Prologue

29 4 3
                                    

Prologue [UNKNOWN P.O.V.]

NNakatayo lang ako sa likod nang isang puno habang nakasilip na pinagmamasdan ang isang babaeng tumatakbo palayo sa demonyo.

Habang nakasilip ako ay saktong nag tama ang mga mata namin. Kita sa kaniyang mga mata ang kaba, takot at pag mamakaawa. Ngunit hindi ko siya malalapitan, dahil maging ako ay hindi ko na nanaising lumapit sa demonyong iyon.

"Tigilan mo na ako! Matagal na akong nakipag hiwalay sa'yong demonyo ka! Napakawalang hiya mo!" Luhaang sigaw nang babae habang tumatakbo papalayo sa demonyo.

"Alam mong pinagsisihan ko iyon, Adelle! Hindi ba mahal mo ako?! Eto na ako! Ako na mismo ang humahabol sa'yong puta ka!" Galit na sigaw nang demonyo.

"Demonyo!" Nang gagalaiting sigaw nang babae.

Nang makaramdam ako na lilingon sa pwesto ko ang demonyo ay agad kong inalis ang pagkakasilip ko. Hindi na ako nag tangkang sumilip ulit, bagkus ay nakiramdam na lang ako.

Rinig ko ang mga tili nang babae. Ang walang tigil na yabag. Pag mamakaawa. At.....galit.

Hanggang sa may narinig akong dalawang tili na nakakabingi. Tiling nanggaling sa bangin...

Nanghihina akong napa-upo sa kinatatayuan ko at nag simulang lumuha.

I'm so sorry, Adelle

Katahimikan. Binalot nang katahimikan ang kagubatan. Tanging huni nang mga ibon, mga halaman at puno na tumutunog dahil sa simoy nang hangin.

Unti-unti kong tinahan ang sarili ko. Tapos na ang pag hihirap mo, Belle. Harapin mo ang ginhawa nang ikaw lang mag isa. Isinakripisyo niya ang buhay niya para sa'yo. Ilang minuto ang nakalipas bago ko napagpasyahang tumayo.

Ang akala ko ay tapos na. Pero akala ko lang pala, dahil may isang malakas na tumama sa ulo ko.

May naramdaman akong likidong tumutulo mula sa ulo ko. "Ikaw, ikaw ang puno't dulo nang lahat nito. Hindi mo agad makukuha ang kalayaan mong puta ka. Sinira mo ang samahan namin ni Adelle." Bulong nang demonyo. Bago ko tuluyang isara ang mata ko dahil sa panghihina ay nakita ko ang ngisi nang demonyo.

Mahina akong napangisi. Oo nga pala, matagal mamatay ang masamang damo. Ang kaso ay hindi ito basta masama, kun'di ay demonyo. Huh, baka nga hindi na 'to mamatay. Tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

A/N: This is not edited. This story is full of typographical and grammatical errors (etc.). Isasama ko na rin siguro ang huwag masyadong mag expect baka kasi hindi ko makaya ang expectation niyo. Baguhan pa lang ako kaya pasensya na. Makaka encounter din siguro kayo nang mga bad words, pero konti lang kasi si Belle lang naman tsaka yung D ang mag mumura, hehe. Thank you for understanding! Enjoy reading! Stay safe! Love lots!

P.S. Pasensya na pala kung makaka encounter kayo nang mga lutang moments kadalasan kasi ay lutang ako mag update dahil pag katapos ko sa online class at school works ay update na agad ang inaasikaso ko, minsan hindi ko na kinakayanan kaya walang update nang isang araw.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now