Memory 19

15 3 6
                                    

"Sister Maria?" Patanong kong tawag kay Sister na nakatulala sa kawalan.


Bigla naman siyang napabaling sa akin at tipid na ngumiti. "Elli," 


Lumapit ako kay Sister at umupo sa tabi niya. 


"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko. Kaming dalawa na lang kasi ang gising. Normally ay matutulog na rin sina Sister kapag nakatulog na ang mga bata. 


Rinig ko ang pag buntong hininga ni Sister.


"Okay ba ako?" Tanong niya na para bang tinatanong ang sarili. "H-hindi ko a-alam." Paos na sabi ni Sister Maria. "M-may tiwala ako sa diyos... alam ko, alam kong may dahilan ang lahat. Pero... b-bakit ako? B-bakit ang p-pamilya ko pa?" 


Biglang tinakpan ni Sister Maria ang mukha niya bago humagulgol. Mas lumapit ako kay Sister Maria at hinaplos ang likod niya. Hinayaan ko muna siyang matapos sa pag-iyak bago ako nag salita. 


"Kung... kung may pinag dadaanan po kayo, alam ko pong magiging okay ka, magiging okay ang lahat. Hindi ko nga lang po alam kung kailan." Pinag masdan ko si Sister Maria sa pag punas ng mga luha niya. "Malakas ka, Sister Maria. Alam ko pong makakaya niyo 'yan." Nakangiting sabi ko. 


Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Sister Maria. 


"Salamat, Elli. Salamat." Bulong niya. Nakangiti akong yumakap pabalik. 


Patakbo akong lumapit kay Sister Maria at yumakap. Nanigas pa siya sa kinatatayuan niya pero sa huli ay narinig ko rin ang matunog niyang pag ngiti sabay yakap pabalik sa akin. 


"Kumusta na po kayo, Sister Maria?" Tanong ko at kumalas sa pag kakayakap sa kaniya. 


Nakangiti siya sa akin bago sumagot. "Ito, okay naman. How about you, Elli? Kumusta ka na?" Tanong niya. 


"Okay lang naman po." Sagot ko at lumingon kina Tita Della na nakangiting nakatingin sa amin. Muli akong bumaling kay Sister Maria at ngumiti. "I--nampon po ng mga Cañete." 


"Maiiwan muna namin kayo." Sabi ni Tita Della kaya lumingon kami sa kanila. Tinanguan niya kami bago tumalikod. 


Lumingon ako kay Sister Maria bago siya hinila sa walang masyadong tao. 


"K-kumusta na sila, Elli?" Biglang tanong ni Sister. 


"Okay lang po sila. May mga dumagdag. May mga umalis din po na bata. Kayo po? Bakit po kayo umalis?" Tanong ko habang nakatitig kay Sister Maria. Nag iwas ito ng tingin. 


Napabuka ang labi niya pero itinikom niya rin ito. Tumingin ito sa akin. "I...I" Napatingin ito sa kamay niyang nanginginig. 


"Sister? Are you okay?" Nag aalala kong tanong bago lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mag kabilaang kamay niya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now