Chapter 15: Favorite

72.8K 1.8K 76
                                    

Favorite is preferred before all the others of the same kind.

*****

Chapter 15

I'm still shocked seeing him crying. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing tumutulo ang mga luha nito.

"I'm sorry Angel. So sorry," paulit-ulit na saad nito na para bang sa akin ito nanghihingi ng tawad. At isa pa, sino ba talaga ang Angel na'to na parang isang multong sinusundan ako. Minsan naririnig ko sa bibig ng Primo, nababasa sa libro at napapaginipan ko pa. Iisa lang kaya ang Angel na laging tinatawag nito at ang napapaginipan ko? Gulong-gulo na talaga ang pag-iisip ko.

Pinunasan ko ang mga mata nito. Mukhang bumalik narin ito sa pagkakatulog. Pinagpatuloy ko ang mahinang pagkanta ko hanggang sa ako rin ay makatulog muli.

Naalimpungatan ako dahil parang may kumikiliti sa bandang leeg ko. "Hmm..." sabay hawi sa kung ano mang bagay na yun. Bumalik ako sa pagkakatulog, antok na antok pa kasi ako. Napadilat lang ako ng wala  sa oras ng may dumampi sa mga labi ko.

"Good morning sleeping beauty," saad nitong nakangiti. Ang maanghang na salita na sasabihin ko sana rito dahil sa panghahalik nito na walang permiso ay nakalimutan ko ng makita ko ang ngiti nito. Bigla yatang lumiwanag ang buong kwarto sa ngiti nito. Napakurap pa nga ako dahil baka nanaginip lang ako. "Mukha ka yatang natuklaw ng ahas?" natatawang anas nito na nagpagising sa akin ng tuluyan.

Nanlaki pa ang mga mata ko ng mapagtanto ang puwesto namin. Nasa ilalim ako nito habang ang mga braso nito ay nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo ko. Mabilis akong umalis mula sa pagkakadagan nito. Mabuti na lang at pinakawalan agad ako nito.

Nanamantala na yata ang lalaking ito ha.

Pagtayo ko ay pinaningkitan ko ito ng mga mata. "Kahit amo ko po kayo ay wala parin kayong karapatan na pagnakawan ako ng halik," pagmamaktol ko habang nakanguso.

"Then I should ask your permission next time." Nakanganga lang akong nakamata rito.

May plano pa itong halikan ulit ako?

Nalipat ang tingin ko sa orasan na nasa night table nito. "Oh God!" natatarantang saad ko. Malapit na palang mag-alas otso at hindi pa ako nakahanda. Walang paalam akong umalis sa harapan nito at tinungo ang pintuan. Pero ng pihitin ko ito ay sirado na naman.

Galit kong binalingan ang Primo at kinalimutan ng tuluyan na amo ko ito. "Buksan mo ito!" Naaaliw na tinitingnan lang ako nito. Hindi mo na makikita rito ang dating Primong walang emosyon at seryoso. "Buksan mo sabi!" Ngayon pa ako naiinis ng ganito sa buong buhay ko.

"Hindi na kailangan. Dito ka na magbihis, nandiyan na ang damit na susuotin mo. May pupuntahan tayo ngayon," saad nito sabay turo sa nakatiklop na damit sa sofa. Hindi na ako kumontra at kinuha na ang damit at pumasok ng mabilis sa banyo. Kailangan kong makababa agad dahil baka magtaka ang ibang katulong na wala ako sa pagbati ng Primo.

Isang jeans at puting blouse ang suot ko. Ewan ko kung kanino ito dahil hindi ko naman ito damit. Isang ballet shoes naman ang sinuot ko sa paa. Paglabas ko ay siya rin paglabas ng Primo sa walk-in closet nito. Nakasuot na ito ng isang puting polo shirt at jeans. He looks more attractive wearing casual clothes.

"Ready?" tanong nito. Tumango lang ako. Mukhang sasabay talaga ako rito sa pagbaba. "Nate, pwede munang buksan," sigaw nito sa labas ng pinto.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now