Memory 8

5 2 0
                                    


"Ah, si ate Michelle. Ewan ko ba do'n kay kuya. Ang sabi niya kasi ay pamangkin ko raw si ate Michelle, e, mas matanda 'yon sa 'kin kayas paano nangyari 'yon? 'Tsaka wala naman siyang girlfriend. Lakas ng trip." Naka simangot niyang sabi habang inaayos ang mga pag kain na nilalagay ng isang babae.


Napatango-tango ako. "So matagal na pala dito si Michelle?" Tanong ko.


Kumurot siya sa manok niya habang nag aayos. Napangiti ako dahil doon.


Umiling ito. "Bago lang rin si Ate Michelle dito." Sagot niya.


Umupo na si Danny at nag sign of the cross. "Kain tayo." Sabi niya.


Muli ko siyang nginitian at tumango. Nag sign of the cross na rin ako.


"Tapos sinabi sa 'yo ng kuya mo na pamangkin mo si Michelle? Baka naman si Michelle ang girlfriend niya?" Aniko at humiwa na ng manok.



Natigil siya sa pag nguya, tila'y may narealize. Kumunot ang noo niya.


"May chance. Kaso ang layo rin ng age gap nila. 16 years din." Natatawang sabi niya. Lumapit ito bahagya sa akin at hininaan ang boses. "Sugar goals, hahaha" Aniya at humalakhak. Natawa na rin ako ng mahina.


Natahimik kami saglit nang mag salita ako. 


"Ilan ba ang agwat niyo ng kuya mo?" Tanong ko. 


Linunok niya muna ang kinakain niya bago sinagot ang tanong ko.


"18 years." Sagot niya at humiwa ulit ng manok.


Napatango ako. "17 ka na ngayon 'di ba? Ede 2 years pala ang agwat niyo ni Michelle?" Ani ko at tumango siya habang ngumu-nguya


Ngumuso siya. "Oo. Kaya parang imposible. Hindi naman siguro na nag ka anak si kuya no'ng bata pa siya." Ngumunguya niyang ani.


Napa isip ako. "Hindi imposible, Danny. Hindi natin nakikita ang mga ginagawa ng isang tao kapag hindi natin sila nakikita o kasama. Malay mo sa loob ng bahay ay mabait siya, pero kapag nasa labas ay loko-loko. Pero in this case, pwede imposible at pwede ring posible." Ani ko.


Nag kibit-balikat siya.


"Pero...kung anak niya nga si ate Michelle. Bakit ngayon lang niya kinuha? 'Tsaka sino ang nanay ni ate Michelle?" Wala sa sariling tanong niya.


"May dahilan ang kuya mo. Imposibleng wala." Sabi ko. 


Natahimik nanaman kami hanggang sa maisip ko kung ano ang itsura nila Mrs. and Mr. Cañete no'ng pinakilala ni Dave si Michelle.


"Buti pinayagan ng mama at papa mo na dalhin ni Dave dito si Michelle? Sinabi ba ni Dave kung ka ano-ano niya si Michelle?" Tanong ko.


History, History, History  (Memory series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora