Chapter 13

203 8 0
                                    

***Habang nag t-trivia ngayon ang tour guide namin nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Habang nag t-trivia ngayon ang tour guide namin nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin. Ganoon na rin si Jackson habang nakapasak ang earphones niya sa tenga.

Nang sinabi na ng tour guide namin na pwede ng bumaba para sa lunch, ay agad na kaming bumaba na magkakaibigan. Nagutom din kasi kami kakagala kanina, excited na rin ako matikman ang mga pagkain dito sa Baguio. Nakakaexcite rin kasi maranasan mo ang kultura ng iba mong kababayan.

"Kain tayo pinapaitan!" Pag aaya ni Finn sa amin habang nakaturo sa isang kainan rito sa Baguio. Napakunot naman ng mukha si Zaffina at Roy, halatang hindi pa sila nakakakain ng pinapaitan tulad ko.

"It sounds gross," maarteng sagot ni Roy. Tumango naman si Zaffina sa sinabi niya, first time nilang sumang ayon sa isa't-isa ah?

"Stop being judgemental! I swear it's delicious! Remember Aunt Teresita? Ilokana siya and she lives near Baguio! Siya lang ang unang nakapag patikim sa akin ng pinapaitan." Excited na pagkakasabi ni Finn sa amin, pero halatang hindi pa rin kumbinsido kumain ang dalawang 'to ng pinapaitan. Kaming apat naman nila Damien ay walang problema sa amin.

"Bili na lang tayo Zaffina sa fast food pero dito tayo kumain." Suggestion ni Roy kay Zaffina at agad namang tumango si Zaffina. Umalis na sila kasama si Kuya Zayne papuntang fast food sa tabi. Parang may hindi tama, kailan pa sila naging good terms sa isa't-isa?

"Wow, first time ko lang makita na magkabati ang dalawang 'yon." Sabi ni Damien sa akin na nasa gilid ko ngayon, nag katinginan kami. Parang nababasa namin ang isip ng isa't-isa. Pero nagtawanan nalang kami at lumapit kay Finn.

"It's okay Finn, gusto ko rin naman kumain ng pinapaitan kahit na hindi pa ako nakakatikim non." Hinagod ko ang likod ni Finn na ngayon ay naka pout, tumingin siya sa akin na nagniningning ang mga mata.

"Ang bait talaga ni Ivana namin!" Nagulat ako nang niyakap niya ako bigla, naamoy ko ang pabango niya na amoy na parang sariwang hangin. Ang bango, bagay na bagay kay Finn ang pabango niya.

Napabitaw naman si Finn sa pagkakayakap sa akin nang narinig namin na tumunog ang sikmura ko, nag sitawanan naman kaming lahat. Sumasabay lang ako sa tawanan nila pero nahihiya na talaga ako.

Habang kumakain kami dumating na rin sila Zaffina na may dalang Jollibee at KFC. Ako lang ba? Ako lang ba ang nahihiya sa may ari ng kainan na 'to dahil nagdala sila Zaffina at Roy ng fast food. Parang binabastos namin ang kainan na 'to.

"Mamaya, picture tayo sa labas! May mga sunflowers doon." Pag aaya ni Finn sa amin, pumayag naman kaming lahat. Napagtanto kong first group photo namin 'yon. Napangiti naman ako, ipapadevelop ko 'yon at ilalagay ko sa kwarto ko.

Nang matapos na kaming kumain ay agad kaming pumunta sa mga sunflowers para mag pakuha ng litrato. Syempre, si Kuya Zayne ang kukuha ng litrato namin. Hindi naman kasi naglalabas ng cellphone sila Roy, at kami naman ni Zaffina ay walang cellphone.

"Okay! Tingin sa camera! Uy ngumiti ka naman Jackson at Roy parang umattend kayo ng burol eh." Natawa naman sila Damien at Finn sa sinabi ni Kuya Zayne, 'nung una ayaw pa nilang ngumiti pero napilitan nalang silang dalawa. Bahagyang ngumiti si Jackson, at nakangisi naman si Roy.

"Yan! Ang gagwapo niyo kaya! Show your perfect teeth to kuya--"

"Kuya! Pag 'di ka tumigil d-delete ko pet rescue saga mo!" Pagbabanta ni Zaffina sa kaniyang kapatid.

Matapos kaming kuhanan ni Kuya Zayne dumiretso na rin kami sa bus, nang papasok na kami sa bus bigla akong kinalabit ni Damien. Agad naman akong napatingin sa kaniya, "Alam mo ba sa susunod na destinasyon natin ay 'yung diplomat hotel?" Sabi niya na may halong malamig na boses.

