Chapter 43

72 4 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Balot na balot nang katahimikan ang buong kwarto, mataimtim na nakamatyag si Zaffina at Roy sa mapayapang kumakain na si Adrien. "Ang sarap ng cake niyo rito, ha!" Masiyahin niyang saad habang kumakain ng tiramisu cake.

"It's not even for you" Sagot ni Zaffina habang tumataas ang kaniyang mga mata.

"Really? Bakit sabi mo ay tawagan niyo ako?" Natatawang pagtatanong ni Adrien habang lumulunok ng kinakain.

"We want to negotiate with you" Seryosong singit ni Finn sa usapan, agad na napatingin sa kaniya si Adrien at hinintay na maubos muna ang kaniyang nginunguya.

"About?"

"About Ivana, we want her to stay with us."

"Hindi pwede"

Agad kaming napakunot ng noo sa kaniyang sagot. "Bakit hindi?" Pagtatanong ni Damien.

"Hiniram niyo lang si Ivana sa ibang mundo, hindi siya taga rito. Kapag nanatili siya rito magkakagulo ang kaniyang mundo." Sagot sa amin ni Adrien.

Paano magkakagulo ang aming mundo kung hindi naman mahalaga ang presensya ko sa sarili kong mundo?

"Hindi ako mahalaga sa mundo namin." Agad na napatingin sila sa akin na para bang nangungusap ang kanilang mga mata at nagtataka bakit ko iyon nasabi.

"Really? Hindi mo pa ba kaibigan itong mga 'to sa mundo mo?" Pagtatanong sa akin ni Adrien.

Agad akong napailing "Hindi nila ako tinuturing kaibigan, ayaw nila sa presensya ko." Sagot ko na agad namang lalong nagpakita ng pagbabahal ang kanilang mga mukha. "Impossible..." Saad ni Zaffina.

"Walang impossible sa alternatibong panahon, dahil lahat ng mga posibleng mangyari ay nangyayari." Sagot ni Adrien sa amin.

"Sabagay, walang nangyayaring maganda sa'yo sa mundong iyon. Kaya nung nakatikim at nakaramdam kana ng pagmamahal sa mundong ito ayaw mo na bumalik sa mundo mo." Natatawang saad ni Adrien na dahilan naman para mapasama ng tingin sa kaniya sila Jackson at Roy.

"Anong nakakatawa?" Pagtatanong ni Roy kay Adrien "Ha? Hindi ba nakakatawa how pathetic her life is? Grabe, ano bang ginawa mo sa nakaraang buhay mo at grabe ang pagsaklob ng langit at lupa sa'yo." Ang hirap pa rin tanggapin na ang lalaking ito ay ang unang unang lalaking napusuan ko sa buong buhay ko, ang hirap tanggapin na ginagamit nitong demonyong ito ang itsura at boses ng aking pinakamalapit na kaibigan sa mundo ko.

Ang sakit lang marinig sa kaniya iyon.

Lahat pala ng pagsasama namin sa buong buhay ko ay hindi tunay, ang kaisa isa kong tinuring na kaibigan ay hindi rin tunay. Ang kauna unahang lalaking nagustuhan ko ay hindi rin tunay.

May katotoohanan pa ba sa buhay ko?

"Gusto niyo bang malaman kung anong buhay ni Ivana sa mundo niya?" Saad ni Adrien na may halong tawa habang kumakain ng pagkain sa mesa. "Buong buhay niyan puro kalungkutan at kapighatian lang ang nilalaman, walang kaibigan, walang kasintahan at kahit ano. Grabe hindi ba?" Natatawang pagkwento ni Adrien sa amin.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon