Chapter 26

174 6 0
                                    

***Mahigpit kong hinawakan ang tinidor habang nakatitig sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Mahigpit kong hinawakan ang tinidor habang nakatitig sa kaniya. Nagbabakasakali akong sabihin kay Jackson, pero dahil sa sinabi niya parang gusto ko sabihin sa kaniya ang buong katotohanan. Maiintindihan niya kaya ako? O baka maisip niya na puro ako kahibangan at nabaliw na.

"H-hindi ba magbabago ang pag tingin mo sa akin?" Sabi ko sa kaniya, agad naman siyang nagulat sa sinabi ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang narealize ko parang may iba pang ibig sabihin ang sinabi ko.

"A-ang ibig kong sabihin, hindi ba magbabago ang pagkakaibigan natin?" Paglilinaw ko sa kaniya. "Natatakot ako na baka kapag sinabi ko ang buong katotohanan ay magkaroon ng lamat ang ating pinagsamahan." Saad ko pa, hindi ko makain ang tiramisu cake ko dahil sa ganitong pag-uusap namin.

"I'll try my best to understand your situation. However, I can't promise you that my perception about you won't change after this." Sagot niya sa akin at napayuko na lamang na parang ayaw niya ako tingnan sa aking mga mata. Nasasaktan ako sa sinabi niya na may halong pagkabog ng puso ko.

Nagpakawala ako ng hangin at tumingin sa kaniya nang deretso, hindi ko naman matatakbuhan ang katotohanan. Lalabas at lalabas ang katotohanan sa kanila. Kinain ko lahat ng takot at pangangamba ko sa aking sarili at nagsimula nang magsalita at magkwento sa kaniya. Simula una ng aking istorya hanggang nasa kung saan na kami ngayon.

Nakikinig lang sa akin si Jackson na walang bahid ng kahit emosyon sa kaniyang mukha. Hindi ko tuloy alam ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Nang matapos ang aking kwento nanaig sa amin ang katahimikan tila ang pagkabog nalang ng aking puso ang namamayagpag sa aking tenga. Nakakaramdam ako ng kaba at inihahanda na rin ang aking sarili sa kaniyang sasabihin.

Hindi ako makatingin muli sa mata niya, hindi rin ako makakain nakatitig lang ako sa cake na kaharap ko.

Bumuntong hininga siya "Ang ibigsabihin pala ay mas matanda ka sa amin ngayon lahat? You're a young adult in your world, and you transported here-- and our world is parallel to yours? Nakita mo rin kami sa sarili mong mundo pero hindi ka namin kilala." Sabi niya at tumango nalang ako sa kaniyang sinabi.

"Where is the proof? May pruweba ka ba na makapagsasabing tunay nga ang sinasabi mo?" Pagdagdag niya, sabi ko na nga ba hindi siya tuluyang maniniwala sa akin.

Napabuntong hininga ako "Wala akong maipapakita sa'yong pruweba kundi ay ang aking sarili at ang karanasan lamang. Kung hindi 'yon sapat para mapaniwala ka, naiintindihan ko. Sa aking mundo akala nila baliw ako o dulot lang ng pagkabagok ng ulo ko sa tulay-- Ang hirap na-- na wala kang mapanghawakan na katotohanan. Ang hirap na gusto kong manatili sa mundo niyo pero alam ko hindi ako nabibilang dito." Hindi ko maiwasan na hindi masamid dahil nararamdaman kong maiiyak na naman ako.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin agad ako sa kaniya pero nakayuko lang siya. "You're Ivana Javier, kaibigan at mahalagang tao para sa amin." Sabi niya at pinisil ang aking kamay. Nakakaramdam na ako ng pagkakabog sa aking puso, ang init ng kamay niya na bumabalot sa akin.

"Even though your experience is one of the most unbelievable story that I ever heard. M-maniniwala ako sa'yo." Saad niya pang muli habang hindi binibitawan ang kamay ko. Dahil sa mga sinabi niya parang gusto ko siyang yakapin at umiyak. Parang ang laking bagay na ibinigay niya sa akin ang tiwala niya kahit wala akong sapat na pruweba sa kaniya.

Maikli man ang panahon ko rito para sa kanila, gusto ko sanang manalangin ngayon sa Diyos na sana dito na lamang ako sa mundo nila.

"Tutulungan kita." Sabi ni Jackson sa akin at napatingin naman ako sa kaniya.