Diplomat hotel? Ang pagkakaalam ko 'yan ang lugar na isa sa mga haunted places sa Pilipinas. Paano naman naging educational tour 'to? Mahina pa naman ako sa mga ganitong bagay.

"Huwag kang mamutla Ivana nandito naman ako eh," nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Finn. Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit na medyo kinakabahan na ako. Nakakapanghinayang naman kasi 'yung binayad ni mama rito sa fieldtrip kapag hindi ako sumama sa diplomat hotel.

Nang sumakay na kami, sinabi agad ng tour guide na pupunta kami sa diplomat hotel. Maraming kinakabahan at naexcite dahil sa nakakatakot na lugar na 'yon. Habang papunta na kami roon nag sasabi ulit ng historical trivia ang tour guide namun tungkol sa lugar na 'yon.

Nang makarating na kami sa tapat ng diplomat hotel, sumalubong sa amin ang makakapal na fog. Ang lamig lamig talaga rito, idagdag mo pa ang nakakatakot na ambiance ng haunted hotel na 'to.

"Walang hihiwalay sa kahit sino mang kaklase okay? Sumunod lang kayo sa akin palagi!" Pag papaalala ng adviser namin, sa hindi ko malaman na dahilan napahawak ako bigla sa sleeves ni Finn.

Nakita kong napangiti naman siya sa akin at nilapitan niya pa ako nang husto, mabuti nalang kasama ko ang mga kaibigan ko.

Mabuti nalang ito na ang huling pupuntahan namin dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod at antok. Naubos siguro ang energy ko nang gumala gala kami nila Zaffina sa burnham park. Mabuti nalang din na sumisikat pa ang araw kung hindi baka 'di talaga ako bababa ng bus.

Nang pumasok na kami sa loob ng diplomat hotel bumungad sa amin ang gloomy ambiance ng lugar, nakakatakot sa loob dahil kahit sikat ang araw madilim pa rin. Habang naglalakad kami nag d-discuss ang tour guide namin tungkol sa lugar na 'to.

Nalaman kong dati pala itong retreat house sa panahon ng mga hapon. Itinayo ito ng mga Dominicano at tinatawag ito dati na Dominican Hill. Kaso nang sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig maraming pinatay sa lugar na 'to, kabilang ang mga pari at madre. Nang masira ang lugar na 'to ginawa siyang Diplomat hotel pero nang namatay ang may ari nito isinara na rin ang hotel.

Maraming kuro-kuro na may mga masasamang espiritu na nagmumulto pa rin dito, dahil sa mga naririnig nilang pag iyak at pagmamakaawa sa lugar na 'to. Teka? Dapat ba talagang mapag aralan 'to ng isang grade 6 student?

Napansin kong parang ako lang ang natatakot dito sa mga kaibigan ko, sila chill chill lang. Nawa'y lahat hindi ba?

Nang nagbabasa ako ng nakalagay na sulatin sa pader, hindi ko namalayan na malayo na pala ang nilalakad ng mga kaklase ko. Nabitawan ko rin ang pagkakahawak ko sa sleeves ni Finn. Kinabahan ako pero alam ko naman kung saan sila nagtungo.

Nang patakbo na ako sa kinaroroonan ng mga kaklase ko may biglang tumulak sa akin pagilid. Ang bilis ng pangyayari, nalock ako sa isang kwarto rito. Ang dilim, nakakatakot hindi ko alam ang gagawin ko.

Sinong tumulak sa akin? May kasama ba ako kanina?

Pinilit kong buksan ang pinto pero nakalock agad siya, agad ko namang pinagtutulak at pinagsusuntok ang pinto at baka sakaling makalabas ako. Pero hindi, dumugo lang ang kamay ko at sa tingin ko nainjured pa ata ako.

Nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko dahil natatakot na talaga ako, wala akong kasama rito. Tanginang katahimikan at kadiliman lang ang pumapaligid sa akin. Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero wala atang makarinig sa akin.

Roy, Jackson, Zaffina, Finn, Damien, Kuya Zayne? Nasaan na kayo? Tulungan niyo naman ako.

Hindi ko na mapigilang hindi umiyak, natatakot ako na mag-isa sa madilim na lugar na 'to. Ang lamig lamig, nakakatakot.

"Tulungan niyo ako,"

Ayan ang huling nasabi ko nang biglang dumilim ang paningin ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang malamig na sahig dito sa kwarto.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon