Memory 18

6 2 0
                                    

Tahimik kong pinagmasdan ang itsura ko sa harap ng salamin. Ang mukha kong walang emosyon. Alam ko na nga ba ang lahat?


Ilang taon nang magising ako ay inakala kong alam ko na ang lahat. Ang lalaki sa aking panaginip. Ang babaeng isinakripisyo ang buhay ng... batang babae. Sino ako sa kanilang tatlo? Sino nga ba ako?


"Ate Elli?" Napatigil ako sa pag kakatulala nang makarinig ako nang katok sa aking pintuan. 


Lumingon ako roon. Kasabay ng aking pag lingon ay ang pag awang ng pintuan at ang mukha ni Danny nakangiti.


"Let's go? Mukhang naghihintay na sina Sister." Aniya nang nakangiti. 


Tipid akong ngumiti pa balik bago tumayo sa pagkakaupo. 


"Pasensya na. Kanina pa ba kayo nag hihintay?" Tanong ko nang makalapit sa pintuan.


Bahagya ko siyang nilingon. Umiling siya. "Hindi raw pala makakasama sina Mommy kasi aasikasuhin nila 'yung handaan mamaya. Ang gusto nga ni Mommy ay pumunta na lang sina Sister dito kasama ang mga bata kaso tumanggi si Sister Nea." Paliwanag niya habang nag lalakad kami.


"Tayong dalawa lang pala ang pupunta roon?" Tanong ko pa. Napatigil ako sa paglalakad sa kadahilanang tumigil si Danny sa pag lalakad sa kalagitnaan ng hagdan.


Kunot noo akong lumingon sa kaniya. "May problema ba?" Tanong ko. 


Mas lalong humaba ang nguso niya at nakadipang lumapit sa akin sabay yakap. 


"Ate Elli, 'wag ka nang mag tampo." Bulong niya. Hindi ako nakasagot. "Nang araw na 'yon ay hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Nagising na lang ako dahil sa ingay... tapos nakita na lang kita na karga ni Kuya Dave." Seryosong aniya.


Bumuntong hininga ako. "Ayos lang, Danny." Mahina kong sagot.


Hindi ako kampante hangga't hindi ko alam ang katotohanan. Hanggang sa makakaya ko ay lalayo muna ako.


May tipid na ngiti sa aking labi nang humiwalay sa akin si Danny habang nakatingin.


"Elli! Danny!" Naputol ang pagtitigan namin ni Danny nang marinig namin na may tumawag sa amin. 


Nakita ko si Dave sa main door na nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. 


"Tara na ba?" Malakas na tanong niya. Tumango na lang ako at lumingon kay Danny. Nag lakad na ako pababa ng hagdan. Rinig ko ang mga yapak ni Danny sa likod ko.  


"Hmm. You okay?" Bulong ni Dave ng makababa kami. 


Lumingon ako sa kaniya at tahimik na tumango. Nginitian niya ako at inakbayan. 


"Kung may problema ka at ayaw mong sabihin, alam kong makakaya mo 'yan. Magiging okay ka rin." Dagdag niya pa. Napangiti ako at tumingin sa kaniya kahit naka iwas siya ng tingin.

History, History, History  (Memory series#1)Место, где живут истории. Откройте их для себя