Chapter 36

183 11 1
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"Vana gusto mo ng potato chips?"

Nagulat ako nang may biglang hinagis sa akin si Zaffina paglabas ko ng banyo. Kaliligo ko lang at masasabi kong napakasarap tumambay sa banyo rito dahil sa bathtub nila at maligamgam na tubig. Ang babango pa ng mga shampoo at sabon nila rito, kapag may natira iuuwi ko 'yan.

"Tatambay daw rito mamaya 'yung boys may dadalhin daw silang games." Sabi ni Zaffina habang ngumunguya ng potato chips at tumango tango naman ako.

Nanaig ang katahimikan saglit ngunit agad iyon binasag ni Zaffina nang nagsalita siya "I don't like that girl." Napatingin ako sa kaniya, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

"That chinese sweet girl" dagdag muli ni Zaffina.

"Si Strawberry"

"Not even worth remembering her name. She got this bad aura with her alam mo 'yon? Like Anastacia." Sabi niya pang muli "I can't believe na ipinagkasundo siya ni Tito Sebastian sa anak niya." Dagdag pang muli ni Zaffina at napatingin ako ulit sa kaniya na may halong pagkagulat.

Napaupo si Zaffina sa higaan. "You didn't know? Oki kwento ko, nagkukwentuhan kasi kami kanina ni Tito Sebastian madali naman siyang kachikahan. Parang binata lang ganon? Polar opposites nga sila ng anak niya eh-- pero ayon nga, kapag tumuntong na si Jackson sa kolehiyo engaged na sila nung babaeng hilaw na 'yon." Pagkukwento sa akin ni Zaffina, hindi ko naman alam ang dapat kong i-react sa mga sinasabi niya. Pero hindi naman ako nasasaktan ngayon, parang inaasahan ko na 'to na mangyayari.

Wala rin akong kapangyarihan na mabago ito, hindi ko naman dapat pakielaman ang dapat mangyari sa reyalidad na ito.

Pero bakit ako nakakaramdam ng disappointment?

Napahiga muli si Zaffina habang nakatitig sa mukha ko "I know that you like him." Sabi niya at bumuntong hininga saka tumingin sa kisame. Napakunot naman ang noo ko at balak ko sanang itanggi iyon ngunit naunahan na ako ni Zaffina "Ivana, you're my bestfriend since childhood. I know you very much, I know every detail of you. Alam ko kung paano ka tumingin sa taong napupusuan mo sa hindi." Ngumiti siya sa akin na para bang naiintindihan niya ako, pero ang hindi ko maintindihan ngayon ay ang ngiti ni Zaffina.

Tila hindi ito purong kasiyahan alam na alam kong ngumiti si Zaffina at masasabi kong hindi siya masaya ngayon. "I love you since childhood that's why I read you like a complicated book that I ought to know. I love seeing my bestfriend's journey y'know?" Wika niya habang nakatingin sa akin ang mga sinsero at mapupungay niyang mata. "Mahal din kita Zaffina." Sagot ko pabalik sa kaniya at tanging tipid na ngiti lang ang sagot niya sa akin.

"Alam mo takot na takot ako akala ko hindi kana magigising muli. Kada pag tulog ko sa gabi binabangungot ako ng mga kaisipan na bukas iwan mo ulit kami. It scares the hell out of me, Ivana . And-- and it feels like you're going to disappear again." Dagdag niya at batid kong namumuo na ang mga likido sa mata ni Zaffina pero nilalabanan lang niya 'yon na hindi tumulo.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon