Chapter 20: Truth

66.4K 1.7K 63
                                    

Truth is something that has been proven by facts or sincerity.

*****

Chapter 20

Dahan-dahan akong pumasok. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba sa makikita ko sa loob. Hindi ko na inaalala na baka may makakita sa akin na pumasok rito. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay may malaking pwersa na humahatak sa akin na pumasok at alamin ang loob.

Napakadilim ng buong kwarto. Wala akong maaninag na liwanag sa loob. Kinapa ko ang pader para sa switch ng ilaw. "There you are!" saad ko ng makapa ko ito. Agad-agad kong binuksan ang ilaw. Bumaha ang liwanag sa buong kwarto.

My knees suddenly start shaken. Nakanganga lang akong nililibot ang paningin roon. Nanlalaki ang mga mata na hindi makapaniwala sa nakikita. "Oh God!" Nagsimulang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Napapikit ako dahil bigla na lang ang pagragasa ng mga sari-saring mga imaheng nakikita ko sa isip ko.

Napaluhod ako at napasabunot sa buhok ko ng hindi ko na matiis ang sakit ng ulo ko. Gusto kong iuntog sa pader ang ulo ko para mawala ano mang nakikita ko sa isip ko. "Miss Krishna!" narinig kong sigaw sa pangalan ko.

"H-help, help me! Ang sakit! Ang sakit ng ulo!" pagmamakaawa ko sa kung sino mang taong iyon habang ang mukha ko ay puno na ng luha.

"Shit! I'll be dead!" natatarantang saad nito. "Bubuhatin kita papuntang kwarto Miss Krishna." Tumango lang ako at pagkatapos ay naramdaman ko ang paglutang ng katawan ko sa ere. "Damn! Damn!" rinig kong mahinang mura nito. Ilang sandali lang ay nakahiga na ako sa kama. I curl my self into a ball. "Kukuha lang ako ng gamot," at dali-dali itong lumabas.

Masakit parin ang ulo ko pero wala na yung mga sari-saring imaheng na parang flashback na nakikita ko. "Drink this." Tinulungan ako ni Nate na tumayo para mainom ang gamot. "Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Konti na lang. Salamat," pagod na saad ko. Gusto ko na lang matulog ngayon at ipahinga ang isip ko.

"Okey. Magpahinga ka muna." Tumango lang ako at bumalik sa pagkakahiga. Ayaw ko munang isipin ang nakita ko sa sekretong kwarto na yun. Nagtalukbong ako ng kumot at bago ako mahulog sa malalim na pagtulog narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng sigawan. "Damn Nate! Diba sabi ko na bantayan mo siya at huwag na huwag mong ihihiwalay ang mga mata mo sa kanya. God! Hindi niya dapat malaman ang totoo sa ganitong paraan. Hindi pa kakayanin ng isip niya," frustrated na sigaw ni Rave.

"I'm sorry Adrian. Hindi ko alam na matutunton niya ang kwartong iyon. I forgot she's the one who designed it."

Bumangon ako sa kama at nagpasalamat na wala ng yung sakit ng ulo ko. Nakatayo na ako ng bumukas ang pinto ng kwarto. Nagtagpo agad ang aming paningin. Kita ko sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. Mabilis na dumagsa sa aking isipan ang nakita ko sa kwartong iyon. Tumiim ang aking bagang at nakakuyom ng mahigpit ang aking kamay. "D-don't! H-huwag kang lalapit," mariin kong pigil rito ng magsimula itong humakbang palapit sa akin.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "Okey ka na ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" tanong nito.

Hindi ko ito sinagot. "Sino si Angel? Sino siya sa buhay mo?" bigla kong tanong na nagpatigil rito. "Sagutin mo ako!" sigaw ko na hindi parin ito sumasagot. Nakatingin lang ito sa akin at malinaw sa mga mata nito na nahihirapan ito.

Nagbuga ito ng malalim na hininga bago sumagot. "She's my life..." habang madamdaming nakatingin sa akin. Love is very visible in his eyes that makes me want to cry and my heart clenched of what he said. "And my wife." Uminog ang buong mundo ko sa huling sinabi nito. Hindi ko mapigilang tumulo ulit ang luha ko.

Oh God! I can't believe this. I might dreaming!

Humagulhol ako ng iyak at napa-upo sa kama. Hindi kinaya ng tuhod ko sa rebelasyong nalaman ko ngayon. Itinakip ko ang mga palad sa mukha ko at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang paglundo ng kama at pagyakap sa akin ng matipunong braso nito.

"I'm sorry. I'm so sorry," paulit-ulit na saad nito sa ibabaw ng ulo ko habang hinahalikan ang buhok ko.

"Bakit? Bakit hindi ko maalala?" nahihirapang tanong ko. "Litong-lito na ako Rave. Parang sasabog na ang ulo ko sa mga katanungan."

"Shh... Stop crying Angel. I will tell you the whole truth just stop crying please. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak."

Lumayo ako rito ng bahagya para matingnan ang mukha nito. His eyes is already red and on verge of crying. Marahan nitong pinalis ang mga luha ko ng mga daliri nito. Naalala ko ang mga nakita ko kanina. Mga iba't-ibang litrato naming dalawang magkasama na halata ang pag-ibig namin sa isa't-isa. May mga litrato rin na ako lang, minsan nakaharap pero minsan mga stolen shots.

Ang mas ikinamangha ko pa ay may mga litrato ito simula noong 17 pa ako hanggang ngayong 23 na ako. It is like he was stalking me for almost six years. May litrato ito sa mga importanteng araw sa buhay ko gaya na lang ng mga kaarawan ko at noong graduation day ko sa college. And what shocked me the most is the recent pictures of me while working in the garden of his mansion. Then it strucked me, the open window near the balcony. Ngayon ko lang napagtanto na malapit pala ang kwarto ni Rave sa balkonahe ng mansyon.

Kung ganun, hindi lang guni-guni ang nakita kong anino sa bintana.

"I want to know the whole truth Rave. Paanong may mga pictures ka sa akin? Paanong naging asawa mo ako at paanong hindi kita naa-alala?" He nod and kiss my forehead.

Kaya pala ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya na parang kilalang-kilala na siya ng puso ko, kung bakit may mga pamilyar na mga bagay na naa-alala ko. Kung bakit dinadalaw ako ng panaginip ng isang ala-ala na hindi pala ng kung sino kundi sa akin. What really happened long ago? Kahit hindi pa kaya ng isip ko sa malalaman ko ngayon, alam kong handa na ang puso ko sa katotohanan.

*****

-LG-

03-30-15

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon