Chapter 19: Open

69.9K 1.6K 90
                                    

Open is to move (a door, window, etc.) so that an opening is no longer covered.

*****

Chapter 19

"Wear this." Inabot nito sa akin ang isang leather jacket.

"D-diyan tayo sasakay?" I nervously asked. Nakamata lang ako sa itim na Harley Davidson sa aking harapan. I never rode a motorcycle in my whole life, let alone motorbike.

"Yup," tipid nitong sagot. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at pagkatapos inipit ang ilang hibla ng buhok sa aking tenga bago sinuot nito ang helmet sa akin. "Wait a sec, may tatawagan lang ako."

Tumalikod ito para makatawag. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin. Ito kasi ang inutos niya sa akin na sasamahan ko raw siya sa pupuntahan niya. And I think it will be only the two of us. Himala at hindi nito sinama si Nate. Nasa basement kami ngayon ng Silvestri Empire building, ang kompanyang pagmamay-ari ni Rave. It's 50 storeys building and of course the last floor was the penthouse.

"Make sure we will be safe." Rinig kong huling sinabi ni Rave sa kausap bago nito pinatay ang cellphone. Kinuha nito ang isa pang helmet sa ibabaw ng motorbike at isinuot, pagkatapos ay umangkas doon at sinimulang paandarin. "Hop in," utos nito sa akin.

Alanganin akong umangkas dahil suot ko parin ang summer dress at ballet shoes. Hindi ko naman kasi alam na ito ang aming sasakyan kaya hindi na ako nakapagbihis na mas appropriate sa ganitong sasakyan. Naisuot ko na rin ang leather jacket na ibinigay nito at naaamoy ko roon ang amoy nito. While him, still wearing his jeans and a black t-shirt. Ang buhok nito ay medyo magulo na parang kakagising lang mula sa pagkakatulog. He looks more devishly handsome with his hair now than his usual prim and proper hair style.

Ngayon ko lang napansin na may pagkabadboy image pala ito at mas nakadagdag pa ng angas ang peklat nito sa mukha. Nang makaangkas na ako ay hindi ko naman alam kung saan ko ikakapit ang mga kamay ko. Nagdesisyon ako na kumapit na lang sa hulihang bahagi ng motorbike.

"Give me your hands."

"Ha?"

"I said give me your hands," ulit na sabi nito. Nalilitong iniabot ko rito ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng ipinulupot nito ang mga braso ko sa baywang nito. "Hold on tight if you don't want to fall," saad nito bago pinasibat ang sasakyan.

Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Ito yung amoy na hindi mo pagsasawaang amuyin. Ramdam ko rin sa mga palad ko ang matigas na tiyan nito. Malaki nga ang pagpipigil ko na huwag haplusin ang katawan nito.

Gosh! Nagiging manyak na yata ako!

Mga isang oras rin ang ginawa naming byahe bago kami huminto. Mabuti na lang at hapon na kaya hindi masyadong mainit. Luminga-linga ako sa paligid pero puro mga makakapal na damo at kakahuyan lang ang aking nakita. "Nandito na tayo?" Bumaba na rin ako mula sa pagkakasampa.

"Yes." Hinubad nito ang suot na helmet at pinaraanan ng mga daliri nito ang buhok nito na parang endorser lang ng shampoo. Bumaba narin ito at inabot ang helmet ko para alisin.

"Salamat." Inayos ko rin ang nagbuhol-buhol kong buhok. Habang ginagawa ko yun ay napansin kong nakatingin ito sa bandang leeg ko. May naglalarong ngiti sa mga labi nito na parang gustong-gusto ang nakikita.

Darn! The hickey!

Mabilis ko itong tinabunan ng buhok ko. Tumawa ito na ikinapula ko pa lalo.

Wait! Tama ba ako sa nakita kong tumatawa ito.

Tinignan ko ito uli at tama nga ako na tumatawa ito. And god! Hindi nga ako nagkakamali, mas gwapo ito pag tumatawa. "Let's go. May ipapakita ako sayo," sabay hawak nito sa kamay ko.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now