Memory 12

9 2 3
                                    


"Kung...gano'n, bakit hindi mo sabihin, Dave? Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba nasasaktan na hindi ka kinikilalang ama ng anak mo?" Tanong ko sa kaniya.


"Sinabi ko pa lang sa kaniya na ako ang ama niya, paano pa kaya kapag nalaman niya na ang lahat, Elli? Nahihirapan rin ako pero hindi ako sumusuko...kasi anak ko 'yan, e. Anak ko, Elli. Ang masakit lang ay...hindi niya man lang ako pinakinggan. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang pag mamahal ng isang tunay na ama." Garalgal ang boses niyang saad. Lumingon siya sa buwan at uminom ng alak. "Ang sakit. Ang sakit sakit."


Mabigat siguro talaga ang nararamdaman ni Dave, no? Isipin mo 'yon, iba ang kinikilalang ama ng anak mo. Kahit wala akong anak ay ramdam ko ang sakit. Dugo mo kasi ang nadaloy do'n, e. Anak mo 'yon, tapos hindi ka niya kilala bilang magulang niya.


Lumipas ng ilang minutong katahimikan nang bigla siyang mag salita.


"Aalis nga pala tayo dito, Elli." Maya-mayang aniya. 


Napatingin ako sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo.


"K-kasama ba sila Mrs. Cañete?" Tanong ko. Siya naman ngayon ang nangunot ang noo nang balingan ako ng tingin.


Bahagya itong tumawa. "Mrs. Cañete? Mrs. Cañete pa rin pala ang tawag mo kay mama? Elli, part ka na ng pamilyang ito. You can call her Mom or if you're not comfortable with that, you can call her Tita Della." Nakangiting aniya.


Kusang nabuhayan ang diwa ko mula sa pag kakatulog. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nang matapos kami ni Dave mag usap kagabib ay dumiretso na rin ako rito sa kwarto at natulog na.


Kahit mabigat pa rin ang talukap ng mata ko ay pinilit ko itong minulat.


Ilang segundo ang nakalipas bago ko napag desisyunang bumangon na mula sa pag kakahiga. Nag stretch stretch muna ako bago pumunta sa loob ng banyo para mag ayos.


Tulad ng dati ay niligpit ko muna nag pinag higaan ko bago lumabas ng kwarto.


Sakto lang ang gising ko dahil nang makarating ako sa kusina ay may narinig naman akong nag lalakad sa hagdan. 


Pumunta ako sa dirty kitchen at natagpuan ko roon ang iilang mga kasambahay na nag luluto. Napatingin sila sa akin bago bahagyang yumuko.


"Magandang umaga, Miss Elli." Bati nila sa akin. Mukhang nasabi na sa kanila ang pangalan ko. Saglit nilang bati bago muling bumaling sa ginagawa nila.


Bahagya akong ngumiti bago bumati sa kanila pabalik. "Magandang umaga rin po." 


Lumapit ako sa isang kasambahay. "Ano pa po bang kulang? Tutulong po ako." Sabi ko.


Napalingon siya sa akin at kinunutan ako ng noo. 


"Nako, ineng, hindi na kailanga. Kaya na namin ito. Mag gala-gala ka na lang muna rito sa bahay, malapit na rin naman itong maluto--" Natigilan kami dahil sumigaw ang isang kasambahay pero hanggang sa kusina mo lang naman maririnig.

History, History, History  (Memory series#1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora