Chapter 4: Dangerous

85.2K 1.8K 53
                                    

Dangerous is being able or likely to do harm.

*****

Chapter 4

Mga huni ng ibon ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tumatagos ang liwanag ng araw sa maliit na siwang ng kurtina. Napabalikwas ako at kinapa ang relong nasa mesang katabi ng kama. Napabuga ako ng hangin na wala pa sa alas sais ang oras.

Bumangon ako sa aking higaan at tinungo ang bintana. Nilakihan ko ang awang ng kurtina at kumalat ang liwanag sa buong kwarto ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang pang-umagang hangin. Napaka-presko nito, ibang-iba talaga ang hangin sa probinsya kaysa Maynila. Sayang lang at hindi ko nakita ang pagsikat ng araw.

Sinuyod ko ang paningin sa kapaligiran. Walang katapusang kagubatan at mga matatayog na bundok sa kalayuan ang makikita mo. Nagmumukha ngang isang palasyo sa isang masukal na gubat ang mansyon na'to.

Dinungaw ko ang ibaba at napag-alaman na nasa mataas na bahagi pala itong kwarto ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa na natrap sa isang tore.

Tatlong beses na katok ang nagpabaling sa akin sa pinto. Dali-dali ko itong binuksan.

"Gusto ka nang maka-usap ng mayordoma," saad sa akin ng babae kagabi.

"Mag-aayos lang ako sandali," sabi ko.

"Hihintayin kita dito sa labas," sagot niya. Kaya nagmadali akong nag-ayos at nagbihis at ng matapos ay agad kaming bumaba.

May pinasukan na naman kaming silid. Pagpasok namin ay nakita ko agad ang nakatayong babae na sa tantiya ko ay nasa late sixty na ang edad. Maputi na ang kanyang buhok na nakapusod. Iba ang kanyang uniporme  kaysa sa babaeng nagdala sa akin rito. Mababakasan mo sa kanyang pagmumukha na isa siyang maoturidad na tao. May salamin siya sa mga mata na nagpapadagdag sa kanyang kaseryosohan.

"Makakalabas ka na Mila," utos niya sa babaeng katulong. Yumuko muna si Mila bago tumalikod. "Umupo ka Miss De Silva at may pag-uusapan tayo," baling niya sa akin.

Umupo ako sa sofa na naroon. Nilibot ko ang paningin, kung hindi ako nagkakamali ay isa itong opisina pero mas maliit ito kumpara doon sa opisina ni Mr. Silvestri. Umupo naman sa katapat kong upuan ang mayordoma. May inilapag siyang isang folder sa center table. "Nasabi na sa akin ng Primo ang tungkol sayo," umpisa niya. Kagaya rin ni Ka Esther at ni Mila ay wala ring emosyon ang mababakas mo sa mukha ng kaharap ko.

"Si Mr. Silvestri po? Tinanggap niya po ba ang alok ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Magiging isa ka sa mga katulong rito sa mansyon at personal maid rin ng Primo. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyong dalawa basta ang sabi niya ay makaka-alis ka lang sa panahong itinakda niya."

Tumango lang ako. Alam kong hindi ako makaka-alis hangat hindi ko pa nababayaran ang utang ng papa ko sa pamamagitan ng paninilbihan ko rito sa mansyon. "Simula ngayon ay Primo na ang itatawag mo sa kanya. Inihatid narin ni Mila ang susuotin mong uniporme. At ang pinaka-importante ay kailangan mong pirmahan itong papel na ito na nagsasaad na pagmamay-ari ka na ng Primo."

Inilahad niya sa akin ang folder na tinanggap ko naman. Binuksan ko ito at unang napansin ko ang malaking bold na mga letra na nakasulat sa pinaka-ibabaw ng papel.

The Primo's Possession

Binasa ko ang nakasulat roon. Isa pala itong kontrata na nagsasaad kung buong puso ba akong pumapayag sa pagiging alipin ko sa mansyon at kung anong mangyayari sa oras na mabali ang nasa kontrata. Hinding-hindi pala ako basta-bastang makakalabas rito. Nagdala tuloy iyon ng takot sa akin. Sa ibang pahina naman ay ang mga hindi at dapat gawin ng isang katulong dito sa loob ng mansyon.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now