Chapter 16

198 7 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Tao po!"

"Ivana? Si Adrien 'to!"

Agad akong napatayo sa sofa nang biglang kumatok si Adrien sa labas ng apartment ko. Agad ko naman siya sinalubong na may ngiti sa mukha, ganoon din siya at saka ipinakita sa akin ang dala dala niyang supot ng pagkain.

"I was worried if you're doing okay, so dinalhan kita nitong niluto kong menudo." He sweetly smiled at me, nginitian ko rin siya at saka ko siya pinapasok sa loob ng apartment.

It's been 6 months nung nagising muli ako sa pagkakacomatose, nahihirapan pa rin ako kapag naalala ko ang mga nangyari sa akin noong na-comatose ako. Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng nangyaring 'yon, dahil kung papipiliin ako kung anong reyalidad ang gusto ko mas pipiliin ko ang mundong 'yon.

Hindi ko na sinusuot ang doraemon bracelet na ibinigay sa akin ni Finn, itinago ko siya sa cabinet ko sa kwarto. Sinusubukan ko na silang kalimutan, pero ang hirap pala. Ayun lang ang mga magaganda kong ala-ala kakalimutan ko pa.

Nag quit na rin ako sa trabaho ko, parang hindi ata kakayanin ng mentalidad ko ang kumpanyang 'yon.

Every little step I am starting to redeem myself.

"Nagugutom ka ba? Tara kain muna tayo Adrien." Pag aaya ko sa kaniya at agad naman siyang ngumiti sa akin at sinundan ako sa kusina.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Adrien, pero mas lalo kaming naging in-touch sa isa't-isa. He became sweeter than before, para na nga siyang nanliligaw sa akin. Pero hindi ko tinatanong sa kaniya ang mga aksyon na ginagawa niya sa akin. Hindi ko nalang nilalagyan ng malisya, ayokong mag assume na naman.

Habang kumakain kami nanaig ang katahimikan, tila tunog lang ng mga kubyertos na tumatama sa pinggan ang naririnig namin na ingay. Nang matatapos na akong kumain biglang nagsalita si Adrien.

"Vana, about pala sa panaginip mo--"

Napatigil ako, "Ano? Alam ko namang hindi kapani-paniwala Adrien. Hindi mo na kailangan ipaalala sa akin." Sagot ko sa kaniya at inilagay ko na ang pinggan ko sa lababo.

Bumuntong hininga si Adrien, "I know you're partially mad at me about that, pero sa tingin ko nakahanap na ako ng sagot sa mga tanong  mo." Agad akong napahinto sa pag huhugas ng pinggan dahil sa sinabi ni Adrien.

"A-ano?"

Tumayo na rin si Adrien at inilagay na rin niya ang mga pinggan niya sa lababo, "Alam mo 'yung spiderman hindi ba?" Napasimangot naman ako sa sinagot ni Adrien sa akin.

"What? Im serious! I'm trying to help you here, Ivana." Nakita ko naman ang ekspresyon sa mukha ni Adrien at halata ngang seryoso siya sa sinasabi niya.

"What about it?"

"So, 'yung spiderman movies ay apat hindi ba? Na sinimulan nila Tom Holland, Tobey Maguire, Andrew Garfield, at Miles Morales?" Tumango naman ako sa pagtatanong niya, ano ba ito? Mag m-movie review ba kami?

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon