Chapter 8

235 11 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Dumating na ang araw na pinagkakaguluhan ng mga babae at lalaki rito sa skwelahan. Ang mga babae ay excited at kinakabahan dahil nag aabang sila kung sino ang magbibigay sa kanila ng regalo, at sino ang pabibigyan. Ganoon din sa lalaki, pero ako okay lang sa akin na kahit wala. Hindi naman talaga ako nakakatanggap dati kahit 'nung high school pa.

At saka nasa elementarya palang naman kami paniguradong puro crush crush palang ang mga batang 'to. Minsan napagtatanto ko na parang bumalik din ang isip ko sa pagkabata, pero nanatili ang mentalidad ko sa pagiging 26 years old. Sa madaling salita, matured akong mag isip pero ang pananaw ko ay isang pananaw ng bata.

"Ivana! May ibibigay ako sa'yo!"

Nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Finn sa classroom, napatingin naman ang mga kaklase ko sa kaniya. Napansin ni Finn na pinagtitinginan kami kaya marahan niya akong itinulak palabas ng classroom kasama siya.

"Ano 'yon Finn?" Pagtatanong ko sa kaniya bigla naman siyang ngumiti ng matamis sa akin at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Naramdaman kong may nilagay siya sa kamay ko, nagulat at nagtaka ako kung ano ang inilagay sa akin ni Finn. Pag tapos niyang ilagay sa kamay ko bumungad sa akin ang isang bracelet na may pendant na doraemon. Sa sobrang tuwa ko napatakip ako ng bibig.

"Salamat Finn! Ang ganda nito!" Pagpapasalamat ko sa kaniya, sa buong buhay ko si Finn palang ang unang nakakapag bigay sa akin ng regalo na hindi ko kamag-anak. Nakakainit ng puso dahil sa simpleng pag bigay niya lang ng bracelet, ang sarap sa pakiramdam.

"First time ko lang mabigyan ng ganito, salamat talaga Finn." Pagpapasalamat kong muli sa kaniya, nakita kong ngumiti siya sa akin. "First time ko rin makakilala ng mahilig sa doraemon, katulad ko." Sambit niya, hindi man kalaliman ang sinabi niya napagtanto kong walang mababaw na bagay kapag paboritong bagay mo na ang usapan.

"Pasensya kana Finn, wala akong maibibigay sa'yo. Hindi kasi kasya ang baon--"

"Okay lang, naiintindihan ko 'yon. Maayos na sa akin na masaya ka sa regalo ko sa'yo." Pagpuputol niya sa sasabihin ko, nakakahiya man sa kaniya dahil napakadaming nag bigay sa kaniya ng regalo pero ako na kaibigan niya wala akong naibigay.

"Ano 'yan?"

Napatalon ako sa biglang sumingit sa aming dalawa ni Finn, si Zaffina pala 'to. Nagkatinginan bigla ang dalawa, saka tumingin si Zaffina sa kamay ko. "Regalo mo 'tong bracelet kay Ivana?" Pagtatanong ni Zaffina kay Finn, tumango lamang si Finn kay Zaffina.

Nagulat ako nang hinawakan ni Sam ang kamay ko, napansin kong may isinusuot din siya sa kamay ko. "A-ano 'yan Zaff?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Hindi ako sinagot ni Zaff, nang tapos na niyang ikabit ang bracelet sa kamay ko nakita kong  may pendat ito na nakalagay na letter "Z", napatingin naman ako kay Zaffina at itinaas niya rin ang kamay niya at iniharap sa akin. May bracelet din siya na katulad sa'kin at may pendat itong letter "I".

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon