Chapter 12: Astonished

74.2K 1.7K 61
                                    

Astonished is to fill with sudden and overpowering surprise or wonder.

*****

Chapter 12

Napasinghap ako at nakita ko rin sa mga mata nito ang sandaling pagkagulat bago bumalik sa pagkaseryoso. Sisigaw na sana ako pero bago nangyari iyon ay natakpan na nito ang bibig ko. "Shhh... Don't scream. Wala akong gagawin sayo," mahinang bulong nito malapit sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit na hininga nito at ang katawan nito na ang lapit-lapit sa akin. "Tatanggalin ko ang kamay ko pero huwag kang sisigaw." Tumango ako.

Pagkatanggal nito ay agad akong bumangon at sumiksik sa uluhan ng kama na parang takot na takot. "A-ano pong ginagawa niyo po rito?"

Tumayo ito at namulsa at pansin kong hindi pa ito nakapagbihis dahil ito parin ang suot nito kanina. "I-I'm just checking your wound," saad nito na parang hindi sigurado sa sinasabi. Hindi rin ito tumitingin sa direksyon ko. "Sorry for scaring you."

"H-hindi na po niyo kailangan gawin niyan. Hindi naman po malala ang sugat ko," saad ko. Naguguluhan ako dahil kanina lang ay galit na galit ito sa akin at ngayon ay chinecheck daw nito ang sugat ko na dapat ay hindi na nito kailangang gawin dahil nga hamak na katulong lamang ako rito.

"No, I insist. It's my fault that you got startled. At pasensya na rin na pumasok akong walang paalam, kanina pa kasi akong katok ng katok pero wala namang sumasagot," paliwanag nito.

Kaya pumasok na lang kayo bigla-bigla. Kahit naman siguro pagmamay-ari niyo ang lugar na'to, may privacy naman siguro ako. At anong nangyari sa you should know your place at ngayon ay naghihingi kayo ng sorry.

Gusto ko sanang isaad rito pero pinigilan ko ang bibig ko. Sabi nga niya diba, don't ever question his doings and commands. Hindi pa nga ako nakakarecover sa napakawild na panaginip ko, ito pa ang nangyari.

"Sige, aalis na ako. Matulog ka na ulit," saad nito at umalis na hindi man lang ako pinagsasalita. Pinakawalan ko ang hanging kanina ko pa pinipigilan.

Shocks! Hindi pa ba matigil-tigil itong kawerduhang nangyayari sa akin ngayon?

Alam kong hindi iyon ang dahilan kong bakit narito ang Primo sa kwarto ko. At isa pa nagisnan ko itong hinahaplos ang pisngi ko kaysa tingnan ang binti ko. Yung pinto ko rin ay nilock ko bago ako natulog kaya nakakasigurado akong gumamit ito ng susi. Kahit gusto ko man mag-isip ng masama rito at matakot sa mga pinag-gagawa nito dahil kahit sino man ang nasa kalagayan ko ay yun ang mararamdaman ay nakapagtataka na wala akong makapang ganung damdamin sa sarili ko. Bagkus ay nakaramdam ako ng safeness sa haplos nito na parang nagsasaad na walang mangyayari sa akin.

Bumalik ako sa pagkahiga. Hinawakan ko ang pisnging hinaplos nito kanina. Ramdam ko parin ang init ng kamay nito. Bumalik rin sa isip ko ang nangyaring panaginip. Nakakasigurado akong kapareho ito sa panaginip ko kagabi kaya lang ay hindi na ako ang nanonood kundi ako na mismo ang babae. Hindi ko parin makita ang mukha ng lalake kahit ang lapit-lapit na nito sa akin. And for goodness sake it's a very very intimate dream or shall I say a one hell wet dream.

Inaantok akong nagbubungkal ng lupa. Hindi na kasi ako nakabalik sa pagtulog kagabi. Nagtatanim ako ngayon ng mga rosas na bulaklak. Marami narin akong naitanim at sana mabilis itong mamulaklak. Medyo akward ang naging sitwasyon namin kanina ng Primo, o ako lang ba ang nakaramdam nun. Hindi rin ako nito tinatapunan ng tingin at para lang akong hanging hindi niya nakikita. Hindi rin ito umalis ngayong araw.

Hindi ko talaga makuha ang pag-uugali nito, paiba-iba naman kasi. Merong minsan kung makatitig tagos hanggang kaluluwa ko pero minsan hindi ako nakikita kagaya na lang kanina. Ang nakita ko pa lang na emosyon rito ay galit, takot at pag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang maghangad na may makita pa rito lalong-lalo na ang ngiti nito.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon