Chapter 29

169 7 0
                                    

***Nanaig ang katahimikan habang nakaupo kami ni Roy sa sasakyan niya na pinapatakbo ng kaniyang driver

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Nanaig ang katahimikan habang nakaupo kami ni Roy sa sasakyan niya na pinapatakbo ng kaniyang driver. Magkatabi kami ni Roy sa likod na upuan, nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang ako ay ganoon din. Narinig ko siyang nagpakawala ng hininga.

"So, Ms. Ivana Javier I ask you to tell me the whole truth." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana at hindi ako hinaharap. Nanlaki naman ang mga mata ko, may alam na ba si Roy? Sinabi ba ni Jackson tungkol sa pinag usapan namin?

"Sinabi ko na sa inyo hindi ba?" Hindi ko alam bakit ako labis na kinakabahan, kaibigan ko naman itong kaharap at kausap ko ngayon.

"Really? Then why I saw you with Jackson from the other day? Kayong dalawa lang ang magkasama sa bahay niyo." Sabi ni Roy habang nakahalukipkip ulit. Bakit parang batang nagtatampo na naman siya? At bakit naman ako nakakaramdam ng konsensiya dahil hindi ko sinabi sa kaniya?!

"Kasama ko ang parents ko that time, hindi ko rin alam bakit siya pumunta ng bahay namin. Pero paano mo nalaman?" Nakakunot na noong tanong  ko sa kaniya, agad siyang napatingin sa akin at umubo ng kaunti. "Pupunta rin sana ako sa inyo para kumustahin ang lagay mo nasa labas na ako ng gate niyo, pero hindi na ako tumuloy." Sabi niya at napatingin muli sa labas ng bintana.

"Bakit hindi ka tumuloy? Sayang may cake pa naman na dala si Jackson--"

"He even got a damn cake?!" Sabi niya at nagulat naman kami parehas ng driver dahil sa sinabi niya. Bakit napataas bigla ang tono niya?

Ito ba ang katotohanan na gusto niyang marinig? Hindi 'yung naiisip ko?

Umubo muli siya, may sakit ba siya? "I mean hindi kasi siya nagpapasalubong sa amin, he's always cold with us. That's why I'm shocked that he gave you a cake." Sabi niyang muli habang nakatingin sa labas ng bintana.

Akala ko kung anong katotohanan ang nais niyang marinig, handa na akong sabihin sa kaniya ang lahat pero nagkamali pala ako ng iniisip. Kaya nagdadalawang isip na ako kung sasabihin ko pa ba sa kaniya, o hindi na.

"Tila parang nagseselos ka." Sabi ko sa kaniya at nakangisi habang tumatawa. Ang sarap asarin ni Roy dahil sa pinapakita niya.

"Then what if I am?" Nagulat ako sa ibinulong niya sa hangin. Akala niya siguro ay hindi ko narinig ang sinabi niya. Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng kaba ngayon sa tiyan ko. Baka nagkamali lang ako ng pagkakadinig?

"A-anong sinabi mo?"

"B-bakit ako magseselos kako!" Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. "Kasi hindi kita nakita o naimbitahan sa loob ng bahay?" Inosente kong pagtatanong, ayaw kong lagyan ng malisya o kung ano man ang usapan namin ngayon.

Tumingin lang siya akin at umiling iling. Ano na naman ang nasabi ko?

***

"Ito ang pinakapaborito kong cake!" Masigla kong sabi habang nagtuturo ng tiramisu cake ngayon sa isang cake chiller. "Pero wala pala akong pera, bibili nalang ako ng milktea." Sabi ko sa cashier at maglalabas na sana ng wallet.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon