Chapter 25

176 7 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Lahat sila ngayon ay seryosong nakikinig sa akin, mabuti na lamang ay nakaalis muna si mama dahil may bibilhin lang daw siya sa labas ng ospital.

"I don't get what you're saying-- sabi naman ng doctor wala ka raw komplikasyon--"

"Wala akong sakit, Roy." Pagpuputol ko sa kaniya, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha niya. Dahil sa pinapakita nila mas lalo akong nahihirapang sabihin ang katotohanan.

"A-ayun naman pala, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." He nervously laughed. Napahawak naman ako sa kumot ko ngayon.

"Oo nga Vana, may hindi ba kami nababalitaan?" Sunod na pagtatanong ni Zaffina sa akin, napatingin naman ako sa kaniya bakas din sa mukha niyang nag aalala siya.

"Maniniwala ba kayo ngayon kung sasabihin kong hindi talaga ako nabibilang sa mundo niyo?" Napayuko ako habang sinasabi ang mga salitang ito. Napansin kong napakunot sila ng noo at tila'y parang may naalala sila.

"Dahil ba sa nangyari sa Baguio? That's what Anastacia said to you wasn't it?" Nagulat ako nang nakaramdam ako ng galit sa boses ni Roy. Ngayon ko palang siya nakikitang maging ganito, bihira lang kasi siya magpakita ng grabeng emosyon. Madalas ay wala siyang pakielam sa bagay bagay lalo na kapag wala siyang kinalaman doon.

"She dropped from school, also balak din ni Finn na kasuhan si Anastacia. Pinigilan lang namin siya, since we saw that she already suffered enough." Mapayapang sabi ni Damien, naalala ko tuloy ang nangyari sa akin sa Baguio. I don't blame her kung nakakaramdam siya ng negatibong emosyon sa akin. Baka may dahilan din siya kung bakit niya nagawa sa akin 'yon, pero hindi pa rin 'yon valid para gawin niya sa akin 'yon.

"She's suffering from depression daw." Idiniin ni Finn ang salitang daw na may halong sarkismo sa kaniyang boses.

"I don't care about her, gusto kong marinig kung ano ang sinasabi mo kanina." Biglang sabi ni Roy na ngayon ay nakahalukipkip na parang magulang ko na pinapagalitan ako dahil may ginawa akong katarantaduhan.

Napalunok naman ako dahil baka kapag sinabi ko sa kanila ang kwento ko baka pagtawanan o sabihin lang nilang nababaliw ako. Pero sa huli, nilunon ko ang mga iniisip ko at nagtiwala sa kanilang maniniwala sila sa sasabihin ko.

Habang kinukwento ko lahat samu't-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. May nagtataka, may nalilito, may nanlulungkot, at higit sa lahat may umiiyak. Nang nakita kong tumulo ang luha ni Zaffina, doon ko nalaman na tama ako ng desisyon na pagkatiwalaan sila at sabihin ang kwento ko.

Nang masabi ko na ang lahat nanaig ang katahimikan at ni isa sa amin ay walang nagsasalita, nagpakawala ako ng hininga. Bago ako yumuko may biglang yumakap sa akin ng napakahigpit, at umiiyak. "Hindi ko akalain na ganyan pala ang dinadanas mo, ang hirap hirap pala." Saad ni Zaffina sa akin habang tumatangis. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat at hindi ko na rin napigilang umiyak at yumakap pabalik kay Zaffina.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon