Epilogue

153 7 1
                                    

***"Ivana! Have you seen my shoes?" Isang binatilyo na nagkakanda kumahog ang bumaba sa hagdan na paikot upang hanapin ang kanyang kasambahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"Ivana! Have you seen my shoes?" Isang binatilyo na nagkakanda kumahog ang bumaba sa hagdan na paikot upang hanapin ang kanyang kasambahay. Matapos ang tatlong buwan na paninilbihan ng dalaga sa binata, mas naging maaliwalas ang paligid ng kaniyang bahay at mas umaliwalas ang buhay ng binatilyo.

"Alam ko nailagay mo diyan sa tabi ng banyo pag tapos mong maligo." Sagot ni Ivana habang nagluluto ng kanilang umagahan. Napailing nalang ang dalaga at natatawa dahil pinagmamasdan niya si Roy na maging aligaga dahil papasok na siyang muli sa trabaho.

Matagal nang hindi pumapasok si Roy sa kaniyang trabaho, hinandle muna ito ng kanyang bunsong kapatid na si Kristoffer Gabriel Rameses. Matapos ang dalawang buwan na paninilbihan ni Ivana, isang araw bigla na lamang pumasok sa trabaho ang binatilyo. Isang Hotel Chain CEO si Roy Cohen Rameses na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ama.

Nang malaman ni Ivana na pumapasok nang muli sa trabaho si Roy, agad na natuwa ang dalaga dahil malaking improvement na ito sa buhay ng binatilyo, dahil noon pa man gustong gusto na niyang tulungan si Roy sa kaniyang buhay.

"You never changed, Cohen. You're still careless as ever." Natatawang saad ng isang binatilyo na may berdeng buhok. Inirapan na lamang siya ni Roy habang nagsasapatos. "What's cookin'?" Pagtatanong ni Finn kay Ivana.

"Ipinagluto kita ng favorite mong agahan, tortang talong na may sinangag na kanin at longganisa." Sagot ng dalagita habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi, agad namang nag ningning ang mga mata ni Finn na animo'y isang bata. "Yay! That's my favorite! You're the best Ivana!" Masiyahing sagot ni Finn.

"Finn, shut the hell up! You sound like a child saka that's my breakfast! I thought hindi kana sanay sa pagkaing Pilipino?" Pagtataray ni Roy kay Finn, "It's fine Roy, marami akong niluto dahil alam kong paborito ito ni Finn." Nginitian ni Ivana ang nagsusungit na binatilyo, wala na lamang siyang nagawa at napapalatak.

"You know, Ivana, it was only with you that he became gentle like that. How did you do it? Teach me your ways!" Bulalas ni Finn at mas lalong sinamaan nang tingin ni Roy si Finn dahil mas lalo itong dumadaldal.

"Y'all so noisy in the morning," nagulat ang dalawa nang may biglang lalaking pumasok sa bahay ni Cohen na may malalamig na ekspresyon sa mukha. "Jackson! What are you doing here?" Masiglang bati ni Finn sa kaniya, "Just passing by." Maikling sagot ni Jackson sa kanila.

"Sandali, ipagluluto rin kita Jackson. Ano bang gusto mong agahan?" Kinakabahang tanong ni Ivana sa kaniya, alam kasi ng dalaga na hindi pa sila ganoon kakomportable sa isa't isa. Lalo na't noong nakaraang tatlong buwan, nanumbalik na siya sa sarili niyang reyalidad.

"She's been asleep for almost a month already. The doctor said that her status is fine and there's nothing we should be afraid of. Pero bakit hindi pa rin siya gumigising?" Pag aalalang tanong ni Cohen habang nasa gilid ng dalaga na nakaratay ngayon sa ospital.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon