Memory 15

8 3 0
                                    

"A-ano ba ang sinasabi mo, Adan?" Utal na tanong ng dalaga.


Seryosong lumingon sa kaniya ang binata.


"Magtatanan tayo, Del. Bakit? Hindi ka ba payag? Hahayaan mo na lang ba na pag layuin tayo ng mga magulang mo? Hahayaan mo na lang bang lumaki ang anak natin ng walang ama, ha?" Tanong nito.


Pinagdikit ng dalaga ang labi niya at mariin na pumikit.


"Saan naman tayo pupunta? Anong pang gatas natin sa bata? Saan tayo titira? Wala tayong trabaho, Dan!" Ani ng dalaga.


Kinalma ng binata ang kaniyang sarili bago hinawakan ang kamay ng dalaga.


"Kaya kong palakihin ang anak natin sa marangyang buhay. Trust me, Del." Sabi ng binata habang nakatitig sa kaniyang kasintahan.


Tipid na ngumiti ang dalaga at hinawakan pabalik ang kamay ng lalaki bago yumakap.


"I trust you, Dan." Bulong na sagot nito. Yinakap siya pabalik ng binata at bumulong.


"I love you, Del..."


"I love you too, Dan."


"Elli..."


"Hija..." Tawag ng kung sino.


Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Natagpuan ko si Tito Abien na may nag aalalang tingin. Napalingon ako sa paligid. Nakatulog pala ako sa sala.


Nang kuhanin ng mga naka armadong lalaki si Michelle ay umalis si Dave para hanapin ang mga kumuha kay Michelle. Hindi kami makatulog kaya nag hintay na lang kami rito sa sala.


"Lumipat ka na sa kwarto mo, hija. Para makatulog ka ng maayos." Aniya. "Umakyat na ang Tita Della at si Danny sa taas." Dagdag niya pa.


Tumango ako at tumayo na.


"Wala pa po ba si Dave?" Tanong ko at tumingin kay Tito Abien. Panandalian itong tumitig sa akin tila'y may iniisip.


"Wala pa si Dave. Bukas pa ata ang balik no'n." Sagot niya. 


Hindi na ako nakasagot pa pabalik. Muli akong tumango at sinunod na lang ang sinabi niya.


Masyado akong inaantok kaya't hindi ko namalayang may naka bungguan na pala ako.


"Sorry, Ma'am." Paumanhin nito nang hindi ako tinitignan. Tinanggal niya ang pag kakahawak sa balikat ko dahil sa muntikan kong matumba.


Bahagya akong ngumiti habang pilit siyang tinitignan dahil masyadong naka sarado ang mga mata ko dahil sa antok. 


"Mmm...Okay lang. Tulog na po kayo, anong oras na." Paos kong sagot at umakyat na ng hagdan.


Saglit kong binuksan ng bahagya ang mga mata ko para hanapin ang pinto ng kwarto ko. Nang makita ko ito ay muli kong sinarado ang mga mata ko at dumiretso  sa direksyon no'n.


Nasaan na kaya si Michelle? Okay lang kaya siya? May masama kayang nangyari sa kaniya? Hala, sana wala. Tanong ko sa isip ko nang muling naalala ang nangyari kanina. 

History, History, History  (Memory series#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें