Chapter 12

203 8 0
                                    

***Sa wakas! Nandito na kami sa unang pupuntahan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Sa wakas! Nandito na kami sa unang pupuntahan namin. Nadito na kami sa La Trinidad strawberry fields. Suminghap ulit ako ng sariwang hangin, ang sarap sa pakiramdam.

"Hilig mong suminghot ng hangin ah? Souvenir lang?" Biglang sumulpot sa gilid ko si Roy, natawa naman sila Finn at Damien sa sinabi niya.

"Good morning din sa'yo," sagot ko kay Roy at kumunot ulit ang noo niya, magkakawrinkles agad siya sa lagay na 'yan eh.

Nang nililibot namin ang strawberry fields, namangha naman ako sa mga nakita ko. Dahil first time ko lang makakita na inaani ang strawberry. Madalang lang ako makakain ng strawberry dahil sa kamahalang presyo nila. Nang matapos na kaming mag libot nag kaayaan kaming pumunta sa mga souvenir shop. Malamang, ang puro tinda nila ay tungkol sa strawberry at strawberry jam.

Napatingin kaming lahat nang bumili si Jackson ng tatlong garapon ng strawberry jam. Lumipas ang sampung segundong katahimikan. Tumingin din siya sa amin pabalik, wala siyang sinabi at tumalikod na lang. Mahilig pala si Jackson sa sweets?

Si Jackson lang ang may binili sa aming magkakaibigan at pumanik na rin kami sa bus. Unang stop palang ay may binili na agad si Jackson, baka maubos pera nito.

Nang pumanik na kami sa bus ang sabing susunod na pupuntahan ay burnham park. Lalo akong naexcite dahil isang beses palang ako nakakapunta ng burnham park, bata palang ako noon nung huling punta ko kasama si mama at papa.

Nag bukas na ng snacks sila Zaffina at pinagpasa pasahan nila Finn at Damien, hindi nila binibigyan si Dashiell dahil pinapautos ni Zaffina. As usual, walang pake si Roy. Nang inaalok ko na si Jackson ng cheetos umiling lang siya. Baka hindi siya mahilig sa cheese?

Nang nakarating na kami ng burnham park excited na agad akong bumaba, ayoko na ulit suminghap ng hangin paniguradong aasarin na naman ako ni Roy. Hilig talaga mang asar 'non eh.

Agad akong namangha nang makita ko ang burnham park, ang daming tao! May mga nag b-bisekleta, may mga kumakain ng strawberry taho, at mga nag b-boat riding. Gusto ko tuloy subukan lahat nang 'yan!

Nang makumpleto na kami, napansin kong biglang nawala si Jackson. Agad namang itinuro ni Finn si Jackson na bumibili ng strawberry taho. Ang hilig talaga niya sa strawberry.

Binigyan kami ng dalawang oras ng tour guide para mag libot libot sa park. Inaya agad ako ni Zaffina na mag bike kami, noong una tumutol si Roy pero wala siyang nagawa dahil gusto naming lahat na mag bike.

Kaya pala ayaw sumama ni Roy dahil hindi siya marunong mag bike, tinawanan naman agad siya ni Zaffina habang inaasar. Ayun nag babangayan ulit sila, as usual.

Ngayon naka pedicab kami, si Damien ang nag d-drive ng bisikleta sa amin. Magkatabi kami ni Zaffina, nakita ko naman na tuwang tuwa siya sa nangyayari. Kila Roy naman ay si Jackson ang nag d-drive, kitang kita ko ang nakasimangot na mukha ni Roy. Parang pusa lang na masungit ganon?

Si Kuya Zayne naman nasa bench sa ilalim ng puno at kanina pa dumudutdot sa cellphone niya. Nagulat naman kami ni Zaffina na tinabihan siya ng adviser namin, nagkatinginan tuloy kami ni Zaffina. Parang alam na namin ang nangyayari, pero wala kaming nakikitang reaksyon kay Kuya Zayne dahil sa sobrang busy niya sa kalalaro siguro ng pet rescue saga.

Hindi ko naman masisisi ang adviser namin dahil gwapo naman talaga si Kuya Zayne, boy version lang naman ni Zaffina kapag nag binata.

"Zaffina! 'Yung kuya mo nilalandi na ng adviser natin!" Narinig kong sumigaw si Roy sa kabilang bike habang nakahalukipkip. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zaffina.

"Alam ko, tanga!" Sigaw pabalik ni Zaffina sa kaniya

"15 palang si Kuya Zayne, walang hilig 'yan sa kung sino mang tao. Basta may video games sa harapan niya." Sambit ni Zaffina, kaya pala kalmado pa rin siya kahit may umaaligid na sa kuya niya. Minor palang pala si Kuya Zayne, akala ko nasa college na siya dahil sa height at body built niya. Akala siguro ng adviser namin na nasa college na rin si Kuya Zayne.

Nag libot libot kami sa burnham park habang naka pedicab, hindi ko malilimutan ang mga tawanan at sayang naranasan namin. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang mga kaibigan mo na lumibot sa mga ganitong lugar, parang ayaw ko ng matapos ang sayang nararanasan ko.

Matapos naman naming mag pedicab bumili kami ng mga souvenirs, si Roy bumili ng mga t-shirt na souvenir. Si Jackson naman ay bumili ng pinipig na marami. Si Finn naman binilhan kami ng tig pare-parehong keychain na nakalagay ang mga pangalan namin. Si Damien ay bumili ng dried mangoes. Si Zaffina at Kuya Zayne ay tumitingin pa.

Ako naman ay hindi makabili, tinitipid ko ang binigay na pera sa akin ni mama. Mas mabuting pang kain ko nalang 'to, at emergency money.

Nang tumitingin ako ng mga souvenir nagulat ako nang may biglang nag lagay ng bonet sa ulo ko. Isa itong animal bonet, kulay pink na pusa. Tumingala ako kung sino ang nag bigay sa akin, bumungad si Roy sa harapan ko.

"It suits you," Saad niya at ngumiti sa akin.

Anong nakain nitong si Roy, parang kanina ang lakas mang asar nito ah? Biglang bumait? Sinapian ba siya ng kung anong espiritu sa Baguio?

Ibabalik ko na sana 'yung bonet sa lagayan nang hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ito. "I bought it for you," Sabi niya at saka na siya umalis sa harapan ko. Bakit bigla niya akong binili? Hindi ko hilig ang pink at pusa, pero masasabi kong cute ito. Hindi tuloy ako nakapag pasalamat sa kaniya dahil bigla nalang siya umalis.

Si Roy talaga bigla bigla nalang bumabait nang wala sa oras, nakakapanibago dahil hindi naman siya ganito last year.

Hindi namin napansin na malapit na palang matapos ang dalawang oras na ibinigay sa amin ng tour guide. Agad na kaming tumungo sa bus, habang naglalakad kami hinawakan ni Damien ang bonet na nakalagay sa ulo ko. "Ang cute nito ah? Parehas pala kayo ng hilig ni Roy eh," sambit ni Damien at nginitian ako.

Sasabihin ko sanang hindi ako mahilig sa pink at pusa, pero nginitian ko nalang siya. Mahilig pala si Dashiell sa pink at pusa? Bakit ibinigay niya sa akin 'to?

That would be bothersome hindi ba? Ang babaeng magkakafeelings sa'yo?

Agad na pumasok muli ang dating sinabi sa akin ni Finn, agad akong napailing.

Impossible, siya si Roy Cohen Rameses

Yes, it doesn't mean anything. Walang ibig sabihin ang bonet na 'to.

***
(A/N): Don't forget to vote and comment! That means a lot for the author! Thank you!

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon