Memory 3

10 3 0
                                    


Ilang araw makalipas ang nangyari nung pumunta ang pamilya Canete ay marami pa 'ring na babahala sa kalagayan ni Michelle. Wala pa rin kasing balita, diretso alis na ang pamilya Canete nang mangyari iyon.


Madaming nababahala pero wala  kaming magawa kun'di ang gawin ang pang-araw-araw na gawain na parang walang nangyari, ilang araw ang naka-lipas.


Hindi na rin ako nakadalaw kay nana dahil kailangan din ako dito sa bahay ampunan at may trabaho rin ako.


Kasalukuyan akong nag-lilinis ngayon sa bakuran nang biglang tumabi sa akin si Shai at naki-walis.


"Yow, wazzup." Sabi niya at nag-walis na rin. 


Ilang araw ko siyang hindi naka-usap dahil busy din siya sa work.


Tumigil ako sa pag-wawalis at seryosong tumingin sa kaniya. 


"Ikaw, Shai--" Bigla naman siyang tumingin sa akin at nag-salita.


"Oh yes, me?" Tanong niya na agad kong inirapan.


"Saan mo natutunang mag-mura?" Seryoso kong tanong. Napatawa naman siya.


"Come on, Elli! Mga gurang na tayo, normal lang 'yun!" Natatawang sagot niya.


"Natutunan mo ba 'yon sa trabaho mo?" Tanong ko pa.


Ngiti lang ang isinagot sa akin at ipinag-patuloy na ulit ang pag-wawalis.


"'Wag mo nang uulitin 'yon, ha? Masamang mag-mura kahit pa'y matanda ka na." 


"Opo, inay." Pareho na lang kaming natawa sa sagot niya at masayang ipinag-patuloy ang pag-wawalis.


Natapos na rin kami kaagad dahil hindi naman ganoon kadumi sa harapan at may katuwang naman ako sa pag-wawalis.


Akmang mag-lalakad kami papasok nang may bumusina galing sa gate kaya pareho kaming napalingon doon.


Kumunot ang noo ko. Mga Canete?  Buti naman at napadalaw ulit sila. Kumusta na kaya si Michelle?


Humarap ako kay Shai at inabot ang Walis. "Ibalik mo na ito, ako na ang mag-bubukas ng gate." Sabi ko na agad niyang tinanguan.


Lumapit naman ako sa gate at pinag-buksan sila. 


Tahimik ang mga Canete ngayon. Ano kayang nangyari? Kapag may bumabati sa kanila ay tipid lang nila itong ngi-ngitian o kaya minsan ay babati rin sila pabalik.


"Mrs. Canete!" Gulat na sabi ni sister Lucy.


"Sister Lucy," Bati ni Mrs. Canete at nag-mano kay sister Lucy. "Pwede ko ho bang maka-usap si sister Nea?" Tanong nito.


History, History, History  (Memory series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon