Chapter 40: Sleep

14K 368 36
                                    

Sleep is a condition of body and mind such as that which typically recurs for several hours every night, in which the nervous system is relatively inactive, the eyes closed, the postural muscles relaxed, and consciousness practically suspended.

*****

Chapter 40

Walang emosyon naglakad papunta sa amin ang lalake. Lakad palang niya nagsusumigaw na nang hindi mapaliwanag na awra. He walks like a king and emanates authority. He had the same air as Rave. "Who is he?" bulong na tanong ko kay Rave.

"You will know later, Angel." Napako ang tingin ko sa lalaking palapit sa amin. Kahit may maraming grasa ang damit at katawan niya dahil siguro sa pagkukumpuni ng kotse ay hindi maitago ang pagiging magandang lalake niya. He had those aristocratic features. Malalman mo talagang may lahi siyang banyaga. Medyo hawig niya ang mga mata at ilong ni Rave, makasingtangkad lang rin sila.

"May maipaglilingkod ba ako sa inyo?" tanong ng lalake sa amin. Nakasuot siya ng isang navy blue na jumpsuit at baseball cap na baliktad ang pagkakaayos sa kanyang ulo. May piercing rin siya sa kanang tenga. He actually looks a bad boy next door.

"I'm Rave Adrian Silvestri and I am sure you know about me. I need to talk to you Mr. Eldridge Li Fonti," walang paligoy-ligoy na saad ni Rave.

Umigting ang mga panga ng lalakeng nasa harap namin. Parang may nakita akong galit na dumaan sa kanyang mga mata bago pa niya maitago sa pamamagitan ng kanyang nakakalukong ngiti. "What brought you here Mr. Silvestri? Hindi ko alam na ganito pala ako kaimportante para puntahan mo ng personal. All I know you are a big time person."

"Why should I not waste my time for you, still you're a fam." Tama nga ako, magkadugo nga sila ni Rave. "The illegitimate son of the former Primo." Napalingon ako kay Rave, gulat ang rumehistro sa aking mukha.

I feel the tension. They staring to each other like a male lion that ready to pounce his victim. Walang gusto magpatalo kaya ako na pumagitna. "Ahm, pwede naman siguro kayo mag-usap nang mahinaon."

Bumaling sa akin ang tingin ni Eldrige. "Secretary?"

Hinapit naman ako sa beywang ni Rave. "My wife." Pinagtaasan niya lang kami ng kilay.

"Tonyo!" tawag niya sa lalakeng unang kumausap sa amin.

Agad naman lumapit ang lalaking nasa late thirties na yata na kanina pa nakamasid sa amin sa malayo. "Unsa man boss, naa kay isugo?"

"Ikaw sa bahala dinhi. Naa lang mi istoryahan sa opisina," saad niya sa kanilang dialect.

"Areglado boss."

"Sumunod kayo." Pumasok kami sa isang kwartong hindi kalayuan sa shop. Maliit lamang ito pero malinis naman. Isang office table, swivel chair at dalawang upuan na para yata sa bisita or customer na nakaharap sa mesa ang laman ng kwarto. May dalawang file cabinet rin sa gilid.

I think this is his office.

"Upo kayo," alok niya sa amin. Agad naman akong umupo pero si Rave ay nakatayo parin. Hindi yata sanay na siya naka-upo sa visitor's chair. Kaya hinila ko na lang siya at pinandilatan ng mata.

Napabuntong-hininga siya bago umupo. Crossing his leg and straightening his back showing the person in front of us that he still powerful even this is not his territory. Habang ang isa naman ay nakasandig lang sa kanyang inuupuan at nakapatong ang dalawang paa sa mesa. Not intimidated a little bit.

"Nandito rin ba si Miss Emma?" panimulang tanong ni Rave.

"Matagal na siyang patay. High school ako nang pumanaw ang mamma dahil sa cancer. I thought you knew that part of my life. Hindi yata magaling ang mga investigator mo Mr. Silvestri," may panguuyam na saad niya sa amin habang may pinapaikot na ballpen sa kanang kamay niya. I can sense na hindi niya gusto ang biglang pagbisita namin sa kanya.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now