Chapter 39

146 6 0
                                    

***Lumipas ang linggo at uuwi na kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
Lumipas ang linggo at uuwi na kami. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba kung bakit parang namatay ang kasiyahang emosyon ngayon sa aming paligid. Hindi na rin lumalapit sa amin si Strawberry dahil nga sa ginawa niya sa akin. Si Jackson naman hindi rin masyadong nag-uusap, hindi ko rin alam kung bakit.

Sa susunod na mga linggo pasukan na ulit, nasa huling baitang na kami sa pagiging high school. Pagtapos non ay tutungtong na kami sa kolehiyo. Ang bilis nga ng panahon, hindi ko akalain.

Nang nag aayos na ako ng mga damit at isinusuksok ko ito sa aking bag, tumabi naman sa akin si Zaffina. "Malapit na ang kaarawan mo Ivana, ah." Sabi niya na may halong matamis na ngiti sa akin at napatango naman ako at ngumiti.

"Malapit na rin tayong tumuntong sa kolehiyo, parang ang bilis ng panahon." Sagot ko sa kaniya at saka naman lumumbay ang kaniyang ngiti. "Saan mo balak mag aral, Ivana? Gusto ko mag kasama pa rin tayo. Wala akong pake sa The Alphas kung saan nila gusto, basta kung nasaan ka doon din ako." Sabi niya sa akin at nagulat naman ako sa mga binitawan niyang salita ngayon.

Sa totoo wala pa akong naiisip na papasukang unibersidad. Hindi ko rin alam kung susubok pa ako, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito. Kaya lang naman ako nag-aaral pa muli dahil gusto ko makasama sila Zaffina at ang The Alphas dahil hindi ko alam ang kasiguraduhan kung hanggang ilang oras nalang ang meron ako na kasama sila.

Hindi rin ako kagalingan sa pag-aaral tulad nila Zaffina na talagang achiever at asset sa aming paaralan. Hindi rin ako kasing yaman nila Roy na kahit anong unibersidad ay kayang pasukan, wala akong pribilehiyo. Wala akong kapangyarihan tulad nila, isa lang akong karaniwang tao. Minsan nga'y napapaisip ako na siguro talagang tama ang sinasabi ni Adrien sa akin.

Hindi ako nabibilang sa mundo nila.

Kahit sa sarili kong reyalidad ay hindi ako nabibilang sa kanila, kaya pala hindi ko sila naging kaibigan. Hindi rin ako naging malapit sa kanila, sadyang hindi ko batid bakit ako napalapit sa kanila ngayon sa reyalidad na ito.

"Hindi ko rin alam Zaffina, baka sa simpleng university nalang siguro." Sagot ko sa kaniya, ang hirap din kasing isipin na hindi ka permanente sa mundo nila. Hindi mo alam kung ipagpapatuloy mo pa ang buhay na itinayo mo rito, kung sa isang iglap kayang kunin sa'yo ito.

"Mag try tayo sa mga unibersidad na walang tuition tulad ng UP at PUP pwede rin ang PNU." Sagot niya sa akin, napangiti naman ako nang malungkot naalala ko noong sinubukan ko rin sa mga ganyang paaralan pero nauwi lang ako sa isang paaralan na hindi kilala dahil hindi ako pumasa sa mga ganyang kagagandang pamantasan.

Pero malamang sa malamang makakapasa si Zaffina, alam ko na ang kinabukasan niya. Isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa babaeng ito. Sana'y ako rin.

"Ano bang balak mong kuhanin na kurso?" Pagtatanong ko sa kaniya "Matagal ko ng binabalak ang BS Biology dahil pangarap kong maging doctor. Pero ayun, wala kaming pera pang paaral sa akin kaya kailangan talaga mag aral ako sa mga public universities." Pagbabahala niya sa sarili niya, hindi niya ba alam na sa reyalidad ko isa na siyang ganap na doctor. Nginitian ko na lamang siya at sinabing "Kayang kaya mo 'yan Dr. Montefalco."

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon