Memory 13

12 2 3
                                    


Humarap ako sa kaniya. Kita ko ang panginginig ng katawan niya, tila'y takot na takot.


"Hey, Mi-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil umiyak siya at tinakpan ang bibig ko.


"H-huwag ka ngang maingay, Elli!" Asar niyang sabi habang umiiyak. "Makikita niya tayo!" Sabi niya pa.


Napatitig ako sa mukha niya. Kita ang takot. Bakit siya ganito? Anong nangyari kay Michelle?


Hinawakan ko ang mag kabilaang pisngi niya.


"Walang makakasakit sa 'yo, Michelle." Mag rereklamo pa sana siya nang bigla ko siyang yakapin. Nag pumiglas pa siya pero sa huli ay yumakap siya sa akin at umiyak. "Hanggat nasa tabi mo ako, walang makakagalaw sa 'yo."


Maya-maya pa man ay tumigil siya sa pag hikbi. Nag angat siya ng tingin sa akin.


"Elli...'Wag kang aalis, ha? 'Wag kang aalis sa tabi ko." Mahinang sabi niya at muling yumakap sa akin.


Napangiti ako at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. Hinimas ko ang buhok niya. "Pangako..."


Tuluyan na siyang tumahan at humiwalay sa akin upang punasan ang mga luha sa mukha niya. Nagulo na rin ang make up sa mukha niya.


Bumalik ang dati niyang expression na malamig. Tumingin siya sa akin.


"I need to retouch my make up." Aniya na parang walang nangyari kanina. 


Nakangiti akong tumango sa kaniya. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman siya.


Tumalikod na ito at nag simulang maglakad ngunit wala pa mang anim na lakad ay muli siyang bumaling sa akin.


Kung seryoso ang mukha niya kanina ay mas seryoso ngayon.


"Act like nothing happened." Huling sambit niya bago muling tumalikod at nag patuloy sa paglalakad.


Kahit papaano ay napakalma ko siya kaya masaya na rin ako roon. 


Nagpatuloy ako sa pag hahanap ng mga kagamitan at kasangkapan na kailangan. 


"Ate Elli!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.


Napatigil ako sa pag hahanap at napalingon sa may kanan ko. Natagpuan ko si Danny na naka ngiting tumatakbo papalapit sa akin.


Bahagyang kumunot ang noo ko habang naka ngiti.


"Bakit parang sumaya ka lalo?" Tanong ko nang makalapit siya sa akin.


Mahina siyang humalakhak at pabirong pinalo ang braso ko.


History, History, History  (Memory series#1)Where stories live. Discover now