Chapter 31

171 6 0
                                    

***"Bakit nasa tabi ka ni Vana?" Napapalo naman ako ng noo dahil walang katapusan ang pagbabangayan nila ni Roy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
"Bakit nasa tabi ka ni Vana?" Napapalo naman ako ng noo dahil walang katapusan ang pagbabangayan nila ni Roy. Siya na ata ang papalit kay Zaffina dahil sa pagbabangayan nila lagi ni Roy.

"Bakit? Gusto ko eh? Paa ba kita?" Sagot ni Adrien, hinihintay kasi namin dito sa mall si mama. Kaya walang makakapag awat talaga sa kanila, si Zaffina naman chinicheer pa si Roy.

"Wala ba kayong oras na hindi magtatalo? Para kayong bata." Sabi ko sa kanila, well bata naman talaga sila pero nasa 14 naman na din sila. Malapit na silang magbinata.

"Blame him, not me." Sabi ni Roy at umusog sa gilid ko na parang inaamo ako. Hindi ko alam bakit bigla akong napatingin kay Jackson na ngayon ay nakatingin din sa akin, na walang reaksyon sa kaniyang mukha. Ano pa bang inaasahan ko? Bakit ba ako napatingin sa kaniya.

"Vana, why did you invite him? He's just a nuisance." Sabi ni Finn na ngayon ay kaharap ko kasama niya si Damien na ngayon ay natatawa na lang dahil sa nakikita niyang pagtatalo. Ngumiti nalang ako kay Finn, ayaw kong sabihin ang totoo dahil malamang aawayin nila lalo si Adrien.

Nagulat ako nang biglang may naramdaman akong kamay sa noo ko at biglang isinandal sa balikat ng kung sino. "Huwag niyong pagurin si Ivana, nahihilo siya." Sabi ni Adrien habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang noo ko na nakasandal na ngayon sa balikat niya.

Kung nasa anime lang kami malamang nakikita ko nang nagliliyab si Zaffina at Roy na ngayon ay nasa harapan ko. Nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Zaffina at si Roy naman ay may tinatawagan bigla sa cellphone niya. "Yes? Send some security here, there's a molester inside the mall." Sabi ni Roy at matalim na tumingin kay Adrien.

Biglang napatayo si Adrien at balak na agawin ang phone kay Roy, kaso mas matangkad si Dashiell sa kaniya at mas malaki ang katawan. Kaya naghabulan sila sa loob ng mall, napatampal nalang ako sa mukha ko.

Habang pinapanood ko si Roy at Adrien na mag asaran hindi ko namalayan na tumabi na pala sa akin si Jackson, napansin kong parang nag-aalala siya dahil sa sinabi ni Adrien kanina. "Kumusta ang lagay mo?" Pagtatanong niya sa akin "Ayos lang naman ako Jack--" Agad na naputol ang sinasabi ko nang inilapat niya ang kaniyang kamay sa aking noo.

"Malamig ang balat mo at pinapawisan ka. Ayos ka lang ba?" Sabi niya sa akin, ito na naman ang puso ko nakakaramdam na naman ng pagkabog dahil sa pinapakita niya. Napansin ko rin na mainit ang kaniyang palad na nakalapat sa aking noo, sana hindi niya naririnig ang pagkabog ng puso ko ngayon.

Hindi ako makapagsalita at tumango na lamang ako, nakita ko naman siyang ngumiti "Mabuti naman, take care of yourself." Sabi niya habang hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Kung pwede ko lang ipalaminate ang nakikita ko ngayon, gagawin ko at ipapaskil ko sa aking kwarto.

Nang makalipas ang ilang oras dumating na rin si mama at tila biglang naging anghel si Roy at Adrien na parang kanina lang ay nag iinisan at nag-aasaran muntik na mag-away. "Pasensya na medyo nahuli ako, kumain na ba kayo?" Sabi ni mama sa amin at tumango naman sila na parang mga bata kahit na mas matangkad pa sila kay mama.

Between the Parallel Worlds [COMPLETE] (Alter Reality Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon