a conveyance of an interest in property as security for the repayment of money borrowed.

*****

Chapter 10

Hanggang mag-gabi ay nasa isip ko parin ang nangyaring pag-uusap namin nina Keila at Aiko kanina. Kahit sinasalubong ko ang Primo ngayon ay yun parin ang nasa isipan ko. Hindi ko nga namalayan na nakalampas na pala ang Primo sa akin. "Buong magdamag ka ba mag-gaganyan?" saad ni Nate sa akin na ikinagising ko sa malalim na pag-iisip. Nakayuko parin kasi ako hanggang ngayon.

Pag-angat ko ay naaaliw na tingin ang ipinukol sa akin ng aking kaharap. Medyo namula ang pisngi ko sa pagkapahiya. "Pasensya na, may iniisip lang."

"Halata nga," nakangiting sabi nito. "Ito, pakibigay mo ulit kay Mila," sabay bigay ulit sa akin ng attaché case ng Primo.

"Kung ako na lang kaya ang mag-lagay nito sa opisina niya. Personal maid naman niya ako," saad ko rito.

"Pasensya na Miss Krishna, hindi kasi basta-basta nagpapasok ang Primo sa opisina nito na walang pahintulot niya."

"Ganun ba. Ahmm.. Huwag mo nga akong tawaging Miss, napakapormal kasing pakinggan at isa pa katulong lang ako rito. Krish na lang."

Umiling ito. "Hindi pwede eh."

"Bakit naman?" nalilitong tanong ko. Pero nagkibit-balikat ra ito at ngumiti na parang may tinatagong sikreto.

"Sige, mauna na ako sayo Miss Krishna," paalam nito habang ako ay naiwang nagtataka.

Naghanda na ako para sa pagpunta sa kwarto ng Primo. Naghalukay ako sa bag ng makakapal na damit, hindi ko pa kasi ito naaayos sa closet. Hindi sinasadya ay may nakapa akong isang makapal na sobre. "Hindi ko pa nga pala naibibigay ito sa Primo." Ito yung pera na naipon namin para sana pangbayad. Naisipan kong ibigay ito ngayon.

Isasara ko na sana ang bag ng may maalala. Hinalungkat ko muli ang loob at kinuha ang isang picture frame ng pamilya namin. Dinala ko kasi ito para kahit papaano ay hindi ako malulungkot. Hindi ko rin kasi matatawagan sila papa dahil pati ang cellphone ko ay ibinenta ko at kahit na may cellphone ako ay nakakasigurado ay hindi ko rin yun magagamit dahil bawal nga dito sa mansyon. Miss na miss ko na talaga sila at ipinagdasal ko na sana gumaling na si papa at nasa maayos na lagay sila.

Hinalikan ko muna ang litrato bago inilagay ito sa nightstand. Dinala ko na rin ang sobre na naglalaman ng pera at nagtungo na sa silid ng Primo. Kumatok na naman ako ng tatlong beses pero laking gulat ko na si Nate ang nagbukas nito. Nanlaki ang mga mata ko at sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko. "Ahmm..," hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nakakahiya! Baka anong isipin nito sa akin.

Ngumiti ito. "Pasok ka, kanina ka pa hinihintay ng Primo." Pagpasok ko ay siya rin paglabas ng Primo sa banyo. Napatalikod ako bigla ng makita kong nakabalot lang ito ng tuwalya sa ibabang parte. Lalo tuloy namula ang pagmumukha ko.

"Sige Nate, makakalabas ka na." Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Ah... Primo sa labas muna ako para makapagbihis kayo," saad ko rito.

"No need. May iuutos ako sayo at bakit mo ako kinakausap na nakatalikod?" maowturidad nitong saad.

"Eh kasi po..."

Paano ko ba ito ipapaliwanag.

"Nakakasilaw po kasi ang katawan niyo," bulong ko.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now