Chapter 11: Caress

74.3K 1.8K 142
                                    

Caress is a soft, gentle and loving touch.

*****

Chapter 11

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Aiko sa akin. Kanina pa kasi ako nakatalungko at tutok na tutok sa kwentas na isina-uli sa akin kanina ng Primo. Hindi ko na nga natapos ang pagtatanim sa mga halaman dahil hindi mapalagay ang isip ko kung paano ito napunta roon sa sobre. Napansin ko simula na tumuntong ako sa mansyon na'to ay marami ng nangyayaring weird na bagay sa akin. "Yan ba yung ibinigay sayo ng Primo kanina?"

"Oo. Naisali ko raw doon sa sobre na naglalaman ng pambayad namin sa kanya." Nasabi ko na kasi rito at kay Keila ang sirkumstansya ko.

"Eh di mabuti at isina-uli niya. Parang hindi ka yata masaya?"

"Pala-isipan kasi sa akin kung bakit ito naroroon sa loob ng sobre. Naisangla ko na kasi ito noong nakaraang buwan pa," sagot ko rito.

"Baka tinubos ng papa mo o ng kapatid mo."

"Imposible. Ako lang nakaka-alam ng isinangla ko ito," pagsalungat ko rito.

"Baka nalaman nila ng hindi mo alam."

"Siguro nga," hindi kumbinsidong saad ko. "Mamaya ko na nga lang itong iisipin." Pagkatapos ay ikinabit ko ito sa leeg ko. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako kung sino mang tumubos nito dahil napaka-importante nito sa akin. Kung hindi lang talaga kami gipit nunka na isasangla ko ito.

"Papunta rito ang mayordoma," bulong ni Aiko. Bumalik rin ang pagiging blanko ng mukha nito. Sa harap ko lang kasi silang dalawa ni Keila nagpapakatotoo dahil pagagalitan daw sila. Nagtataka rin ako dahil hindi naman ako sinisita.

"Miss De Silva, pinapatimpla ka ulit ng Primo ng kape. At ikaw Aiko, bumalik ka na rin sa kusina," tanong nito sa mataas na tono.

"Opo!" sabay na saad namin ni Aiko.

"Nagtitimpla ka ng kape para sa Primo?" tanong agad ni Aiko sa akin pagkaalis ng mayordoma.

"Oo. Kahit nga sa almusal ay ako na ang pinagtitimpla. Bakit?"

Kumunot ang noo nito. "Ewan ko ha, pero hindi naman umiinom ng kape ang Primo dati. Kahit nagtitimpla araw-araw ang katulong ng kape tuwing almusal nito ay kahit kailan ay hindi ito humihingi."

Pansin ko nga nung una ko ito pagsilbihan ng kape ay humingi nga ito pero hindi naman nito ininom. Sa sumunod na araw ay hindi na nga ito nanghingi pa ng kape. Kaya pala nakakunot yung kusinero ng makita ako nagtitimpla ng unang beses na utusan akong ipagtimpla ito at gulat na gulat pa ito ng sa pagbalik ko ay wala ng laman ang tasa.

"Baka nagayuma sa sarap ng kape ko. Diyan kaya ako magaling," nagbibiro kong saad rito.

Tumawa ito ng konti. "Wow! Marunong karin palang tumawa," saad ko rito. First time ko naman kasi ito nakitang tumawa dahil hanggang tipid na ngiti lang ang nakita kong ginagawa nito.

"Syempre, tao parin naman ako. Alam mo, maraming nagbago rito sa mansyon simula ng dumating ka. Napapakitaan mo kami ng emosyon, binabati mo ang ibang katulong at lalong-lalo na sa Primo na ngayon ay umiinom na ng kape." Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nakita kong nakaawang ang pinto ng opisina ng Primo. Kumatok ako pero walang sumagot. Dahan-dahan kong sinilip ang loob, wala namang tao.

"Ilalagay ko na lang siguro ito sa office table nito," kausap ko sa sarili.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now