Memory 16

6 2 0
                                    

Dahil sa kakasigaw ko kagabi ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. 


"Ate Elli..." Mahinang tawag ng kung sino.


"Mnn?" Ungol ko.


"Ate Elli," Tawag pa nito sabay mahinang pag tapik sa braso ko.


"Hmm? Bakit?" Tanong ko gamit ang mababang boses.


"Wake up, please?" Pakiusap nito at nakarinig ako ng mahinang pag hikbi.


Kunot noo akong nag mulat. Tinignan ko ang kaliwa ko. Kusang nanlaki ang mga mata ko.


"Michelle?!" Gulat kong sabi. 


Duguan ang ulo niya habang nakagapos ang kamay at paang naka higa sa higaan ko.


"Help me..." Umiiyak na aniya. Akmang hahawakan ko siya ng hindi ko maigalaw ang kamay ko.


"Ate Elli, help me, please." Ulit niya pa. 


"Michelle!" Sigaw ko ngunit walang lumalabas na boses. Ano bang nangyayari?


"Ate Elli!" Lumakas ang boses niya. "Tulungan mo ako!" Sigaw pa niya.


"Michelle, hindi ko alam kung paano!" Sabi ko pa pero walang tinig na lumalabas sa bibig ko.


"Ate Elli!" Malakas niya na sigaw na parang mababasag na ang ear drums ko. 


Lalong nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang tumayo. Unti-unti ring nag iiba ang mata niya. Nag kukulay pula ito.


"Ang sabi ko ay tulungan mo ako!" Malakas na sigaw niya ngunit...iba ang boses niya.


"Michelle!" Sigaw ko pa pero walang tinig na lumalabas. 


Bigla akong hingal na hingal na bumangon dahil may malakas na tumama sa pisngi ko. 


Nakita ko ang nag aalalang tingin nila Tito Abien, Tita Della at Danny. Si Dave ay gulat na nakatingin kay Tita Della na naka patong sa akin.


Biglang napatingin sa akin si Dave. Nilapitan niya ako.


"Okay ka lang ba, Elli?" Tanong nito. Tahimik lang akong tumango. 


Mabilis na umalis si Tita sa ibabaw ko. Habang si Dave ay mas lumapit pa sa akin.



"Ano bang nangyari sa 'yo, Elli?" Nag aalalang tanong ni Tita Della.


Hinihingal pa rin ako hanggang ngayon kaya inabutan ako ni Danny ng tubig.


"Uminom ka muna ng tubig, Ate Elli." Sabi niya.

History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now