"I'll help you to find out the truth, kung bakit nagiging ganito ang nangyari sa'yo." Seryosong saad sa akin ni Jackson.

"P-paano?" Pagtatanong ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya at tila ba na parang siya ay naghahanap rin ng kasagutan sa aking tanong.

Nang sinabi niya 'yon, agad na pumasok sa isip ko si Adrien. Kailangan kong makausap at makita si Adrien dahil siya lang ang may nakakaalam sa mga ganitong bagay.

Pero paano? Paano ko siya hahagilapin?

Napagtanto ko na sa aking mundo nakilala ko si Adrien dahil naging kaklase ko siya noong high school.

***

Dumaan ang ilang linggo, hindi pa rin ako bumabalik sa aking mundo. Nagtataka ako bakit hindi pa rin ako bumabalik, nakita na kaya ni Roy ang katawan ko? Baka may mangyaring masama sa akin.

"Sigurado ka ba, anak? Kaya mong mag-aral? Ayaw mo bang i-home school ka nalang namin? Nakaipon naman ng sapat na pera ang papa mo." Pag-aalalang tanong sa akin ni mama, pero ngumiti lang ako sa kaniya.

"Oo ma, desidido akong mag-aral muli sa paaralan ng mga kaibigan ko. Confident din ako na kunin ang acceleration exam sa paaralan nila para makasama ko sila sa kaparehas na baitang." Sagot ko kay mama, hiniling at nagmakaawa ako kila mama at papa na paaralin ulit ako sa paaralan nila Roy. Sa ganitong pagkakataon, baka makilala ko si Adrien dito.

"Huwag ka masiyadong magpakapagod anak, i-text mo ako kapag tapos kana sa exam mo susunduin ka namin ha?" Sabi ni mama sa akin at saka ko siya niyakap nang mahigpit. Sobrang namiss ko ang yakap ni mama, iba pa rin talaga kapag niyakap ka ng isang mainit na pagmamahal ng isang nanay.

Nang makarating na ako sa school ng mga kaibigan ko, ibang iba ito sa pinapasukan namin noong elementary palang kami. Isa itong malaking pribadong paaralan, para akong nanliliit nang tiningala ko ang mga naglalakihang buildings dito. Para akong nasa unibersidad.

Hindi ko sinabi kila Dashiell o Jackson na nandito ako, gusto ko sana silang sopresahin na makakasama ko muli sila, pero hindi ko alam kung hanggang kailan.

Nang pumasok na ako sa examination room, agad na bumungad sa akin ang mga estudyanteng kumukuha rin ng mga exam. Agad kong naramdaman ang malamig na aircon, tanging lapis at pambura lang ang dala ko. Kinakabahan ako, pero sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil confident naman akong maipapasa ko ang exam.

Nang umupo na ako sa bandang dulo ng room, pumasok na rin ang mga iilang estudyante kasama na rin ang proctor. Lumipas ang ilang minuto diniscuss na rin ng proctor ang mga patakaran habang mag e-exam.

Nang ilalabas ko na ang aking lapis may biglang kumalabit sa likuran ko. "Ate, may extra lapis ka pa?" Sabi niya at saka ko siya nilingon.

Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking bumungad ngayon sa akin. Naka t-shirt siya na puti, nakapantalon at nakaputing sneakers. Ganito ang paboritong suot dati ni Adrien noong nasa high school kami.

Bumungad sa akin ang binatang Adrien Calix, parang ang nostalgic niyang pagmasdan. Parang bumalik ang mga alaala ko noong high school at kung paano ako magkagusto at maduwag kapag kasama ko siya.

"Ate? Bawal po ba? Sayang naman." Sabi niya at napakamot sa kaniyang batok. Iaabot ko na sana ang extra kong lapis na may tasa nang bigla siyang inabutan ng babae na katabi niya.

"Here, you can use mine." Saad ng babae at kumindat pa kay Adrien, ngumiti nalang ang binata at nagpasalamat. Napahigpit ang hawak ko sa lapis at itinuon nalang ang sarili ko sa exam.

Marami pa akong nais matuklasan, nais maipahiwatig at nais magawa na hindi ko nagawa sa aking mundo. Kailangan ko malaman ang katotohanan bakit nandito ako sa mundong ito na katulad sa aking mundo, ngunit magkaiba ang takbo ng buhay.

Sa pamamagitan ng pagsusulit na ito ay ang magiging unang hakbang ko sa pagtuklas ko sa mundong ito.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon