Memory 2

16 4 7
                                    



Maaga akong gumising dahil naatasan akong mag luto nang almusal ngayon. Well, lagi naman ako ang taga luto nang almusal.

Dumiretso agad ako sa banyo at nag palit ng damit bago nag hilamos at mag toothbrush.

Habang nag t-toothbrush ako ay tinitigan ko ang mukha ko. Madaming nagsasabing ang ganda ko raw, mukha akong 23 years old, hindi pa raw nakupas ang itsura ko, Mayroon akong may kanipisang kilay, matangos na ilong, mapupulang manipis na labi, at ang mamula-mula kong pisngi dahil sa kaputian, kaya nga labis na nagtataka sila sister kung bakit ipinaampon ako dahil mukhang galing ako sa marangyang pamilya.

Sa tuwing pumupunta akong palengke at napapa-chika sa mga tindera't tindero ay lagi nilang isinisingit ang mukha ko, katulad nito:

"Ang ganda mo, neng, ah, ilang taon ka na? Alam mo, bagay kayo ng anak ko,"

Pero ang manghang iyon ay napapalitan ng gulat sa tuwing sinasabi ko ang edad ko.

"Thirty six na po ako."

Nakakatuwa lang dahil ang akala ng lahat ay 23 pa lang ako. Napailing ako at nag mumog na.

Itinali ko nang isang buo ang buhok ko bago dumiretso sa kusina.

Habang nagluluto ako ng sinangag ay nagulantang ako ng biglang may mabibilis na yabag akong narinig mula sa hagdan.

Nagmamadali akong lumabas ng kusina at nagtaka dahil mukhang nag mamadali sila sister at si Shai.

Sakto namang napabaling sa akin si sister Ligaya kaya dali-dali itong lumapit sa akin.

"Good morning Elli. Pag katapos mong palang mag luto ay ihanda na agad iyan sa lamesa dahil padating na ang pamilya Cañete." Hindi na niya ako hinintay sumagot dahil nagmamadali siyang umakyat.

Ang aga naman ata nang pagdalaw ng pamilya Cañete? 'Tsaka mukhang ngayon lang sinabi dahil kung sa isang araw pa sinabi iyon ay maagang nag prepare sila sister.

Ang pamilya Cañete ang laging nag d-donate rito sa bahay ampunan, may kasungitan sila pero mas madalas ay mabait sila. Sa tuwing nag uusap kami ni Shai ay sinasabi niyang nagmamanman raw dito ang pamilya Cañete, parang may hinahanap.

Bumalik na lang ulit ako sa loob ng kusina at ipinagpatuloy ang pag luto.

Nang matapos ako ay inisa-isa ko na ang pag lagay sa lamesa. Saktong kukuha ako ng isang pitsel nang tubig ay may nakita akong babaeng nag lalakad, tanaw ito mula sa loob ng kusina dahil may bintana sa loob. Nakasuot ito ng yellow na puff dress, white na doll shoes, may shoulder bag na yellow siyang dala, nakalugay ang wavey niyang buhok. Napatigil ako sa mukha niya, sino ito? Ngayon ko lang siya nakita sa ilang taong pag bisita ng pamilya Cañete, hindi kaya ay asawa ng panganay na anak ni Mrs. Cañete na hindi pa nakakabisita? Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil biglang may lumabas na imahe.

"Mommy, look at this!" Tuwang-tuwang sabi nang bata sabay lahad ng litrato sa isang babae.

"I want to be a princess too, mommy, like her." Nakangiting wika nito.

Lumingon sa kaniya ang babae at pinanggigilan ang namumulang pisngi nito.

"Okay, baby. Iyan ang magiging theme mo sa birtday mo. I love you." Wika nito.

"I love you too, mommy."

"Elli?" Pumikit ako nang mariin dahil mukhang kailangan na ang tubig at kailangan ko itong ibigay. "Elli, ayos ka lang? Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Nasusuka ka ba? Hindi ba maayos ang pakiramdam mo?" Rinig kong boses ni Shai bago ko naramdama ang kamay niya sa mag kabilang braso ko mula sa likod.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now