Chapter 33: Catch

37.7K 1K 38
                                    

Catch is to take hold of, especially forcibly or suddenly; grasp.

*****

Chapter 33

"Krish, sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Kung gusto mo ay sasamahan na lang kita," nag-aalalang saad ng papa ko.

"Pa, sabi ko naman sayo na huwag na po kayong mag-alala. Okey lang po ako, kaya ko na po ang sarili ko." Sa hindi malamang dahilan ay ayaw kong may makaalam sa lugar na pupuntahan ko kahit na kay papa.

Pinagpaalam ko na gusto kung maglibot sa dati kong paaralan baka sakaling may maalala ako. "At pa, huwag mong kalimutang sabihan si Rave tungkol sa mga nakapalibot niyang mga bodyguards na kung maari ay hanggang gate lang sila ng WU. I want to be left alone even just for now."

Hanggang ngayon kasi ay may mga nakasunod paring mga tauhan niya para bantayan kami. Kahit hindi naman namin sila nakikita ay alam kong nasa paligid lang sila.

Tatlong araw na ang lumipas mula ng tawagan ako ni Rave at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap ulit.

Hiniram ko muna ang kotse ng kapatid ko na akala kong ibinenta na niya ng tuluyan para matulungan akong makabayad sa kunwaring utang namin. Muntik ko ng kutusan ang kapatid ko ng malaman kong kasabwat rin pala siya sa plano ng papa ko.

Mga ilang minuto ang tinakbo ko bago marating ang Westfield University. Dito sa univerity na ito una kaming nagtagpo ni Rave.

Nilapitan ko ang guard na nakabantay sa may gate sabay lahad sa kanya ng alumni id ko kaya deretso akong nakapasok.

Linggo ngayon kaya hindi ganoon katao sa loob ng university. Dalawang taon na rin ang lumipas ng huli kong tapak sa WU. Sa dalawang taon na yun ay marami na ang pinagbago ng paaralan, katulad na lang sa bagong tayong gusali na noo'y bakanteng lote lamang.

Tinahak ko ang daan papunta sa Arts building. Nandoon kasi ang daan sa lugar na pupuntahan ko. Kahapon kasi habang hinahalukay ko naman ang box na puno ng mga mahahalagang gamit ko ay nakita ko ang isang larawan ng mama ko at ng kanyang bestfriend noong nasa kolehiyo pa lang sila.

Ng ibabalik ko na sana sa loob ng kahon ay napansin kong may nakasulat sa likod ng picture. It's a direction to their secret place.

May maikling note rin doong nakalagay na naka-adress pa sa akin na nagsasaad na huwag ko raw ipagsabi sa iba.

Ang huling natatandaan ko kasi ng magising ako mula sa coma ay pagpasok ko para sa unang araw ng klase sa Westfield University.

Pinaniwala agad nila ako na nabundol ako ng sasakyan habang naglalakad ako patungo sa WU kaya na-coma ako ng halos apat na buwan. Syempre, isang buwan lang ako na-coma. Dahil matalik na kaibigan ni papa ang doktor kaya nakumbinsi niya itong magsinungaling at itago ang katotohanan.

I don't know also how my father able to pulled some string for the school to acted as if it's my first to attend classes.

At dahil sa wala akong matandaan tungkol kay Rave kaya napadali ang paglayo niya sa akin dahil hindi na kailangan ng mga magulang kong magpaliwanag pa sa akin.

Palinga-linga ako sa buong paligid dahil medyo namiss ko rin ang pumasok rito kaya hindi ko namalayan ang pagbunggo ko sa matigas na pader, este likod pala.

"Sorry po!" agad kong paghingi ng paumanhin.

"Krishna?" anas ng isang baritonong tinig.

Nag-angat ako ng tingin. "Sir LED!" masaya kong saad. Ang dating PE teacher ko pala ang nabangga ko. "Ikaw pala. Pasensya na po at nabangga ko po kayo."

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now